5

956 33 1
                                    

Chapter 5

"And then the big monster came out of the closet and scared the kid!" I heard Gabe's familiar voice in the kitchen. Andito ako sa kanila as promised. Siyempre babawi ako sa inaanak ko.

"Tapos?" rinig kong sabi ni Tita Connie. "What happened?"

"The kid got scared. Tapos grandma, the kid became a robot!"

"That's one cool dream." sabi ko. Napalingon sila sa akin and Gabe instantly smiled.

"Ninong!" he said sabay talon mula sa bar stool at takbo sa akin. I gave him a hug saka pa ginulo ang buhok niya.

"Good morning, little guy." sabi ko. "Hi tita. Good morning."

"Good morning, iho. Halika. Join us for breakfast. Anong gusto mo? Coffee? Juice?"

"Juice na lang po." sagot ko saka na kami naglakad papunta sa bar counter ni Gabe. Pinaupo ko na siya sa stool at tumabi naman ako sa kanya. Tita Connie gave me my plate and utensils saka na ako hinayaang kumuha ng pagkain.

"Ang aga mo ata?" aniya.

"Eh naisip ko kasi tita, Sunday ngayon. May school si Gabe bukas so di siya pwedeng late matulog. Kaya inagahan ko para masulit naman namin yung araw na to." sabi ko.

"Sabagay. Oo nga pala. Gabe, we'll attend mass later." paalala ni Tita Connie sa kanya. "Elmo sama ka na."

"Sige po." sagot ko saka na kumain.

"Ninong, can we play after the mass?"

"Oo naman. Tita, dun pa din ba kayo nagsisimba sa St. Paul?"

"Oo, nak. Dun pa din."

"Ah. Sige po." sabi ko. Lumingon ako kay Gabe and I caught him staring back at me. "Yes?"

"Ninong, I don't like garlic with my rice." kunot noong sabi niya habang nakatingin sa fried rice na nakahain.

"You know what? I hate garlic with my rice too." sabi ko. Natawa si Tita Connie sabay kuha sa bowl ng fried rice.

"Nakalimutan nanaman ni Manang Rita na ayaw ni Gabe sa bawang. Hahaha!" aniya sabay tawa.

"Nako. MR! Di ganun ha?" sabi ko kay Manang Rita na sumilip mula sa may lanai.

"Ay nako oo nga pala. Ayaw niyo nga pala ng bawang sa kanin. Di bale. Magluluto na lang ako ng iba." aniya at akmang magluluto na nang pigilan siya ni Tita Connie.

"Manang okay lang. Silang dalawa lang naman ang ayaw sa garlic rice eh. May pancakes pa naman." ani Tita Connie sabay tingin sa amin.

"Oo nga naman MR. Okay lang kahit di na kami mag rice ni Gabe. Pampagwapo ang pancakes. Diba?" sabi ko naman saka lumingon kay Gabe. He looked confused but nodded afterwards.

"Hay nako buti na lang talaga andito ka na uli Elmo. May makakapagpakain na kay Gabe ng almusal." ani Tita Connie.

"Bakit tita? Di ba nagbbreakfast si Gabe?"

"Nasanay na di magbreakfast kasi palagi namang wala ang mommy niya kapag nasa condo sila."

"You mean naiiwan mag-isa si Gabe dun?" tanong ko.

"Hindi. Minsan ako yung nagbabantay sa kanya pag walang trabaho. Minsan naman kung sinong available kanila Maqui at Maine."

"Eh ano bang pinagkakaabalahan ni Julie ngayon tita?"

"Eh alam mo na yun."

"Si Bogart?" tanong ko. Nagtaas ng isang kilay si Tita Connie at natawa naman si Gabe sa tabi ko.

BlindedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon