10

1K 27 2
                                    

Chapter 10

Cereals. Check. Gummy worms. Check. Chuckie. Double check. I looked at the contents of my grocery cart and was finally satisfied. Andito na lahat ng kailangan ko.

"Dude sure ka bang yan ang kailangan mo sa bahay mo? I mean, where's your toothpaste? Detergent soap? Any meat for cooking? Beer pare. Asan yun beer?"

"Ha?" pagtataka ko. "Ah. Oo nga." sabi ko saka naglakad.

"Ayan eh kung gan-- Putangina bakit yan?!" he asked pointing at the box of zesto that I was holding. "Recess ba natin mamaya?"

"Gago." sabi ko. "Matutulog kasi bukas sa condo si Gabe. I want to stock up on food and drinks for him para in case magutom siya may snacks siyang mahahanap."

"Tangina seryoso yan?" tanong niya at tinignan lahat ng laman ng cart ko. "Zesto... Koko Krunch... Chuckie... Chicken nuggets... Tangina naman dude. Recess nga to!"

"Wag ka nga makielam! Epal." sabi ko saka na tinulak ang cart papunta sa aisle ng mga canned food. "Oh ayan. Pumili ka ng kakainin mo."

"Bwiset ka sarap mo sapakin." sabi niya habang kumukuha ng sisig, corned beef and tuna. "Kingina mo."

"I'm doing my grocery shopping for Gabe kasi. Sino ba nagsabi sayong para saken to?" sabi ko.

"Aba di mo naman sinabi. Sabi mo lang kanina samahan kita maggrocery. So I was kind of expecting na bibili ka ng mga kailangan ng tao. Hindi ng bata." aniya sabay hablot dun sa isang bote ng Jack Daniels. "Kailangan natin to." ngisi niya. Hindi na lang ako kumibo at hinayaan siyang kumuha ng mga gusto niya. Mamaya ka saken gago ka.

Pagdating sa cashier ay inuna kong ilagay ang nga binili ko para kay Gabe. Hindi ko pinansin ang nga kinuha ni Pol at nang akmang ilalagay na niya yun sa counter ay pinigilan ko siya.

"Uy ano?" aniya.

"Gago ikaw magbayad niyan. Ikaw may gusto niyan eh." sabi ko sabay tawa.

"Tangina mo kahit kailan. Gago ka." aniya sabay dukot sa wallet. "Sige miss, tapusin mo muna yung kanya. Kung pwede pati siya pakilagay sa box."

"Hahahaha. Tantado." sabi ko. "Magkano miss?"

"Php1,236.80 po sir." sabi ng babae saka pa ngumiti. Inabot ko sa kanya ang credit card ko saka na hinintay na matapos iyon. Tumayo na ko sa may dulo ng cashier para hintayin si Pol na masama ang tingin sa akin. Tinawanan ko lang naman siya at nang matapos siyang magbayad na umabot ng 3 kiyaw ay inakbayan ko siya saka pa tinawanan sa tenga.

"Tangina mo gago!" aniya. "Lugi ako sayong hayop ka. Ikaw din naman makikinabang nito sa huli." aniya sabay pakita saken ng paper bag niya.

"Okay lang yan dude. Ikaw naman may gusto niyan."

"Gago ka talaga. Mautal kang hayop ka." iiling-iling na sabi niya. "Pero dude, jackpot ba kanina?" biglang ngising tanong niya.

"Jackpot saan?" pagtataka ko.

"Sa kapatid ni Shelly. Mukhang type ka pare."

"Sally? Teacher ni Gabe yun."

"Di ko naman tinanong trabaho niya tanga. Sabi ko mukhang type ka."

"Hahahaha. Narinig ko. Ewan ko. Ngayon lang naman kami nagkausap ng maayos eh. Nung hinatid ko kaya si Gabe pinalayas niya ko sa classroom nila." kwento ko.

"Wow. Hate at first sight ba?"

"Hindi naman. Pero bawal kasi talaga magulang sa classroom. Eh yun yung araw na binully si Gabe. Naalala mo yung kinwento ko sayo? Yun. Siya yung teacher na sinabi ko."

BlindedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon