Chapter 2-Tantei High

15.2K 222 19
                                    

"Ano? Target? Hindi kita maintindihan? Anong meron sa mga Shinigamis?" Tanong ko, hay kung anu-ano ang pinagsasabi ng isang 'to, wala nga akong ka-alam alam sa mga Erityian Tribes.
"Siguro naman alam mo na yung tungkol sa dugo mo diba?" Tanong ni Hiroshi at tumango nalang ako. Cute talaga neto, mukhang hindi namin kaklase eh mukha siyang 9 yrs old.
"At alam mo na ba ang tungkol sa mga Shinigamis?" This time, si Robert ang nagtanong at umiling ako. Jusko cross my heart wala talaga akong alam sa Shinigami na yan.
"Looks like kailangan mo ng History Lesson Neeka!" Gulat naman ako sa nagsalita sa likod ko, si Roswel. Aba! Kailangan ko talaga nun, ako lang ata dito ang may di alam sa existence ng Erityian Tribes.
"Pagkatuntong naten ng Tantei High, simulan na natin ang pag aral ng history nila pati narin sa ibang tribes!" Excited na sagot ni Hiroshi. Jusko panong hindi? Eh ang hilig nilang mag aral. Samantalang ako, chill lang.

Nang matapos na kaming mamili ng gamit, lumabas na kami ng O-Tantei. Kumain kami saglit at nagpaalam na ko sa kanila. Sumunod nalang saakin si Joyce dahil sabay nga pala kaming pupunta sa Tantei High.
"Neeks, kinakabahan ako." Biglang siyang nagsalita kaya napalingon ako.
"Bakit naman?" Tanong ko. Ako rin kinakabahan. I guess lahat naman kami, sino bang hindi kakabahan kung ganong school ang papasukan mo?
"Ewan, nakakakaba lang. Nasanay kase tayo sa Capitol. Saka parang feel ko na na ang hirap ng gagawin natin dun. Pero keribels 'to noh! Kahit ganun excited pa rin ako hahaha!" Di talaga mawawala ang ka hyper-an netong babaeng 'to.

Umuwi muna ako ng bahay at pagkauwi ko, wala si mama. San naman pumunta si mama ng ganitong oras? Hays

Kinuha ko na yung mga gamit ko at nag iwan nalang ako ng sulat sa lamesa para kay mama. Kailangan na rin kase namin umalis, saka nag aantay si Joyce sa baba.

Umalis na kami ni Joyce sa bahay at sumakay kami ng Jeep papuntang Bulacan. Ayon kase dito sa map, may way papuntang Tantei High doon. Though, medyo kumplikado ang daan kaso kase no choice dahil bulacan ang pinakamalapit.

Binaba kami ng jeep sa waiting shed. Ngunit walang katao tao. Ang tahimik dito, mukhang malayo sa sibilisayson. Siguro dito na banda yun.

Naglakad lakad kami ni Joyce dito sa daan hanggang sa wala na kaming makitang tao. Tanging tunog nalang ng hangin ang naririnig namin. Tinignan ko muli yung map tapos nakalagay dun na kailangan namin pumasok sa isang gubat. Pano naman namin malalaman kung saan kami papasok? Jusq ang hirap naman.

"Neeka! Tignan mo oh!! May nakita akong sign dito." Tas tinuro niya yung sign, tas yung nakasulat dun Jumbled words. Siguro kailangan namin I-un jumble ito.

IETNAT6IGHH7HIST6YWA76

Tinitigan ko ito ng mabuti. Ano yung mga number na iyon? 6, 7, 6...?
Wait...PARANG ALAM KO NA!
"GOT IT!" Sigaw ni Joyce na may malapad na ngiti.
"Yah, nakuha ko rin." Napangiti rin ako, di naman mahirap malaman dahil jumbled words lang talaga siya at yung numbers clue siya.

Tantei High This Way yung nakasulat dun sa sign.

Naglakad kami dun, grabe nakakapagod. Parang walang hanggan 'tong gubat. Wala kaming matanaw na school dito. Aabutin kami ng siyam siyam neto. Di pa ata kami nangangalahati.

Naisip ko naman sila Roswel, nandun na kaya sila? Siguro nauna na yun. Dahil pagkaalis namin sa SM kanina dumiretso na ata sila papuntang Tantei High. Nakakapagod maglakad lang, wala ba talagang ibang way para makapunta dun ng mabilisan?

After 123456789 yrs, nagpahinga kami saglit ni Joyce dahil di na talaga namin kaya yung pagod. Feeling ko pumayat na talaga ako ng sobra dahil dito.

Hay, ano kaya ang mangyayari saamin sa Tantei? Ano kaya ang sixth sense ko? Sino ba talaga ako?

"Uy Aneeka, may nakita akong school doon oh! Baka ayun na yun!" Napahinto naman ako sa paglalakad ng marinig kong sinabi niya yun. Omygosh oo nga yun na nga salamat talaga at nandito na kami!!

Tantei High: The New EraWhere stories live. Discover now