Chapter 3-First day of School

11.8K 197 21
                                    

SORRY ANG IKLI NG UPDATE NA 'TO!! Hehe

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Yesterday nung ginuide kami ni Hiromi sa iba't ibang building dito sa Tantei High, nakaramdam ako ng pagod. Ang laki pala talaga nitong Tantei High! Para ngang di school eh. Nakakamangha pa rin talaga yung mga families dito.

"Sumiye, ano oras daw start ng first class?" Tanong ni Jiro. Kasalukuyan kaming nasa labas ng mga dorms namin dahil ang aga namin magising ni Jiro. 5:00 AM ngayon tas 7:30 AM and unang klase.
"Ang alam ko mga 7:30 AM eh, medyo matagal pa nga eh. Aga natin magising." Sagot ko. Tulog pa si Chikako at Leiko, pano kase nagharutan kagabi tas ang ingay pa nila, ayun bagsak sa kama.
"Hay kaya nga, History ang unang klase. Excited na ko malaman kasaysayan ng Senshins at ng Tantei High!!" Hay sabi na basta pag tungkol sa pag-aaral excited 'tong si Jiro. Sa lahat ng subject noon pinaka ayoko history, daming kakabisaduhin eh.

Habang nag-uusap kami ni Jiro/Hiroshi bigla kaming nakarinig ng ingay mula sa room ng mga lalaki. Nakatingin lang kami dun sa pinto habang hinihintay kung may lalabas, mga ilang segundo lumabas dun si Kenji, kinukusot kusot niya pa ang mga mata niya nung binuksan niya yung pinto.

"Goodmorning capitolians!" Nakangiti niyang bati. Hay, namiss ko na din agad yung school namin dati. Kamusta na kaya mga kaklase namin?
"Miss mo na rin pala." Malungkot na tugon ni Jiro. Nakita ko din yung mukha ni Kenji, namimiss niya siguro yung bestfriend niya.
"Oo nga eh, parang kailan lang eh noh. Grabe 1 araw palang tayo dito pero miss ko na silang lahat pati sila Mama."  Miss ko na rin si Mama at yung iba ko pang mga kaibigan.

"Julia." Napatingin naman ako kay Kenji na tinawag ako sa tunay kong pangalan.
"Oh ano yun, Robert?" Pagtawag ko sa tunay niya ring pangalan.
"Alam mo kung ano yung mas nakakalungkot?"-Robert
"Ano?" Tanong ko.
"WALANG TWENTY ONE PILOTS DITO BES!" Eto nanaman siya, lumalambot kaluluwa neto pag tungkol sa Twenty one Pilots. Ako rin hehe, fan rin ako ng Tøp. Pero mas malala lang talaga ang pag fanboy ni Kenji dito.
"Ikr, huhu." Wala na lahat. Grabe, pwede ba mag Facebook dito? Hehe
"Tapos di na din naten mapapakinggan Panic! At the Disco. Hay life" Sa mga oras na 'to, mapagkakamalan mo talagang bading 'to si Kenji eh. Pero minsan seryoso, minsan makulit, minsan pokerface. Bipolar ata 'to eh
(A/N: COMMENT DIYAN FAN NG TWENTY ONE PILOTS AT PANIC! AT THE DISCO)

Papunta na kami ngayon sa unang klase which is History. Kasabay ko yung mga lalaki ngayon, ewan ko ba dun sa dalawa. Pagkatapos ko magbihis, saka palang sila nagising kaya ngayon palang sila naliligo. 30 minutes magsisimula na ang klase kaya for sure, nag u-unahan na yung mga yun matapos.

"Kenji, hanap tayo chikababes mamaya." Umagang-umaga babae ang hanap. Eto talaga si Hiroki! Puro kalandian pinapairal.
"Ewan ko sayo Tantamco, di ko gawain mga gawain mo." Napa-face palm nalang ako sa sinabi ni Kenji, as if namang di niya gawain dati yun
"Weh? Talaga lang ha? Eh ano yung mga naging girlfriends mo at ano yung sinasabi saakin ni Semantha na naghahanap ka daw ng chikababes nung nagcamping kayo dati?" Pangtutukso ni Hiroki. Pero alam niyo ba maitsura talaga 'to si Hiroki at kahit puro chikababes yan, NGSB siya. Kagulat eh noh
"Psh, wala yun. Pasama ka nalang diyan kay Jiro!" At si Jiro pa talaga ang pinapasama niya ah?
"Shunga mo Kenji, eh si Jiro books over boobs yan eh! HAHAHAHAH----" Naputol yung tawa ni ram nang magsalita si Hiromi.
"Enough." Seryosong pagkasabi ni Hiromi kaya natahimik yung mabubungangang Tantamco.

Bigla ko namang narinig yung boses ni Tantamco sa ulo ko.

Alam mo ba Sumiye si Kenji dat-----

Tantei High: The New EraWhere stories live. Discover now