SPECIAL CHAPTER (Tenshi and Hiroki's secret luv affair)

5K 57 17
                                    

(A/N: Eto yung unang dating ni Tenshi sa Tantei High. Eto yung isa sa mga secret ni Hiroki na di niyo pa alam. Si Angel po yung si 'Tenshi' ah)

HIROKI's POV

Nang marinig ko naman kay Kenji ang balitang may paparating na bagong Senshins, agad akong nag-boluntaryong sumama kay Kenji na sunduin yung mga bagong studyante.

Alam ko kasing isa sa kanila yung matagal ko ng inaantay.

Si Angel.

At di nga ako nagkamali, siya nga talaga yun. Ang Angel na unang nagpatibok sa puso ko, pero bakit kaya siya pinadala rito?


Nandito kami ngayon sa loob ng bullet train, pero iba 'tong bullet train na katulad sa mundo ng mga tao. Mas hi-tech ito kumpara dun. At mas mabilis ito.

Habang ako'y nagmumuni muni, napansin ko naman na tahimik si Angel sa tabi kaya nilapitan ko ito at kinausap, she didn't even changed. Ang cute niya pa rin, hihi.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Umupo naan ako sa tabi niya. Napalingon naman siya sakin

"Oo okay lang ako, pano mo pala nalaman na isa ako sa mga bagong Senshins na paparating?" She asked.

"I just feel it." Sagot ko

"Wow ha."

"Nga pala, Tenshi. Be careful kay Leiko." Ani ko.

"Huh? Be careful? Why? Who is she?" She asked. Tama bang sabihin ko sa kanya? Bahala na, wala namang mawawala.

"She's a Shinigami, na nagsa-spy sa Tantei High. To be specific, nagsa-spy kay Sumiye." I answered.

"Who's Sumiye?"

"She's the most powerful Senshin pero di niya alam sa sarli niyang malakas siya. From what I've observed, sa tingin ko pito ang senses niya. I don't know how pero one time kase, sinabi sakin ni Kenji, yung lalaki kanina na kasama natin na dalawa daw ability ni Sumiye."

"Ahh."

"Pero pano mo naman na-confirm na Shinigami yung Leiko?" She asked again.

"Nahuli ko siya minsan na bukas yung isip niya." Sagot ko. Actually, yun yung hinalikan ko siya. Hinalikan ko siya para magulat siya at bumukas yung isip niya. Di ko lang masabi kay Angel, magseselos siya eh.

Sa totoo lang, umaarte lang ako na may gusto ako kay Leiko.

Para mahuli ko siya, para di niya na matuloy yung kung anumang balak niyang gawin kay Sumiye. Di niya pwedeng saktan si Sumiye, para na namin siyang kapatid.

"Ahh."

"Angel..."

"Hmm?"

"Don't you even miss me?" I asked.

"Why would I?" Sagot naman niyang nakakaloko.

"Dalawang taon na kitang nililigawan di mo pa rin ako sinasagot, mamimiss mo lang di mo pa magawa." Ani ko.

"Bata pa kase ako." Sagot naman niya. Yan ang lagi niyang excuse every time na magrereklamo akong di niya pa ko sinasagot.

"Edi MU nalang tayo?" Tanong ko naman.

"Eww, that's so childish!" She exclaimed.

"Eh bata ka pa lang din naman diba, sabi mo eh." Sagot ko.

"Pshhh." 

"Hiroki." Ani Angel.

"Oh?" I answered.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tantei High: The New EraWhere stories live. Discover now