Chapter 4-Sixth Sense

9.7K 156 24
                                    

Di pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Jiro. Di parin ma-sync in sa utak ko yung mga sinabi niya. Kahit wala ako masyadong knowledge sa mga Shinigamis alam ko kung gaano sila ka-heartless at emotionless. Pero si Kenji, isang Shinigami? Hindi! Hindi ako makapaniwala. At ang intensyon niya pa eh ang dalin ako sa base nila upang mapag-aralan? Haist! Ayoko, ayoko maging impulsive masyado. Wala pa namang kasiguraduhan yun eh. Pero si Jiro mukha namang nagsasabi siya ng totoo.

In-attend-an namin ang mga klase namin sa iba't ibang subjects. Hanggang sa matapos lahat. Grabe! Andami kong nalaman sa araw na 'to. Pero yung sinabi ni Jiro ang mas di ko matanggap.

May narinig akong lalaking sumisigaw, mukhang tahimik naman 'tong lugar na 'to pero bakit may naririnig akong lalaking sumisigaw?
"Sumiye." Napabalikwas naman ako nung narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Si Jiro lang pala
"Ano yun?" I asked. Probably, tungkol nanaman kay Robert ang sasabihin niya.
"Why I can't read your mind?" He asked. Bago yan ah, di tungkol kay Kenji.
"Di ko alam. Di nga ako marunong mag close ng isip at magbasa ng ibang minds eh." I said. Naalala ko yung pag-uusap ni Hiroki at Kenji sa isip ko. Tsk pano nila nagawa yun?
"So that means your mind is closed by default. Ang mga humdrums kase at most Senshins ay naka-open ang minds by default. Rare lang ang mga Senshins na closed by default ang minds nila." Napanganga naman ako sa sinabi ni Jiro, nagbasa nanaman 'to siguro sa library. Parang ang tagal na niya dito ah hahaha. Ang galing talaga ng isang 'to! Ano kaya sixth sense neto?
"Wait. Naririnig mo ba ang naririnig ko?" Tanong ko kay Jiro na siya namang kumunot ang noo niya.
"Huh? Wala naman akong naririnig ah?"
"Hala weh? Anlakas kaya." Saad ko na siyang nagbigay ng magulong ekspresyon sa mukha ni Jiro.
"ng? ano?" Nakakunot niyang tanong.
"Sigaw ng lalaki na parang pinapahirapan or ewan." Sagot ko. Baka naman guni guni ko lang. Pero parang hindi eh. San kaya nanggangaling yung tunog na yun?
"Oh shit----Sumiye! We gotta go, run!" Sigaw ni Jiro saakin pero di gaano kalakas.
"Huh?"
"Run!!"
"Saan tayo pupunta?" Pasigaw kong tanong kay Jiro dahil kasalukuyan kaming tumatakbo ng mabilis at sinusundan ko lang so Jiro dahil wala naman akong ideya kung saan kami pupunta at kailangan namin pang tumakbo ng mabilis.

Sa kabilang building, 3rd floor

Rinig kong boses ni Jiro sa utak ko. Huh? Anong gagawin namin doon.

Nandito na kami ngayon sa building beside dun sa mga dorms namin at nasa 2nd floor palang kami. Bigla akong napatigil ng marinig ko ulit yung sigaw nung lalaki but this time mas malakas naman at napatigil rin ako dahil hinahabol ko ang paghinga ko. Grabe parang naubusan ako ng lakas. Di ko akalaing makakatakbo ako ng ganoong kabilis!
"Sumiye, tara na!"
"W-wait l-lang Jiro, nahi--irapan ako hum--inga." Sambit ko. Nahihirapan talaga ako dahil first time kong tumakbo ng ganong kabilis eh. Grabe ano bang meron kay Jiro at parang di siya napagod.

Tumakbo nalang din ako katulad ni Jiro, dahil di naman ako pwede maiwan doon.

Nang makarating kami ng 3rd floor, sinundan ko lang si Jiro dahil siya ang nakakaalam kung san kami papunta. Hindi naman niya agad in-explain saakin kung bakit at saan eh. Basta niya nalang ako hinila. May ugali din kase 'tong si Jiro na pagiging impulsive. Siguro naalerto talaga siya ng bongga nung sabi kong may naririnig akong lalaking sumisigaw.

"We're here." Jiro said. Nandito kami ngayon sa tapat ng isang pinto. Alam ko restricted 'to pero...
Akma ng bubuksan ni Jiro yung pinto pero agad ko siyang pinigilan.
"Uy Jiro! Restricted 'tong room na 'to! Ma-offense pa tayo!" Pagpapaalala ko sa kanya. Sabi na eh, napaka impulsive talaga ng isang 'to.
"Well Ms. Julia Lopez A.K.A Sumiye, this place is not restricted for a guy like me. I can enter this room."
"Why?"
"Malalaman mo rin soon." Sabay ngisi ni Jiro.

Binuksan ni Jiro yung pinto at nagulat ako sa nakita namin. Grabe, am I dreaming? Well...k-kung panaginip ito, gusto ko ng magising. This is horrible

Tantei High: The New EraWhere stories live. Discover now