20: Meeting her family

18 1 0
                                    


Chapter 20: Meet her family

Stephen POV:

Andito ako ngayon sa harap ng classroom namin...

Ngayon ko naisipang magtapat kay Alice ng nararamdaman ko.

Oo. si Alecia San Jose ang babaeng gusto ko. No scratch that, si Alice ang babaeng mahal ko.

Dati ko pa gustong sabihin sa kanyang mahal ko siya..
Na may balak akong manligaw sa kanya pero laging bad timing...

May boyfriend siya nung una kong binalak magparamdam sa kanya...

Kaya, dumistansya ako konti.

Nung naghiwalay sila, nagkaroon naman ng issue sa pagitan nina Lucy (kaibigan niya) at ni Matthew (tropa ko) kaya di magiging maganda kung itataon ko ang panliligaw ko sa kanya.

Pagkatapos ng prom last year, nang simulan kong magparamdam. Binibigyan ko siya ng mga chocolates, love letters at flowers... Ng palihim.

"Naks! Alice, tapos na prom, pero ikaw blooming na blooming pa rin at may flowers pa."

"Sira! Hindi ito dahil sa flowers, dahil to sa dati na akong maganda!"

"Sus! Kinikilig ka lang ehh."

Napa-iling na lang ako sa tuksuhan ginagawa ni Queenee kay Alice...

Pero napaisip ako, kikiligin kaya si Alice pag nalaman niyang ako ang secret Admirer niya?

PSH. Panigurado, oo sa gwapo ko ba naman, why not?

Dumaan ang isang buwan, ganun lang ang ginawa ko.
Magpapadala ako sa kanya ng letters, flowers, chocolates at kung anu-ano pa... Aminado ako, my approach was kinda creepy...

But I just can't stop...

I won't stop kasi kitang-kita ko kung pano siya nagbublush pag may nakikita siyang bouquet of flowers at box of chocolates sa locker niya...

"God, Lice, talo mo na talaga si Rapunzel... Imagine, may mga secret admirers ka... Huhu! Kainggit!"

Mas lalong nabuhayan ang abang puso ko dahil sa binigyang pansin niya letter ko...

"Uyy! Mahipan ka niyan, di mo na makikita yung natitipuhan mong secret admirer."

Sa joke na yun ni Lucy, napa-isip ako...

Sana ako.

Sana ako ang napupusuan mo.

Sana ako ang pipiliin mo pag pipili ka na...

Sana may lakas ako ng loob na sabihin sayo ang nararamdaman ko.

Sana dumating ang araw na masabi ko sayong mahal kita...

At thank to the good Lord Almighty dahil nandyan ka.

When Love and Hate Collide [Colliders Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon