Chapter Eight: Examination
~~~~~
ZAQAR's POV
Isang buwan na ang nakalipas mula nung nakilala namin si Verniecca at si Xena at ngayon puro training lang ang inatupag namin, nirequest namin na mas magfocus sa pagtetraining, dahil gusto naming lumakas lahat
Pinakiramdaman kong maigi ang sarili ko, ang energy na gustong kumawala sa buong katawan ko, Kailangan kong mapasunod sa akin ang energy na to, para naman magamit ko ang buong lakas ng isang keeper
This is my 3rd attempt, kaya sana naman mapasunod ko na tong energy ko sa gusto ko
Hindi mo yan mapapasunod
Napamulat ako ng marinig ang boses na yon, it's her, anong ginagawa niya dito? Di ko siya pinansin muli kong pinikit yung mata ko
Kilala mo ba yang pinapasunod mo? – sunod niyang tanong pero di ko pa rin siya pinansin
Guardian ng Air yang pinapasunod mo – sabi niya doon na ko napamulat, at tsaka ko lang napansin ang suot niya, she's wearing our uniform
Hindi yan susunod sayokunghindi tugma ang mental at physical strength mo – sabi niya
What are you doing here and why are you wearing that? – tanong ko sa kanya, nagshrug lang siya at saka naglakad palayo, nagmadali akong tumayo at saka sumunod sa kanya
I'm talking to you – sabi ko sa kanya
Tutukain ka na ng sagot – sabi niya
Why? – tanong ko ulit
May inabot siyang papel sa akin, kinuha ko yon at tinignan, schedules of training, halos lumuwa ang mata ko, walang rest day
Seryoso to? – tanong ko sa kanya
Sige hanapin mo diyan sa papel ang joke – sagot niya, nakakapanginit talaga ng ulo ang babaeng ito
Pinapatawag kayo ni Dean sa arena – sabi niya tapos bigla na siyang nawala
Dumeretso na ako sa arena at doon nakita ko sila Euan, wala naman yung babaeng yon saan kaya yon nagpunta?
Nandito na ba lahat? – tanong ni Dean
Yes Dean – sagot nila
Okay so meron kayong exam ngayon – sabi ni Dean, agad kaming napalingon lahat sa kanya
Exam? – tanong ni Euan
Yes Euan exam, not written exam – sabi ni Dean
Kailangang itest ang mga lakas ninyo, 1 hour ang itatagal ng exam, maraming patibong ang nagkalat sa buong paligid, at may mga makakalaban kayo so be prepared, Rules is no killing, we will begin in few seconds – sabi ni Dean tapos umalis na siya
Yung arena ay nagkaroon ng mga puno, naalerto kaming lahat dahil hindi namin alam kung ano ang makakaharap namin
BINABASA MO ANG
Magical Incantation (On-hold)
FantasiAng kanilang kaharian ang pinakamakapangyarihan sa lahat, pero pinili nilang hindi makialam, ayaw nilang masira ang iniingatan na kaharian. Ano nga kaya ang mangyayare kung ang mga Prinsesa ng kahariang ito ay ginustong tulungan ang ibang kaharian? ...