Chapter Twelve: Dark Wizards
~~~~~
ZAQAR's POV
Sa tuwing nag tetraining kami ay hindi ko nakikita si Verniecca, hindi siya nagtetraining, ano naman kaya ang ginagawa ng isang iyon
Let's eat – sabi naman ni Firmus ng matapos kaming magtraining, kaya naman agad na kaming dumeretso sa cafeteria, habang naglalakad papuntang cafeteria ay biglang may umakbay sa akin, agad ko itong nilingon, nang makita ko kung sino ang taong iyon ay agad kong inalis ang pagkakaakbay niya
Sungit forevs! – sabi naman niya
Ver – tawag ni Suma sa kanya, at oo si Verniecca yung umakbay sa akin
Bakit? – tanong ni Verniecca
Bat hindi ka nagtetraining? – tanong naman ni Suma
Oo nga?! Ang daya! – sabat naman ni Momo
Nagtetraining ako hindi niyo lang nakikita – sabi naman ni Verniecca
At sa---ENNGGG ENGG ENNNGGG
Napahinto kaming lahat nang tumunog ang alarm
May mga creatures nanaman? – sabi naman ni Yin
No – agad na sabi ni Verniecca, agad naman silang napahinto
Dark Wizards – sabi ko, napalingon silang lahat sa akin
What? – sabi ni Yang, naramdaman ko naman bigla ang pagalis nila Verniecca, in just a snap nawala na agad sila
Let's go – sabi ko
Agad akong lumipad paitaas para makita ang buong paligid, tinignan ko ang barrier at nakita kong may butas na yung sa may south, galing sa mythical forest, anong kailangan nila? Agad akong tumungo sa may south part ng light kingdom, kung saan malapit ang mythical forest ang daan na nagdudugtong sa Light Kingdom at Dark Kingdom
Nang makarating sa dulo ng light kingdom ay halos sira na ang buong paligid, ang bibilis nila, nasira agad nila ang dulo ng Light kingdom
BOOGGSSHHHHH!!!
Napalingon ako sa pinanggalingan ng ingay at nakita sila Euan na nakikipaglaban sa mga Dark Wizards
Prince Zaqar
Agad ko namang nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ang pinakaiinisan kong Dark Mage
Damien – sabi ko naman
Correction.. it's PRINCE Damien – sabi niya habang diniinan pa yung Prince
As if tatawagin kita ng ganyan – sabi ko naman, narinig ko naman ang pagngisi niya, maya maya ay nagkaroon ng maraming black magic circle at naglabasan ang mga creatures na gawa sa black magic, agad akong inatake ng mga kampon niya, agad ko namang kinulong sa air ball yung mga creatures at saka pinasabog
BINABASA MO ANG
Magical Incantation (On-hold)
FantasiAng kanilang kaharian ang pinakamakapangyarihan sa lahat, pero pinili nilang hindi makialam, ayaw nilang masira ang iniingatan na kaharian. Ano nga kaya ang mangyayare kung ang mga Prinsesa ng kahariang ito ay ginustong tulungan ang ibang kaharian? ...