Gabi na at maraming tao ang papunta sa malaking bahay ng mga Villar.Masaya so Mrs. Villar sa pag bisita ng apo kaya naman ay nagpahanda sya ng salu-salo na imbitado ang lahat.
Nakaupo kaming magbarkada sa iisang lamesa. Nagsimula na kaming kumain pero ni anino ni Rina ay di pa namin nakikita.
"Akala ko ba celebration to para sa kanya. Eh ba't wala sya dito? Arte din ng babaeng yan no?"--maarteng sabi no Janine.
Bigla namang kumulo ang dugo ko. Kahit kilala KO na si Janine the way na magsalita sya at ang mga panlalait nya sa ibang babae, di ko mapigilang maging protective sa kaibigan ko.
"Watch your words Janine."--mahinahon pero galit kong sabi sa kanya.
Nanlaki naman ang Mata nya. Dati kasi wala akong pakialam sa mga sinasabi nya. Nagulat din naman sins Greg, Fred at Johny.
"E-eh k-kasi naman eh. A-alam naman nyang matagal nang naghihintay ang mga tao dito sa kanya. Nag-iinarte pa sya at ayaw pa kunong magpakita."--kinakabahan nyang sabi.
Alam kong pagdating sa kapwa babae nya ay di sya nagpapatalo. Masyadong ma pride ang babaeng to.
"Wala kang alam. Kaya kung magrereklamo ka rin lang naman umalis kana. Maghanap ka ng masasabihan ng kaartehan mo. Dahil sawa na ako sa mga kaartehan mo. Isa pa di ka naman kasali sa barkada. Nakikisiksik ka lang."--mabigat kong sabi sa kanya. Di sila nakaimik kaagad dahil ngayon lang nila ako narinig na magsalita ng ganito.
So Rina yun eh. Sya ang rason kung bakit nalalapitan nila ako ngayon. Kaya naman ayokong makarinig ng kung anu-anong masamang salita tungkol sa kanya.
Nakita kong tumulo ang mga masaganang luha no Janine bago sya nag walkout. Somehow I felt guilty, pero dapat din naman kasi syang pagsabihan. Minsan sumusobra na sya at nananakit, kaya nga walang ibang babae ang lumalapit sa barkada dahil takot sa kanya.
Magsosorry nalang ako sa kanya sa susunod.
"Johny, di mo ba susundan yung kapatid mo?"--tanong ni Fred
"No need. She should learn her lesson. Alam nyo naman na inis ako jan sa kapatid kong yan. Dati ko na namang sinasabi yan sa kanya pero mas malaki talaga ang impact kapag si Patrick ang nagsabi."--mahabang sabi no johny.
"Pero dapat mag sorry ka parin Pat. That was kinda harsh."--Greg
"I know. Pasensya na. Madali talaga akong sumabog pag si Rina na ang pinag-uusapan. Alam nyo naman ang rason di ba? Isa pa alam kong may rason ang pagbabago nya. At aalamin ko yun."
At natapos nga ang salu-salo na di nagpapakita si Rina.
Panay ang hingi ng paumanhin ng matanda sa hindi pagpapakita ng kanyang apo.
May sakit daw ito.
Umuwi na ang lahat at malalim na ang gabi, pero nandito parin ako sa labas ng gate nila at nakaupo sa sidewalk.
Somehow disappointed ako, matagal ko na syang gustong makita eh.
Pero iintindihin KO sya gaya ng pag-intindi nya sakin dati.
Tumayo na ako at akmang aalis ng biglang bumukas ang gate.
Dug! Dug!
Si Rina yan alam KO. Kahit nag-iba na sya ay kilalang-kilala KO parin sya.
Papunta sya sa direksyon KO pero alam kong di nya ako nakikita.
Nakatulala sya.
Dug! Dug!
At nakikita KO na ngayon ang mukha nya.
Mas lalo syang gumanda. Pero nag-iba na ang mga mata nya.
Di na tulad ng dati na puno ng saya.
Ngayon kahit na walang reaksyon ang mukha nya, makikita no sa mga Mata nya ang sobrang lungkot.
Anong nangyari sa kanya?
Sa kakatitig KO sa kanya, di KO namalayan na nakita nya pala ako. At ngayon ay magkaharap na kami at mas lalong kita ang maganda nyang mukha.
Tinaasan nya ako ng kilay.
"Hi."--I said with a nervous smile.
Putek!!! Sa dinami dami ng salitang iniisip ko yan lang talaga ang lumabas.
"Hold-uper ka ba?"--teka nga, bumabanat ba to o inaakusahan ako?
"Hindi ah. Actually hinintay talaga kitang lumabas kanina pa sa salu-salo. Sabi ng Lola mo may sakit ka daw."--sincere kong sabi.
Tinaasan nya naman ako ng kilay.
Don't tell me, di na nya ako naaalala?
"Naaalala mo pa ba ako? Ako to si Patrick. Ang kababata mo. Alam mo bang..."--di KO na natapos ang sinasabi KO dahil naglakad na sya pabalik sa bahay.
"Rina! Sandali!"
Lumingon naman sya, pero nabato ako sa sinabi nya.
"I don't know you."
______________

BINABASA MO ANG
What Happened to Her? (COMPLETED)
Short StoryMeron akong kababata. *maganda *masayahin *mabait Ilang taon ko ring hinintay ang pagbabalik nya. Sa wakas dumating narin ang pinakahihintay Kong oras. Ang makita s'yang muli. Pero...... Nang nagbalik sya, . . . . "What happened to her?"