3. She's Back

5 1 0
                                    


Talaga nga namang feeling mo napaka-bagal ng oras kapag may hinihintay kang araw.




Ang isang linggo ay parang isang buwan.




Ilang araw din akong di nakatulog at parang tinatambol ang puso KO sa tuwing iniisip KO na darating na sya.




Iniimagine KO ang hitsura nya.




Siguro ay napaka-ganda na nya ngayon. Maganda naman talaga sya dati pa. Mas lalo na siguro ngayon.




May pagka fashionista pa naman yung babaeng yun.




Dati laging magkaterno ang kulay ng damit at sapatos nya hanggang sa ipit ng buhok.




Magaling din sya mag drawing ng mga damit kaya naman at may future sya sa fashion designing.




Teka nga. Ano bang kurso nya sa college?




Ako kasi nag engineering ako. Sabi kasi nya dati gusto nya ng lalaking engineer tulad ng papa nya. Kaya naman heto ako.




Ako na si Engineer Patrick Fernandez.




"Hoy!!!! Muntanga ka na naman Jan! Maka-ngiti wagas."--sabi ni fred.




Ngumiti lang ako sa kanila at patuloy na nag muni-muni.




"Pat, nakakakilabot kana. Naka singhot kaba ng rugby?"--tanong naman ni Greg




"May naalala kasi ako. Si Rina kasi dati. Napaka fashionista. Siguro fashionista parin sya hanggang ngayon."--dreamy Kong sabi sa kanila.




"Hmmp!!! Fashionista naman ako ah. Bakit di mo man lang mapansin? Nag-iimagine ka pa dun sa taong wala. Baka pangit na nga yun ngayon eh."--naiinis na sabi ni Janine.




"Di naman fashion yang tawag sa suot mong yan eh. Pang pokpok yan. Para kang pokpok! Dun ka nalang sa beerhaus ni Mang Jose! Maraming makaka appreciate sayo dun"--pang-asar ng kapatid nyang si Johny.




"Arrrrgggghhhh!!!! Isusumbong kita kay papa!"--galit na sigaw no Janine




"Sige! Sasabihin KO ring halos maghubad kana para mapansin lang ni Patrick. Nangungupit kapa para may maipangbili ng make-up."--pa ngiti-ngiting sabi ni Johny.




"Arrrrgggghhhh!!!!! Grrrrrrrrrrr ka talaga Johny! Lagot ka pay nakabawi ako."--galit na galit na talaga si janine habang pa ngiti-ngiti naman so johny.




Laging talo yang si Janine sa kuya nya. Di naman sya kasali sa barkada pero pilit nyang sinisiksik ang sarili nya dahil sa may gusto sya sakin. Kaya ayan, wala syang choice kundi tanggapin ang mga pang-aasar ni johny.





Napa-iling nalang ako sa kanila.




Nandito kami di kalayuan sa bahay nina Mrs. Villar. Inaabangan namin ang pagdating ni Rina.




Gustuhin ko mang salubungin sya, nahihiya naman ako kasi baka di na nya ako naaalala.




Bukas magpapa-party naman si Mrs. Villar kaya malalapitan KO narin sya bukas.




Sa ngayon hanggang tingin lang muna ako sa kanya.




Nagising ako sa pagdi-daydream nang niyugyog ako ni Greg.




"Tol! May dumating na sasakyan! So Rina na siguro yan!"--nae excite nyang sabi.




Kaming apat ay matamang nakatingin sa sasakyang tumigil sa harap ng malaking bahay.




Pansamantalang tumigil ang hininga ko nang makitang bumukas ang pinto ng sasakyan.




May isang taong lumabas.




Kumunot ang noo KO.




Naka black na sapatos, black jeans, black bag and a black hoodie?




"Yan ba yung sinasabi nyong Rina? Akala KO ba fashionista? Ba't parang emo?"--tanong ni Janine.




"Baka di yan si Rina. Di naman natin nakita yung mukha eh."--Greg




"Pero umalis na yung van. Wala namang ibang bumaba."--Fred





"Yan siguro yung sinasabi ng Lola nyang nagbago na sya."--yan lang ang nasabi KO.




"Nagbabago naman talaga ang tao. Pero infairness. Ang astig nya ha. Sexy pa."--pabiro namang sabi ni johny.




Di ko na sila pinansin pa. Natakingin lang ako sa papaalis na si Rina.




Ano kayang nangyari?



________________

What Happened to Her? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon