7. Nandito Lang Ako

8 1 0
                                    


Matagal ko syang pinagmasdan at di pa din nya nararamdaman ang presensya ko.




She seems so preoccupied.




Mahina nyang hinimas ang nakaukit sa puno. I saw her smile.




Dug! Dug! Dug! Dug!




Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ang saya saya ko!




I feel something. It's so alien to me. Dati di ko mapangalanan kung ano to. But now I know.




I just have to keep it to myself first.




Maya-maya din ay lumingon na sya sakin at nagulat sya.




"Akala ko ba di mo ako kilala?"--sabi ko habang umuupo sa paanan ng puno.




"I really don't."--cold nyang sabi habang umupo din sa paanan ng puno.




"I saw you earlier. Your reaction. I know you recognize your own carving."--natahimik naman sya.




Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na to. Ang makausap sya ng masinsinsan at malapitan. But I don't know how to start.




*sigh* "Kilala ka ng batang Rina. Ang bagong Rina ay di ka na kilala at di mo na rin kilala."--makahulugang sabi nya. Nakatingin lang sya sa ilog at di lumilingon sakin.




"Handa ko namang kilalanin ang bagong Rina."




Napalingon naman sya sakin.




"Di na kailangan. Maayos na ang buhay mo. Wag ka nang mag-abalang pasukin ang magulo kong buhay."--sabi nya at akmang tatayo na.




Bago pa man sya makatayo ay hinawakan ko na sya. Tiningnan nya lang ako ng masama.




Nginitian ko lang sya.




"Ikaw ang dahilan kung bakit maayos na ang buhay ko ngayon. Handa akong gawin din sayo ang pabor na binigay mo sakin."




Pilit naman nyang tinanggal ang kamay nya sa pagkakahawak ko pero mas hinawakan ko ng mahigpit.




"Magkaiba tayo ng sitwasyon. Isa pa hindi na tayo bata. Hindi makukuha sa paglalaro ang mga dinadala ko. They're real life problems."




"Real life problems din naman yung sakin ah. Maaga akong nawalan ng Ina. Walang oras para sakin ang Papa ko. Bata palang ako feeling ko ulila na ako. Pero nagbago yun ng dahil sayo. At habang buhay akong magpapasalamat sayo ng dahil doon."--mahaba kong sabi sa kanya.




"Magkaiba tayo Patrick. Malaking pagkakaiba."--sabi nya habang pinipilit na tumayo. Naghihilahan na kami dito. Hanggang sa niyakap ko sya sa likod.




"Sabihin mo sakin ang dahilan Rina. Sabihin mo sakin ang lahat. Kahit saktan mo pa ako ok lang. Basta sabihin mo lang. Handa akong makinig sayo. Please lang sabihin mo. Nasasaktan akong makita kang ganyan."--tumulo na ang mga luha ko ng sabihin ko yan. Totoo ang sinabi ko, nasasaktan akong makita na ganyan sya. Gusto kong makita ulit ang mga ngiti nya.




Humagulgol naman sya ng iyak kaya naman mas niyakap ko sya ng mahigpit. Kumapit naman sya sa mga kamay ko na parang doon sya humuhugot ng lakas.





"Iniwan na nila akong lahat Patrick! Wala nang natira sakin!!! Niloko at iniwan ako ng lahat!!!!"--sumisigaw na sya habang humahagulgol.




Parang pinunit ang puso ko sa mga sinabi nya kaya naman iniharap ko sya sakin at niyakap.




"Yung best friend ko. Yung pesteng best friend KO!!!!! Niloko nila ako ng boyfriend ko!!!! Naging sila pala habang kami pa!!!! Matagal na nila akong niloloko!!!! Ok lang sana kung boyfriend ko lang ang nagloko!!!! Matatanggap ko pa yun eh!!!!! Pero ang bestfiend ko!!! Napakatraydor nila!!!!"--napaluhod na kami sa kakaiyak nya habang binabayo nya naman ang dibdib ko. Masakit pero kailangan kong tanggapin para malaman ang lahat.




"Ang sakit sakit talaga nun!!! Pupunta na sana ako sa parents ko para magsumbong at para na rin gumaan ang pakiramdam ko. Pero anong naabutan ko? They're signing annulment papers ng hindi man lang ako kinausap kung ok lang ba sakin!!! Si Mama!!! Si Mama na sobrang hinahangaan ko dahil sa pagiging maalaga at mabait na Ina at asawa ay may ibang lalaki na pala at buntis pa!!! Si Papa naman!!! Ang napakabait kong papa may 2y.o nang anak sa labas!!! My perfect family was a lie!!!! My whole life is a lie!!!"--nagulat at natulala nalang ako sa mga sinabi nya. Di mag sink-in sakin ang lahat.





Ang parents nya na dati ay kinaiinggitan ko. Na naging dahilan kung bakit tinataboy ko sya dati ay hindi pala talagang perpekto.




Kung tutuusin ay mapalad ako dahil totoong nagmamahalan ang mga magulang ko. Kahit wala na si Mama ay never tumingin sa iba si Papa at di na sya nag-asawa pang muli.




Nakatulala lang ako kaya di ko namalayang nakatulog na pala sya sa kakaiyak.




Tiningnan ko ang napaka ganda nyang mukha na namumula pa at may bahid ng luha.




Hinalikan ko sya sa noo.




"Nawala man ang lahat sayo, wag kang mag-alala nandito lang ako."



___________________

What Happened to Her? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon