8. Her Smile

9 1 0
                                    


Dalawang linggo narin ang lumipas simula nung nagkausap kami sa tambayan namin.




Dalawang linggo narin kaming laging nagkikita at magkasama.




Ganun parin sya, cold at di palasalita pero di na nya ako tinataboy. Payag sya kahit saan ko sya hilahin.




Nakilala narin nya sina Greg, Fred, Johny at si Janine. Yes, kasali si Janine dahil nagkapatawaran na kami at iniinsist nya parin na kasali sya sa barkada.




Kitang-kita ko na ayaw nilang dalawa sa isa't-isa dahil nahuhuli ko kasi ang kadalasang pag-irap ni Janine kay Rina at tinataasan naman ng kilay nung huli.




Pawang ganun lang ang galawan ng dalawa dahil alam ko rin namang kahit ayaw nya kay Rina ay takot rin syang masuntok ulit.




Ganito kasi ang nangyari...




Flashback.....




Kasama ko si Rina ngayon at papunta kami sa court kung nasaan ang barkada.




"Uy! May kasama oh! Kaya pala anlaki ng ngiti."--pang asar ni Fred




"Guys, si Rina nga pala. Rina, mga kaibigan ko sina Fred, Greg, Johny at kapatid nyang si Janine."--pakilala ko sa kanila.




"Mabuti naman at pinakilala ka na nya sa amin. Alam mo bang bukambibig ka nyang si Patrick noon pa man?"--pang asar ni Greg. Napailing nalang ako. Di ko naman ide-deny dahil alam na ni Rina yan.




"Oo nga. Tsaka ang ganda mo pala. Ang astig mo pa."--johny




"Mas maganda kapa pala sa malapitan. Hehehe."--Greg




Parang nailang naman si Rina at iniharang sa mukha nya ang kanyang hood.




"Any cute! Nahiya si Rina."--fred




"Pabebe."--Janine




"Ang sabihin mo, naiingit ka kasi mas maganda sya sayo."--pang-iinis ni johny sa kapatid.




"Excuse me no! Hindi ako maiinggit kahit kanino dahil maganda ako at ako ang pinakamaganda sa lahat. At bakit naman ako maiingit sa isang taong parang myembro ng kulto kung manamit? Aswang ka ba miss at kailangang naka all black para kunwaring astig?"--nagsisimula na naman tong si Janine.




Hinawakan ko lang ang kamay ni Rina at nakakuyom nga ito.




"Tumigil kana Janine!"--johny




"E-eh b-bakit??? Totoo naman ah. Mas maganda ako sa kanya. A-at mas maraming magkakagusto sakin dahil fashionista ako. Di tulad mo na emo. Iniiwan ka siguro kasi Jan sa porma mong yan no?"--that hit the spot. You went too far.




"JANINE......"




BOOOOOOGGGGSSSSHHHH!!!




Bago KO pa man matuloy ang sasabihin ko ay bumagsak na si Janine habang dumudugo ang ilong. Sinuntok sya ni Rina.




"Wag kang magsalita ng parang kilala mo na ako. You know nothing."--cold na sabi ni Rina bago umalis.




"Johny, pagsabihan mo yang kapatid mo."--sabi ko bago ako umalis para sundan si Rina.




End of flashback.....




Yun ang nangyari kaya naman di na kinausap ni Janine si Rina at di narin sya nagpaparinig pero di parin mawawala ang mga irap.




Naglaro kami ng basketball ngayong araw at dinala ko si Rina para manuod.




May nang foul sakin kaya naman ay nasa free throw line ako ngayon.




Bago ko i-shoot ay tumingin muna ako kay Rina at sumigaw.




"PARA KAY RINA TONG SHOT NA TO!!!!"




At na shoot nga kaya naman naghiyawan ang mga tao.




Nilingon ko naman sya ulit at natigilan ako.




I saw her smile a bit. Maliit lang na smile yon pero parang hinabol na ng Lion ang puso ko sa bilis ng pag tibok.





I saw it.





Her smile.



________________

What Happened to Her? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon