Chapter 12 : How?

717 20 4
                                    

Ken's P.O.V

How to make a proper courting on someone you really like? For real.

Kanina pa yan bumabagabag sa isip ko habang nasa klase. Seryoso bro walang pumapasok sa kokote ko kundi yang tanong na yan. Kasi dati, hanggang texts lang kami ni Ally. Suggestion naman diyan oh!

Truth to be told, may naging first girlfriend na ko dati at kaklase namin siya ngayon. Pero, mukang puppy love lang naman yun. Walang ligaw-ligaw. Namuo lang siguro siya sa friendship namin at okay na kami nung babae ngayon. And, kaya kami nagbreak kasi nanloko yung babae which is nagdulot ng pagsuntok ko sa pader ng school xD.

Girls, bakit ang hilig niyong manloko? Lol.

Tawagin natin siyang "Ex" pero ako kasi yung tipo nang lalaki na hindi tinuturing na ex ang isang babae kapag hindi ko sineryoso (Pero sinuntok ko yung pader) Gulo diba? Basta yun!

At alam ni Ally ang tungkol samin at wala na siyang pakielam dun. Sadnu?

Back to the problem.. Paano nga ba ang tamang panliligaw? Bigyan ng chocolates and flowers? Handwritten letters? Or kailangan ng diretsuhang "Tara ally, tayo na!" .. Uhmm, Ano raw?

Damn! Kailangan ko ng advices, dude!

*Riiing.. riiing...*

"Okay class, Lunch break."

"Pre, canteen." Biglang tapik sakin ni Ricardo.

"G! Tawagin mo na rin si Nathan."

Pagkatapos kong i-utos yun, nakita ko naman sa likod sila Ally at Gab na nag-uusap. Sht, ako lang dapat ang kinakausap mo at hindi siya. Triggered si ako.

Inhale, exhale.

"Tama na titig par. Ikain na lang natin yan." Biglang sabi ni Nathan.

"Tsk." Yan na lang naging reaksyon ko at bumaba na lang kami sa canteen para kumain.

"Par, bili lang ako." Aya ni Nathan.

"Sige, sunod ako mamaya."

"Ako rin."

Pagka-alis ni Nathan, biglang nagsalita si Ricardo.

"Masakit ba?"

"Ang alin?"

"Sus. Wag nang magtago. Halatang-halata ka na bro."

"Ang ano nga?"

"Ay ayaw mong umayos ha... ALLY SAGUTIN----"

Bigla akong napatayo at tinakpan ang nakakainis na bunganga netong Ricardo na to.

"Mamamatay ka o mamamatay ka?" Biglang niyang tinanggal ang kamay ko.

"Gague is you? Ni wala ngang pagpipilian eh!"

"Takte ka naman kasi! Pagsigawan ba naman!? Pano pag narinig yan ng teachers? Worst is, pano pag narinig ni Ally!?"

"Edi masaya."

"Alam mo, hindi ko talaga alam kung bakit kita naging kaibigan."

"Kasi gwapo ako."

"Sa panaginip. Asar ko sa kanya.

"Atleast, gwapo pa rin. Eh ikaw? Gwapo nga pero hindi naman gusto ng gusto niya."

"Aba't--" Hindi na natuloy yung sasabihin ko nang biglang bumalik na si Nathan.

"Alam niyo mga par, ang magandang gawin is kunin niyo mga wallet niyo, pumili ng pagkain, bayaran sa cashier at kumain."

Loving My Possessive BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon