Allyson's P.O.VNarinig kong nag alarm na yung phone ko but i ignored it. Maya-maya nag-alarm nanaman pero inaantok pa ko eh. Chineck ko kung anong oras na at 5:30 pa lang naman. 5 minutes pa.
Maya-maya....
"Ally bumangon ka na diyan at kumilos ka na! Late ka na!"
Nagising na lang ako sa malakas na katok sa pinto ko at ang malakas na sigaw ni gramma. Hindi pa gising kaluluwa ko jusko T_T.
Kinuha ko yung phone ko st chineck ulit yung oras.
6:05 a.m
Hala jusko late na ko >.< !!! Bigla akong napabangon sa kama at bumaba para kumain ng breakfast agad.
"Nagpuyat ka nanamn siguro kagabi ano kaya anong oras ka nanaman nagising. Oh heto cereal na lang muna kainin mo. Pinagluto na rin namam kita ng babaunin mo" Sabi ni gramma sakin pagdating ko sa kusina.
Tumawa na lang ako sa kanya at kinuha yung box ng cereal. Nagmadali akong kumain at saka umakyat agad sa banyo para maligo. 3minutes lang ako naligo hays. Pagkatapos kong maligo pumunta agad ako ng kwarto para magbihis. Chineck ko muna yung oras..
6:15 a.m
Hala male-late na ko! Binuksan ko agad yung wardrobe ko para kunin yung uniform ko pero..
Wala yung uniform ko dito! Shems baka hindi pa nalalabhan. Oh no bakit ngayon pa >.< Bigla namang kumatok si gramma sa pinto.
"Ally yung unifotm mo eto oh. Pinalantsa ko na siya"
YESSS!!! Binuksan ko yung pinto at agad kinuha yung uniform.
"Lifesaver ka talaga gramma! Thank youuuu!"
Sinuot ko agad yung uniform at nag-ayos na nang mga gamit. Bumaba na ko para magsapatos at para magpaalam na rin.
"Alis na po ko gramma!"
"Oh sige anak ingat ka!"
"Opo."
Lumabas agad ako ng bahay. Chineck ko kung anong oras na..
5:20 a.m
May 10minutes pa ko. Buti na lang malapit lang talaga yung school ko.
Hindi na talaga ako matutulog ng madaling araw!!!! Almost 1 na kasi ako nakatulog kagabi and the reason why?
Nag marathon ako ng spongebob episodes sa laptop!
Oo na matawa na kayo pero okay lang kasi favorite ko yung spongebob since childhood noh! Sa sobrang pagmamarathon ko kagabi, hindi ko na namalayan yung oras at monday na pala kinabukasan.
Monday...
Hays i hate mondays! Hindi ba pwedeng tuesday na lang ang start ng pasok at walang pasok ng mondays? Nagkakaron na ata ako ng monday sickness eh.
Nandito na ko sa tapat ng school at agad pumasok sa loob. Saktong-sakto lang dating ko! 6:30 at nakapila na rin sila. Jusko parang de ja vu nung first day xD.
Pumunta na ako sa pila namin at pinaakyat na kami. Buti na lang talaga hindi ako na-late :'(
Pagdating sa loob ng classroom ay umupo agad ako sa sobrang pagod hays. Pinatong ko muna saglit sa armchair yung ulo ko.
Naramdaman ko namang may umupo na sa tabi ko. Si Ricardo. Okay na kaming dalawa. Hindi na kami awkward sa isa't-isa at nagpapansinan na rin kaming dalawa. Mas okay na yun noh! Ang hirap kaya pag hindi ka komportable sa katabi mo. At syempre, move on move on din!
BINABASA MO ANG
Loving My Possessive Boyfriend
RomansaPossessive (adj.) Not willing to share things with or lend things to other people "I love you so much that i can kill any bastard who tries to take you away from me" - Ken Date Started: April 21, 2016 Deymaxx