"HELLO, SINGLE moms!" kuwelang bati ni Erica Mae nang pumasok siya sa B2. She fondly called the second branch of Angelicious Cake Shop as B2. As usual diretso siya sa work area kung saan naroroon ang staff nila. "Anong latest na tsismis?" tanong niya habang inuusyoso ang ginagawang fondant cupcake topper ni Gwen.
"Madaming orders, as usual. Hello, Madam Em," sagot ni Gwen. Si Gwen ang pinakamatiyaga sa paggawa ng mga maliliit na detalye sa disenyo. Ni hindi ito nag-angat ng tingin nang sumagot sa kanya.
"Luma nang tsismis iyan. Sa love life, ano bago?"
Noon nag-angat ng mukha si Gwen habang nagsimulang umugong ang tawanan ng iba pa doon.
"Ano pa ang magiging bago? Single mom pa rin," sabi ni Rica. Busy naman ito sa pagmamasa ng fondant. Ito ang pinaka-petite sa mga bakers doon pero ito ang pinakamalakas ang pulso pagdating sa kneading.
"Hoy, byuda, may solusyon dyan sa pagiging single mom mo. Paligaw ka kaya. Cute mo pa naman," buska niya dito. Rica was a young widow. Ang alam niya halos kapapanganak pa lang yata nito nang mabiyuda. Alam din niya, open din naman si Rica na magkaroon ng bagong karelasyon. At iyon ang hindi siya updated sa ngayon.
Bumaling siya ng tingin kay Gabby. "Ikaw rin, hanapan mo na ng tatay si Erin. Hanapan mo na habang hindi pa marunong kumontra," tukoy niya sa bata pang anak nito. Sa lahat ng empleyado nila doon, si Gabby ang hindi niya masyadong alam ang kuwento. Misteryosa ang dating nito sa kanya pero wala naman siyang balak na usisain ito nang higit sa impormasyong boluntaryong ibinibigay nito. Basta gaya nilang lahat doon, single mom din ito.
"Madam Em, kumustahin mo ako," nakangiting sabad ni Mari, ang head at branch manager na rin ng shop. She was a pastry chef by profession. Ito rin ang unang-unang kinuha ni Angelique nang mag-hire ito ng staff para sa branch na iyon.
Hindi niya kinuwestyon si Angelique nang malaman niyang puro single moms ang kinuha nitong empleyado. They were BFF for more than a decade now. May mga desisyon itong kahit hindi niya itanong ay alam na niya kung bakit lalo na sa paghawak nito ng negosyo. Magkasosyo sila ni Angelique sa negosyong iyon.
Alam niyang hindi madali maging single moms. Mahirap lalo at walang stable na trabaho. Parang charity na rin na pinili ni Angeliquer ang apat. At hindi naman ito nagkamali sa pagpili. Lahat nga iyon ay masisipag at dedicated sa trabaho. Halos pamilya na rin ang turing nila sa mga ito.
"May love life ka na, Mari?" interesadong tanong niya
"Wala nga din, eh."
Sumabog ang tawanan sa work place.
"Ang saya naman dito?" Bumungad si Angelique at nag-flying kiss sa kanya. "Tara, merienda tayo. May dala akong ice cream."
"Hello, Ma'am Angelique," halos chorus na bati ng mga bakers dito.
"Banana flavor?" nakangising tanong naman niya at sinipat ang dala nitong ice cream.
"Mukha ka talagang saging," tukso nito sa kanya. "Vanilla flavor ito. The most premium vanilla in town. The best partner to any cake---"
"The best blah-blah-blah," sabi niya at binuksan na ang ice cream. "Huwag na nating patagalin at matutunaw lang ito. Gabby, please get me scooper." Malapit lang sa kanya ang mga cup kaya siya na ang kumuha niyon. "Best friend Anj, mas masarap talaga kung banana ice cream. Nagde-develop ako ng recipe."
"Patok sa mga bata iyang ice cream. Paborito iyan ni Angge-pot," tukoy nito sa sariling anak.
"Paborito din ni Onyok ko. Ano na nga ba ginagawa nila ni Onyok?" Kaninang umaga ay iniwan niya ang anak niyang si Onyok at ang yaya nito sa bahay ni Angelique saka niya pinuntahan ang mga business dealings niya. Sanay naman ang mga tao sa bahay ni Angelique na doon niya iniiwan si Onyok dahil magkalaro ang mga anak nila palagi. Magkaaway din madalas.
"Alin sa dalawa, kundi magkasundo, magkaaway sila. Anong recipe iyang dine-develop mo?"
"O-ha? Umiilaw na naman iyang mga mata mo, best friend. May peso sign na naman diyan. Chillax ka lang, nasa early stage pa ako."
"Saging na naman iyan?"
Pilya na iginala niya ang tingin sa mga bakers nila. "May langit sa saging, di ba, cupcakes?"
"Nakalimutan ko na iyang saging na iyan," ani Rica.
"Anong saging ba ang pinag-uusapan?" sabi naman ni Gwen. Ito ang virgin single mom. Hindi naman kasi ito nanganak. Napilitan lang maging ina sa pamangkin na nakamatayan ng kapatid nito. Tatlong taon na rin si Mint, ang cute na batang lalaki na inari na nitong anak.
"Balang-araw, Gwen, mare-realize mo rin ang langit na tanging saging lang ang makakapagbigay sa iyo." Dinilaan niya ito.
"Em," baling sa kanya ni Angelique. "Dinner meeting tayo mamaya?"
"Pag saging ang topic, sure na gorabels ako riyan." Tinikman niya ang ice cream. "Ay, tama si Angge. Ang sarap nitong ice cream niya. Lasang pahingi pa."
"Ay, naku basta si Madam Em, ang saya lang ng buhay. Parang walang problema," sabad ni Mari.
"Pa-easy-easy lang," ayon ni Gabby.
"Malaki pa sa taniman namin ng saging sa Cebu ang problema ko. Ayoko lang intindihin masyado dahil malaki ring problema magpakinis ng mukha. Hala, kain na kayo nitong pinagmamalaki ni Angge na vanilla ice cream. Pag naimbento ko yung banana ice cream cake na gusto ko, mas dadayuhin tayo dito sa shop. Papabor iyon sa mga bulsa natin."
***
Your vote and comment is appreciated. Thanks!
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame: Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
BINABASA MO ANG
Banana Heaven
Romance"Bigyan mo ako ng karapatang magselos at ipapakita ko sa iyo kung paano ako magselos." Little Cupcakes Series *This is the first installment in the collection of novels about single moms who are also bakers on their journey to love. Special th...