Part 14

3.1K 138 16
                                    

Author's Note

Hello, readers! Thank you for having you here.  I hope I made your reading time enjoyable.

Puwede bang maglambing? Kung hindi ka pa nagla-like sa page ko, baka naman puwedeng mapagbigyan ako ng isang like sa page ko. One time effort lang naman from you. Lambing lang.

https://www.facebook.com/JasmineEsperanzaAuthor

Thank you so much.

********************


ININSPEKSYON ni Erica Mae ang mga saging na nasa pantry ng B2. Lacatan ang karamihan doon para sa banana cupcakes na ginagamit nila sa shop. May naligaw na saba saka latundan, meron ding senyorita. Pinisil niya ang mga iyon. Base sa hipo at tingin niya, madali niyang natukoy ang over-riped. Napangiti siya. Limang over-riped na lacatan ang pinigtal niya sa piling. Binalatan niya iyon saka piniris sa stainless bowl sa pamamagitan ng tinidor. "Isa pa para mas malasa," kausap niya sa sarili saka nagbalat pa ng isa. Pinong-pino na ang pagkakaligis niyon nang tigilan niya.

She creamed the butter and sugar using their ever-reliable horse in the kitchen, the Kitchen-Aid mixer. Tumunganga siya doon habang umiikot ang flat beater niyon. Hindi siya OC baker. Hindi rin siya mahilig sumunod sa sukat. Ginagawa niya iyon base sa instinct niya. At kung makikita lang ni Mari ang ginagawa niya, mapapailing iyon. But then wala naman siyang kasama doon. Sino ang mag-aakalang nadoon siya sa shop ng alas kuatro nang madaling-araw. Maliban, of course, sa panggabing guwardiya na gulat na gulat pa ng gisingin niya sa poste nito. Sinabihan niya itong matulog uli nang makapasok siya.

"Oh, the eggs! Tsk!" Apat na itlog ang kinuha niya sa tray. Binasag niya ang isa at isinalin sa maliit na bowl bago iyon isinalin sa mixer. Ganoon din ang prosesong ginawa niya sa tatlo pang itlog. Tiniyak niyang walang shell ng itlog na mahahalo doon. Binudburan niya iyon ng vanilla powder.

Pinaghalo ni Erica Mae ang sinukat na arina at baking soda. Well-blended na ang butter, asukal, vanilla powder at itlog kaya pinatay na niya ang mixer. Manu-mano na hinalo niya doon ang iba pang sangkap. She lined the muffin pans with aluminum foil liners. Then she filled each hole with just enough batter.

Naglagay siya ng ube jam sa isang pastry bag. Inilubog niya ang tip niyon sa bawat cupcake saka pumisil ng tamang pressure. Nilagyan niya ng pininong macapuno preserves ang ibabaw at saka isinalang iyon sa oven.

Habang nakasalang iyon, nagbalat siya ng saging na saba. Hiniwa iyon ng manipis at maliliit. She coated them with brown sugar. Gamit ang torch, binugahan niya ng apoy ang mga inilatag na sliced bananas. "Instant banana que, minus the oil." nasisiyahang sabi niya nang ma-achieve ang tamang caramelization ng asukal sa saging.

Isang batch ng banana cupcake ang isinalang niya uli gamit ang recipe niya kanina. Walang filling, wala ding topping. Mamaya niya lalagyan ng twist iyon kapag naluto na. Nanginain muna siya ng tatlong latundan at saka siya naglista ng posibleng frosting na babagay sa ginagawa niya. Lumipas ang oras na hindi niya napapansin. Napangiti siya nang umamoy sa buong kusina nag nalulutong cupcake. Hindi na niya kailangang orasan ang sinalang niya. Amoy pa lang noon, alam niyang luto na.

"Napakaagang humahalimuyak sa bango itong shop."

Hinango niya muna ang nakasalang bago niya nilingon si Angelique. "Uy, ang aga mo naman. Wala pang alas sais." Five fifty-five ang oras ayos sa wall clock.

"Ikaw ang sobrang aga. Nakapag-bake ka na? Anong oras ka nandito?"

"Alas kuatro yata." Kinuha niya ang cupcake na bagong hango pa. Hinati niya iyon sa gitna. Pumikit pa siya nang nilanghap ang muntik usok sa nanggaling doon. Ang bango-bango talaga ng bagong lutong banana cupcake. Hindi nakatiis na kinagat niya iyon. Tiniis ng bibig niya ang init. Sa banayad na paggalaw ng dila nila, nalusaw ng kusa ang kinagat niya.

Banana HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon