"BANANA split."
Tinaasan siya ng kilay ni Angelique. "We're having dinner, Em. Iyan lang ang order mo?"
"Yes. Banana split. Okay na iyan. Masarap iyan."
"Okay. Gusto daw niya ng banana split. I'll have this. And also this." Itinuro nito ang seafood pasta na specialty ng reastaurant na pinuntahan nila. At hindi na siya nagtaka nang umorder din ito ng carrot cake. Ugali na nilang tikman ang available baked goodies kahit saan sila kumain.
"Naglilihi ka ba?" baling nito sa kanya nang umalis ang waiter.
Inirapan niya ito. "BFF tayo. Birds of the same feather, flock together. Kung tigang ka, masaklap mang sabihin, ganoon din ako."
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "You and your big mouth!" Angelique said in a warning tone. Luminga pa ito sa paligid na halatang nag-alala na may makarinig sa kanila.
"Oh, yes, this mouth na matagal nang hindi nakakatikim ng buhay na saging," mahinang sabi niya saka pilyang ngumisi.
Sa kanilang dalawa, si Angelique ang prudish na maituturing. Pero hindi aaminin ni Angelique na prudish ito. She would just claimed na reserved lang ito, with lots of manners, grace and poise, gaya ng lagi nitong isinasagot sa kanya. Na para bang kulang na kulang siya sa bagay na iyon. But who needs manners, grace and poise when it comes to sex? Grabe, ang tagal-tagal na niyang walang ganung activity. Baka mag-crack na ang mga buto niya kapag nagkaroon siya ng pagkakataon sa ganoong bagay.
"Napakaano mo talaga!" halos naeeskandalong sabi ni Angelique. Tumaas pa ang kamay nito at tila siya tinampal sa hangin.
"Aminin mo. Nakaka-miss din naman ang ganoon. Hindi ka naman virgin para mag-inarte pa. Kapag nakatikim ka, lalo at masarap, hahanap-hanapin mo rin naman. Kelan kaya titirik uli ang mga mata ko habang paakyat ako sa langit?"
"Em, stop it, okay. We need to talk. Seryoso ito."
"Uh-huh. Anong seryoso naman iyan? Lagi ka na lang seryoso. Loosen up a bit, Angelique."
"Si Angge." Mas naging seryoso ito. "Nagsisimula na siyang magtanong."
"Dati nang madaming kung anu-anong tanong ang anak mo. Ngayon mo lang ba nahalata?" Akala niya ay negosyo ang pag-uusapan nila. Pero ngayong binanggit nito ang anak, alam niyang mas seyoso ito pagdating sa bagay na iyon.
"Si Angge, hinahanapan na ako ng daddy," sabi ni Angelique na para bang magde-deklara ng national crisis.
"Ang sama ng tingin mo sa akin. Don't me."
"Mas matanda ng isang taon si Onyok kesa kay Angge. Palagi silang magkalaro. Hindi kaya..."
"Don't me uli! Hindi iimpluwensyahan ni Onyok ang anak mo," defensive na sabi niya. "Angeligue, maliit pa si Onyok, ako na mismo ang nagsabi sa kanyang wala siyang tatay. Hindi siya maghahanap ng ama."
"Hindi ko naman pinagbibintangan si Onyok. Iniisip ko lang iyong possibility. Alam mo na, kung may girl talk, malamang meron din sigurong kiddie talk. Sila ang palaging magkalaro, eh." Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Kung sabagay, madami naman talagang ibang factors. Hindi lang talaga ako prepared sa mga ganoong tanong ni Angge."
"Kung hindi ka pa prepared, it's never too late. Magsimula ka nang maghanda ng mga isasagot dahil alam mo naman ang bata, hindi rin matatapos ang tanong nila."
"How do you handle Onyok?"
"As if you don't know. Kung ano ang nakikita mo sa akin, ganito din ako sa anak ko."
"Hindi ka nagseseryoso sa anak mo?"
"Masyadong mabigat ang buhay para seryosohin ko. Pag ginawa ko iyon mas kawawa si Onyok. Alam mo namang hindi madali ang pinagdaanan ko. I need to change, for my self, for my son." Luminga siya. "Ang tagal naman ng order natin. Nakaka-stress itong usapan natin. I need a banana fix."
"Not caffeine?"
"You heard me. I said banana." Ngumisi siya nang matanaw ang waiter na dala ang order nila. Inihanda niya ang cellphone camera. Nang maibaba nito iyon, inayos niya ang anggulo ng pagkain at kinuhanan ng picture. Segundo lang ang nakaraan at nasa Instagram na niya iyon. "Ang dami agad hearts!" natutuwang sabi niya nang makita ang reaction ng followers niya sa IG.
"Kain na muna tayo," sabi ni Angelique.
Tumango siya at nag-focus rin sa pagkain.
"Sigurado ka, iyan lang ang dinner mo?" pansin sa kanya ni Angelique nang maubos niya ang banana split.
"Pag umuwi ako, may pagkain din naman sa bahay. Hindi naman nawawalan ng nilagang saging doon."
"Saging na naman?"
"Anong problema sa saging? Ang sarap kaya. Masustansya pa."
"Tulungan mo ako kay Angge, please," sa halip ay sabi nito.
"Of course. We are here for each other. Gusto mo bang kausapin ko ang anak mo?"
"Hindi ko alam kung paanong aaproach ang dapat. Minsan nagi-guilty talaga ako na ginusto kong maging dalagang-ina. Parang ang selfish ko naman."
"Suwerte si Angge na ikaw ang mommy niya. May mga dahilan ka lang talaga kung bakit mo iyan ginawa. Saka huwag mong karirin masyado iyang problema mo. Limang taon pa lang naman ang anak mo. Hindi pa kailangan ng paliwanag na pang-Senate hearing."
"May isa pa akong problema."
"Negosyo? Kayang-kaya mo iyan. Mas may ibubuga ka sa akin sa bagay na iyan. Tangay mo lang ako palagi."
"Chris is back in town."
Nanulis ang nguso niya. "Chris, the king!"
"Puro ka kalokohan. Malaking problema iyon."
"Yummy problem ang king size?" Nanlalaki ang mata na sabi niya.
"Stop insinuating. Hindi naman kami tatalon agad sa kama pag nagkita kami."
"Anong malay mo baka iyon pala ang sagot diyan sa problema mo. Magkaroon ng kapatid si Angge."
"Okay na ako kay Angge. Em, magseryoso ka naman. Alam mong malaking problema ko iyon."
Dumukwang siya nang kaunti palapit dito. "Sa tingin ko, malaking solusyon siya sa malaking problema mo."
"Hindi puwede iyon!"
She made face. "Mag-iimbak na siguro ako ng pop corn. May interesting na mapapanood ako nang live. Soon."
"Nakakainis ka," napipikon na sabi nito. "Kelan ka magseseryoso?"
"You know me. Seryoso ako. Baliw lang ang peg. You accept me as I am, don't you? You have me at my best, you have me at my worst. Lakas maka-Star Cinema, di ba? That's what friends are for, di ba? Alam ko naman ganoon ka din sa akin. Hindi ko kayang tumbasan ang mga naitulong mo sa akin dati pa. Pero tandaan mo, ako iyong kaibigan mong palaging nasa likod mo. Hindi ako puwede sa harap, baka ako mapansin ni Chris the king sa halip na ikaw."
"Naku, baliw ka talaga. Kundi lang kita kaibigan," naiiling na sabi ni Angelique. Nagbayad na ito ng kinain nila. "Let's go. I'm sure naiinip na sa atin ang mga bata."
*******
Hope you enjoy this update. You can vote and comment, too. Salamat.
BINABASA MO ANG
Banana Heaven
Romance"Bigyan mo ako ng karapatang magselos at ipapakita ko sa iyo kung paano ako magselos." Little Cupcakes Series *This is the first installment in the collection of novels about single moms who are also bakers on their journey to love. Special th...