Part 3

4.7K 153 4
                                    



 KARGA niya ang tulog na tulog na si Onyok hanggang sa ibaba niya ito sa kama. At least hindi na ito maaabala sa pagtulog. Nalinisan na ito ni Yaya Candy bago pa man niya ito sunduin. Nagkukuwentuhan pa sila ni Onyok sa kotse hanggang sa makatulog na ito sa kalagitnaan ng byahe. Bagaman tulog ay humabol pa ito ng yakap sa kanya kaya sa halip na iwan ito ay tumabi siya ng higa at nilukuban ito.

Iba ang kaibigan niya sa kanya. Angelique was a single mom by choice. Pinlano nito iyon. Ginusto nito simula't mula pa. Pero hindi siya. Kung may choice lang siya hindi niya gugustuhing lumaki na walang ama si Onyok. Pero ano ang magagawa niya kung ganoon ang maging kapalaran nilang mag-ina?

Kailangan lang niyang maging matatag para sa anak niya. Totoo, masyadong seryoso ang buhay. Hindi madali ang pinagdaanan niya. Kailangan niyang maging matapang. Sadya lang na ayaw niya ng drama kahit na siguro papasa na pang Maalala Mo Kaya ang buhay niya.

"Mama," ungol ni Onyok. Isiniksik pa nito ang batang katawan sa kanya.

Niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan sa ulo.

Hindi sinasadya ang paggulong ng luha sa mga mata niya.

Bago pa niya napigil, bumalik ang nakaraan sa alaala niya...



"BUNTIS ako, Steve." There, sa wakas ay nasabi na niya. Isang linggo na niyang tinatago sa sarili ang tungkol doon pero alam niya, kailangan niyang ipaalam dito. Hindi puwedeng hindi nito malalaman.

"Sure ka?"

"Tatlong pregnancy test kit na ang ginamit ko. Lahat positive."

"Shit! Bakit hindi ka nag-ingat? Sabi ko naman sa iyo, hindi ka puwedeng mabuntis." Hindi nagbago ang pagmamadali sa kilos nito na makapagbihis. Tatlong oras lang sila sa ordinaryong motel na iyon. At gaya ng dati, hindi mag-aaksaya si Steve ng oras. Susulitin nito ang bawat minuto na ilalagi nila doon. "Bumangon ka na riyan. Baka ma-over time tayo. Sayang ang charge."

Sa mga sandaling iyon, gusto niyang batuhin ito ng unan. Pero walang kumibo na sumunod siya sa sinabi nito. Natanaw niya ang oras. Malapit na ang check out time nila. Hindi na siya nag-shower. Nakakapit pa sa kanya ang amoy nilang dalawa nang lumabas sila doon. Dinala siya nito sa Chow King.

"Kain muna tayo," sabi sa kanya ni Steve.

"Wala akong ganang kumain. Bago ko pa nalamang buntis ako, wala na akong ganang kumain."

Umungol ito ng tila pagkontra. "Hindi puwedeng hindi ka kakain." Tumayo ito at nagpunta sa counter.

Nakasunod naman siya dito ng tingin. Ang lakas-lakas ng kaba sa dibdib niya. Parang permanente na ang kabang iyon sa kanya buhat nang malaman niyang buntis siya pero pakiramdam niya, lalo pang lumakas iyon ngayong ipinaalam na niya dito iyon. Bukod pa roon iyong sariling takot niya. Twenty-two lang siya. At noong isang taon lang siya nagkaroon ng permanenteng trabaho. Ni hindi pa siya nakakabawi sa mga magulang niya. May obligasyon pa siya sa bunso niyang kapatid.


**************

Hello, readers!

Thank you for reaching up to this part.

For some years, readers had the opportunity to enjoy reading this over and over again for FREE.

However, this time around, the complete story found its new home at Dreame. (Ang Dreame ay isa ring reading app na gaya ng Wattpad. Hanapin lamang sa Google Playstore (for Android users) at sa iPhone users, pakihanap na lang din.)

You can search me on Dreame under the username Jasmine Esperanza.

Thank you so much.

*****

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor  

Banana HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon