««««----------»»»»
Janine's Point of View
“Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo o sadyang tanga ka lang!”
“Sorry.”
“Anong sorry? Kung ikaw kaya banggain ko!” Sigaw pa sakin nung babaeng nabangga ko, hindi siya nag-iisa dahil may kasama siya.
“Hindi ko naman sinasadya eh.” Aniko.
“Talagang! Ayaw mo talagang aminin na sinadya mo!” Sigaw ng isa sa kasama niya.
“Hindi ko naman talaga–” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng sampalin niya ako.
Napapikit na lang ako ng aambahan pa niya ulit ako ng sampal. Mga ilang segundo pa ay wala akong naramdamang sampal kaya napadilat ako at nagulat ng makitang sinampal siya ni Lucy at ang akala ko isang sampal lang ang aabutin niya kay Lucy pero hindi, dahil tuloy-tuloy lang ang pagsampal niya. Natigilan lang siya sa pagsampal ng may humawak at umawat sa kanya.
“Ilugar mo ang pagmamaldita at pagtataray mo! Kundi, hindi lang yan ang aabutin mo.” Mataray na sabat ni Lucy. Tumingin siya sakin at sinenyasan na sumunod sa kanya.
Sumunod ako sa kaniya at nakita ko pang umiiyak yung babaeng nasampal niya ng bonggang-bongga.
“Niligtas–”
“Hindi kita niligtas. Ayoko lang nakakakitang may nagtataray sa school na to.”
“Pero niligtas mo pa rin ako kaya thank you.” Tumigil siya sa paglalakad.
“Bakit ba kasi ang hina mo?!” Nagulat ako sa nasabi niya at ganun din siya. “N-nevermind.”
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang sa marating na rin namin ang room. Napansin ko kaagad ang kunot noong tingin sakin nila Maddy.
Tinaasan ko sila ng kilay bilang tanong kung bakit ganun sila makatingin sakin.
“Something happened? Both of you?” Takang tanong ni Kendra.
“Wait... Did she just slapped you?” Tanong naman ni Maddy. Napansin ko naman bigla yung namumula kong pisngi.
“Hindi. Sa katunayan nga niligtas niya pa ako eh.” Saka ko na kinuwento ang nangyari kanina, hindi pa nga sila makapaniwalang niligtas ako ni Lucy sa babeng nabangga ko kanina.
Sa tagal ng mga subjects na nadaanan namin finally breaktime na rin!
“Janine punta kami mamaya sa bahay niyo.” Ani Marga.
“Bakit?” Takang tanong ko.
“Ano.... W-wala lang...”
“Wala gusto niya lang makita yung kuya mo.” Saad ni Kendra.
“Ito oh! Binubuking mo eh.” Wika naman ni Maddy na nagpipigil ng tawa.
“Sige pagtulungan niyo ako.” Sambit ni Marga sabay irap dun sa dalawa.
“Sige ok lang punta kayo mamaya.” Aniko.
Matapos naming kumain sa cafeteria nagpaalam ako kila Maddy na pupunta lang akong library tutal absent naman yung next teacher namin kaya malaya kaming gumala. At bukod dun namimiss ko na ang library, yung itsura ng library, yung amoy ng library, yung peaceful na kapaligiran ng library at ang pinaka improtante ay yung mga libro ni Agatha Christie.
Emeghed! Nandito na ako. Agad akong namili ng libro at ang napili ko ay yung ‘The ABC Murders’ hindi ko pa tapos tong libro na to dahil hindi na nga ako nakakapunta dito sa library at isa pa wala akong libro nito. Sadlife.
I love mystery genre that's why I love Agatha Christie.
Umupo ako sa pinakadulo ng mahabang table at sinimulang buksan at basahin ang libro.
Hindi ako makabasa ng maayos dahil na bobother ako sa lalaking nakaupo sa pinakadulo nitong table, familiar yung style ng buhok niya sakin. Hindi ko makita yung itsura niya dahil nakaharang yung librong hawak niya. At sa hindi ako nagkakamali libro din yun ni Agatha!
Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya at kausapin dahil wala rin namang mawawala sakin kung gagawin ko yun diba?
Lumapit ako sa kanya at nagulat ako ng makilala ko kung sino siya. Tinignan niya lang ako ng ilang segundo using his ultimate emotionless poker face at saka siya nagpatuloy ulit sa binabasa niya.
“OMG! Nagbabasa ka rin pala ng books ni Agatha?!” Sigaw ko.
Agad naman akong napatingin sa masungit na nananaway dito sa library at sumenyas siya na tumahimik ako. Ooops my bad.
Umupo ako sa tabi niya pero hindi man lang siyang nag atubiling tumingin sakin. Napatingin ako sa title ng librong binabasa niya.
“And Then There Were None?! Oh my! Natapos ko na yan eh! Promise sobrang ganda niyan!” Muntik na akong mapasigaw ng malakas. Napatingin ako sa binabasa niya. “Chapter 17 ka pa lang? Gusto mo ikwento ko yung nangyari pagkatapos diyan?”
Tinignan niya ako.
“Would you please stop bothering! Hindi ako makapag concentrate sa binabasa ko eh!” Aniya.
“Shhh... Wag kang maingay.” Aniko.
Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa. Binasa ko na lang ulit itong librong hawak ko pero hindi ko talaga mapigilang magsalita.
“Uhm.. Fan ka ba ni Agatha? Nabasa mo na ba yung The Mysterious Affair At Styles? Kung hindi pa basahin mo, promise hindi ka magsisisi na binasa mo yun at baka ulit-ulitin mo pa.”
Hindi siya nagsalita.
“Ilang books niya na yung nabasa mo? Nakabili ka na rin ba ng books niya? Mahilig ka rin ba sa mga mysteries?” Sunod-sunod kong tanong.
Tinignan niya ako ulit pero at this time ang sama na ng tingin niya sakin.
“What do you want me to do to keep your mouth silent?” Aniya na halatang iritado na.
“Simple lang maging friends tayo.” Aniko.
“Fine.” Maikli niyang sagot sabay patuloy sa binabasa niya.
“Yes!” Sigaw ko.
Matalim akong tinignan nung babae.
“You two get out!” Sigaw niya samin at agad kaming pinalabas ng library. Sad naman hindi ko pa nga nasisimulang basahin tapos napalabas pa.
“Look what you've done. You ruined my day.” Aniya.
“Atleast magkaibigan na tayo. Diba?”
“I never said that.”
Agad kong kinuha yung phone ko. “Sorry nirecord ko.” Aniko sabay play ng nirecord ko.
“Ano nirecord mo?!”
“You heard it right?” Aniko sabay lakad na palayo sa kanya. “Bye friend!” Sigaw ko.
*****
BINABASA MO ANG
Classroom Full Of Famous (COMPLETED)
Teen FictionIn a campus that filled with different kind of students, including Bullies, Smart ones, Cheerleaders, Nerds and the Famous. There is a classroom that only famous students can enter and they called that 'Classroom Full Of Famous'. But what if... A Ne...