ווווו×
Janine's Point of View
"Nakakahiya naman sayo at ihinatid mo pa ako." Saad ko.
"Okay lang, whenever you need a companion you can always visit me. Anytime welcome ka sa bahay."
"Oh sige pasok na ako ah."
"Hindi hatid na kita sa loob."
"O-oy okay lang I can manage."
Hindi siya nagsalita at sa halip ay inalalayan niya ako papasok sa bahay. Laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Ziggy na nasa sala. Agad niya kaming nakita, yung kaninang nakangiti niyang mukha ay bigla na lang naging seryoso at matalim kaming tinignan.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nandito siya ngayon sa bahay. Halu-halo din ang nararamdaman ko ng mamataan ko siya.
"Oh nandito na pala si Janine. Kanina ka pa hinihintay ni Ziggy." Sabi ni Mama. "Sige maiwan ko na muna kayo ah." Sabay punta ni Mama sa kusina.
Sa ngayon ay nakatayo na si Ziggy at magkaharap kami ngayon hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya dahil sa nerbyos.
"B-bakit ka nga pala nandito?" Mahinahon kong tanong sa kanya dahil ramdam ko ang galit niya.
"Sino siya?" Saad niya sabay turo kay Jackson. At sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay iniba niya ito usapan gamit ang cold niyang boses.
"A-ah s-si Jackson nga pala."
"Nice to meet you, Jackson nga pala." Sambit ni Jackson at inilahad niya ang kamay niya para makipag shakes hand.
Tinignan lamang ni Ziggy ang kamay niya kaya ibinaba niya na lang ang kamay niya.
"Boyfriend mo?" Malamig na tonong saad ni Ziggy.
"Hindi pre magkaibigan lang kami."
"Hindi ikaw ang kausap ko. Tsaka isa pa ano pa bang ginagawa mo dito? Pwede ka ng umalis."
Nagulat ako sa mga binitawan niyang salita, Tsaka bakit niya naman iisipin ni boyfriend ko si Jackson eh kakakilala pa lang namin.
"Sige Janine mauna na ako." Tumango na lang ako kahit na ayaw ko pa siyang paalisin ng ganun ang trato. Nang maka-alis si Jackson agad akong nagsalita.
"Bakit naman ganun ang pakikitungo mo kay Jackson?"
"Ngayon pinagtatanggol mo yung boyfriend mo?"
"Ano ka ba naman bakit ka ba ganyan mag-isip? Hindi ko nga siya boyfriend."
"Gusto mong malaman kung bakit ako ganito mag-isip? Kasi nagseselos ako."
"Teka nga ano bang dahilan mo para magselos eh hindi naman tayo."
Saglit siyang natigilan dahil sa mga salitang binitawan ko, maging ako nagulat dahil hindi ko inaasahang sasabihin ko ang salitang yun.
"Puro kasinungalin lang pala mga sinabi mo sakin."
"Hindi ako magsisinungaling kung ano ang nararamdaman ko pero I guess it wasn't the right time for us."
"You made your decision. Umasa kang simula ngayon kakalimutan ko na kung ano ang nararamdam ko sayo." Umalis siya ng parang wala lang nangyari.
Dumiretso kaagad ako sa kwarto at ng makapasok ako kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko dahil unang-una sa lahat hindi naging kami at lalong-lalo na wala namang naganap break up pero feeling ko mas masakit pa ang nararamdaman ko kesa sa magkarelasyon na nagbreak. Nasaktan ko si Ziggy pati na rin ang sarili ko kaya naman pakiramdam ko napakasama kong tao.
Gusto ko siya at hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko.
Pero sana lang makapag move on kaagad siya....
Sana.
*****
1 week later...
Pagkagising ko agad ako naligo at bumaba para mag almusal, matapos ay agad akong naglakad papuntang school. Napaisip ako isang linggo na ang nakalipas ng binusted ko si Ziggy siguro naman nakapag move on na siya. Isang linggo ko siyang inisip kung nakamove on na ba siya at ok lang siya at dahil dun gabi-gabi akong umiiyak at nagmumukmok.
Masakit sakin yung naging desisyon ko dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko siya, mahirap man sinubukan ko pa ring kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Siguro nga at nagmamadali kami sa mga kinikilos namin pero ngayon alam kong hindi siya para sakin at hindi ko para sa kanya.
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng malapit na ko sa room, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nagkita kami. Nag sign of the cross na lang ako at naglakad papasok.
At wala pa siya kaya dumiretso na lang ko sa upuan ko.
Lumipas pa ang ilang minuto at nagsidatingan na ang iba kong mga classmate pero ni anino ni Ziggy wala akong nakita, hanggang sa dumating na ang una naming teacher wala pa rin siya. Hinayaan ko na lang at nakinig sa teacher namin.
Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon? Teka lang Janine wag mo siyang isipin.
Takte nag-aalala na talaga ako kaya ako ng loob na tumayo at sabihing "Ma'am may I go out?" Tumango naman siya kaya lumabas na ako.
Sinubukan ko siyang hanapin sa buong campus. Una kong pinuntahan ng garden at siyang hinanap.
"Ziggy." Saad ko. Naka ilan akong tawag sa pangalan niya pero wala man lang sumagot sakin kaya umalis na ako dito at nagpunta sa gymnasium.
Nagbabakasakaling nag audition siya soccer team kaya wala siya sa room. May nakita na akong mga soccer player kaya naman lumapit ako at nagtanong.
"Excuse me by any change do you have a soccer player named Ziggy?" I asked.
Saglit niyang tinignan ang hawak niyang papel matapos ay humarap siya sakin. "Sorry miss pero walang nag audition na Ziggy dito." Aniya.
Tumango nalang ako at umakyat na sa floor kung saan naroon ng room namin.
Nasan na kaya siya? Hindi kaya siya pumasok? Nag-aalala na ko eh. Narinig kong nagsalita yung ng babae na nakasalubong ko.
"Alam mo ba yung bali-balita kay Ziggy na nagbago daw siya bigla nitong linggo."
"Bakit girl anong nangyari? Sabi-sabi nga ring gabi-gabi daw siyang umiinom sa bar nila Miss Chloe."
Biglang nagpantig ang tenga ko sa mga narinig ko at bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko.
Anong nangyari sa kanya?
*****
Sobrang tagal ko tong hindi naupdate at ngayong 2017 lang ulit akong ginanahang ituloy to ^^ Mianhe.
Don't forget to Vote and Comment.
BINABASA MO ANG
Classroom Full Of Famous (COMPLETED)
Ficção AdolescenteIn a campus that filled with different kind of students, including Bullies, Smart ones, Cheerleaders, Nerds and the Famous. There is a classroom that only famous students can enter and they called that 'Classroom Full Of Famous'. But what if... A Ne...