ווווו×
Janine's Point of View
“Wow ang laki na ng pinagbago nitong trinoma.” Sabi ni Ate Claire.
“Oa ka ah! Malamang 5 taon ka lang namang nawala dito sa pilipinas.”
“Namimilosopo ka na rin ah, pwes magiging tour guide kita.” Aniya sabay nag cross arms.
“Eh?! Sige papayag ako pero libre kakainin ko ah.”
Umirap na lang siya kaya napangiwi ako ng dahil sa tuwa. Haha kapag umirap siya sinyales na yun na pumayag siya pilit nga lang. Agad ko siyang inilibot sa buong mall, ilang beses kaming tumitigil sa paglalakad dahil nanghuhuli daw siya ng pokemon kaya ilang beses din akong kumakain bwahaha!
“Tigil muna tayo wala na akong pera eh kain ka ng kain.” Sambit niya.
“Teka lang dun naman tayo oh!” Sabay turo ko sa Dairy Queen.
“Grabe ka ah hindi ka pa ba nabubusog? Kanina ka pa kain ng kain.”
“Ok lang yan ice cream muna tayo sige na ate please.” Tapos nag puppy eyes ako sa kanya, tignan lang natin kung hindi kita mapapayag.
Napakamot siya ng madiin sa ulo niya. “Sige na nga last na to ah tapos uwi na tayo.”
“Hindi pa ba natin susulitin ang oras natin dito sa trinoma mag Timezone muna tayo bago umuwi.”
“Daldal mo! Oo na inuuto mo lang ako eh.” Aniya na halatang inis na. Haha.
Umupo na ako sa table samantalang siya ay pumila na sa counter, maikli lang ang pila kaya hindi ako mababagot kahihintay dito. Nag open muna ako ng facebook ng malibang naman ng konti. Hindi rin nagtagal dumating na rin siya.
Bumili siya ng dalawang large rocky road at double dutch, bumili rin siya ng mga desserts. Kinuha niya yung medium size na double dutch.
“Kainin mo lahat yan ah.”
Seriously? Like what?
“Seryoso ka ba?” Tinaasan lang niya ako ng kilay. Ok uubusin ko to at walang makakapigil sakin.
Sinimulan ko sa desserts hanggang sa ipinagsabay ko na lahat.
Nagring yung phone ni Ate Claire at agad niya namang sinagot.
“Oy Mark musta? Yes kani-kanina lang din.... Oh really? Kailan ba?... Ah ok sige asahan mo yan haha! Bye.” Sabay baba niya ng phone niya.
“Sino yun?” Agad kong tanong.
“Ah yung kaibigan ko si Mark.”
“Ano daw sabi?”
“Anniversary kasi ng resort nila sa palawan pinapapunta niya ako dun pati yung mga iba naming friends, balak nga kitang isama eh isama mo na rin yung mga kaibigan mo para the more the merrier.”
“Ahh kailan ba?”
“Basta this week daw eh, tatawagan na lang ako nun kung kailan.”
“Ahh ok.” Bigla akong napa dighay. “Ooops... Sorry.”
“Oh baka magturo ka pa sa lagay na yan.” Aniya.
“Tara sa Timezone.” Anyaya ko.
Umalis na kaagad kami ng maubos na namin yung kinain namin. Biruin mo yun naubos ko lahat.
Pagkarating namin sa Timezone pumunta kami sa bilihan ng tickets at coins. Nang makabili na siya agad akong kumuha sa kaniya ng coins at hinila siya papunta sa basketball game na to ewan ko kung anong tawag dito pero tuwang tuwa ako sa laro na to haha! Nang maipasok ko ang coin agad kong sinimulan ang pagkuha ng bola at bato lang ako ng bato.
Tsamba lang karaniwan sa naipapasok ko sa ring pero natutuwa ako kada shoot ko ng bola sa ring. “Ate ikaw mag shoot ka rin!” Wika ko habang busy at focus pa rin sa pagsho-shoot ng bola.
Nang matapos na ako siya naman yung nagyaya. “Dun naman tayo sa hockey game.” Aniya.
Laro lang kami ng laro hanggang sa maubos na yung coins at tickets namin.
Matapos naming magpaka childish. Nagshopping naman kami ng mga damit at groceries. Pagkatapos nun umuwi na rin kami dahil gabi na rin at pagod na kami. Hayahay ako dahil siya naman yung mag dadrive.
Pagkarating namin sa bahay dinala ko kaagad yung mga groceries na pinamili namin. Pagkapasok namin kumakain na sila mama. “Kain na.” Anyaya ni Mama samin.
“Hindi na po tita marami na kaming nakain, lalo na tong anak mo.”
“Sige ma akyat na po kami.” Aniko.
Dumiretso na kaagad kami sa taas dala yung mga snacks na binili namin. Pagkarating ko sa kwarto pumunta akong cr para mag shower. Haays ang lagkit ko na.
Matapos kong magshower lumabas ako at nakita kong nakaupo si Ate Claire sa kama habang kumakain ng snack at nanunuod ng movie.
“Hanggang kailan ka pala mag i-stay dito sa pilipinas Ate?” Tanong ko habang pinatutuyo ko ang buhok ko gamit ang blower.
“Bakit gusto mo na ba akong umalis?”
“Hindi syempre naman ayaw ko pa na umalis ka dito, pero hindi ka pa ba kailangan ng work mo dun?”
“Sa totoo lang hindi lang yan yung dahilan ng pagpunta ko dito sa pilipinas.” Saad niya na ngayon ay ang lungkot na ng itsura.
“Bakit Ate?” Mausisa kong tanong.
Humingan muna siya ng malalim. “Nagbreak kasi kami ng boyfriend ko...” Nanginginig na boses niyang sambit. “Inisip ko na mas makakatulong sa pagmomove on ko kung lalayo ako at gumawa ng maraming memories.” At tuluyan ng umagos ang luha niya.
Hindi na ako nagsalita, sa halip ay tumabi ako sa kaniya at hinimas-himas ang likod niya para naman ma lessen yung pain na nararamdaman niya.
Nagpunas siya ng luha gamit ang likod ng kamay niya. “Tara tulog na tayo at bukas gagala ulit tayo.” Aniya na ngayon ay nakangiti na.
Hindi ko siya maintindihan. Pinipilit lang ba niyang ngumiti para hindi na ako mag-alala sa kanya?
Pinatay ko na ang TV at ilaw saka ako pumwesto sa kama. Magkatabi kami sa kama at patagilid matulog tapos magkaharap kami.
“Wag mong sasabihin kay Mama yun ah hindi kasi alam ni Mama na nandito ako ngayon sa pilipinas. Secret lang natin yun.” Sabay ngiti niya at pikit ng mata sabay sa pagpikit niya ay yung pagtulo ng luha niya.
Hindi ko na inisip ang lahat, hinayaan ko na lang at pumikit na rin. Mga limang minuto pa ay naramdaman ko ang paggalaw ng kama kaya napadilat ako. Nakita ko na tumayo si Ate Claire at kinuha ang phone niya, narinig ko na may kino-contact siya sa phone niya.
*ring* *ring* *ring*
“Jaymin please answer it... I still love you.” Nanginginig niyang sabi kasabay ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha niya.
Sana maging okay ka na Ate Claire.
*****
BINABASA MO ANG
Classroom Full Of Famous (COMPLETED)
Novela JuvenilIn a campus that filled with different kind of students, including Bullies, Smart ones, Cheerleaders, Nerds and the Famous. There is a classroom that only famous students can enter and they called that 'Classroom Full Of Famous'. But what if... A Ne...