Chapter 39: Nin & Zig

20.2K 719 44
                                    

Dedicated to TETAYKULIIIIT hope you're still reading this *insert cry emoji*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dedicated to TETAYKULIIIIT hope you're still reading this *insert cry emoji*

ווווו×

Janine's Point Of View

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!!!!"

Putek na lalaki to! Kalalaking tao daig pa akong sumigaw. Kung ako nag-eenjoy ito namang katabi ko parang gusto ng bumaba, tawa lang ako ng tawa habang pinagmamasdan ko yung mukha niya. Sayang nga at bawal magdala ng phone dito, edi sana kanina ko pa napicturan yung epic niyang mukha.

"What 'bout now Ziggy?! Who's the scaredy cat?! Hahaha! This is fun! Whooo!" Sigaw ko.

"Oh m- f*ck! Oh God! Oh no, I'm gonna throw up! Shit!" Bigla namang umandar paatras yung ride kaya mas lalo siyang napasigaw at sa ilang saglit ay tumigil na yung ride.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko sa kanya na tuwang-tuwa. Grabe, mas nakakatuwa pala kapag personal mo siyang nakikitang ganito. "I thought you're not scared?"

"I'm seriously gonna throw up." Aniya na akmang masusuka na nga kaya agad ko siyang inalalayan pababa at dumiretso sa restroom ng boys, wala akong paki kung nasa restroom man ako ng mga boys basta kailangan kong makita yung epic niyang mukha. Pagkalapit na pagkalapit niya pa lang sa inidoro ay agad na siyang nasuka kaya naman todo picture ako sa kanya.

"Stop taking pictures! Go get some tissue!" Agad naman akong kumuha ng wet tissue sa bag at ibinigay sa kanya habang vinivideohan ko siya na tuloy pa rin ang pagsuka.

Matapos niyang masuka ay dali-dali na rin kaming lumabas at habang naglalakad, isa-isa kong tinitignan yung mga pictures na nakuha ko kanina.

"Now Ziggy tell me, who's scaredy cat?" Natatawa kong sambit.

"Oo na! Takot na ako sa mga rides, are you satisfied?"

"Alam ko, kaya nga dito kita dinala eh."

"Huh? P-paano mo nalaman?"

"Sabi ni Tita."

"Y-yun lang ba yung sinabi niya?"

"Oo, bakit meron pa ba dapat?" Nakahinga siya ng maluwag matapos marinig yung sinabi ko, as if naman na hindi ko talaga alam yung tinatanong niya.

"W-wala."

"Tinatamad na ako dito, saan naman tayo pupunta?" Aniko.

*****

Habang nagdadrive si Ziggy hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko familiar tong lugar na to, pakiramdam ko napuntahan ko na siya dati. Tinatanong ko naman si Ziggy kung saan talaga kami pupunta pero hindi niya naman sinasabi. Maya-maya pa ay bumaba na si Ziggy kaya bumaba na rin ako.

"Halika, may pupuntahan tayo." Aniya. Kaya ako lumapit naman sa kanya at bigla niya akong inakbayan saka kami nagpatuloy sa paglalakad. "Hindi ka ba pamilyar sa lugar nato?"

"Actually kanina pa ako napapa-isip kung saan ba talaga to, pakiramdam ko nakapunta na ako dati dito."

"Bakit hindi pa ba?" Pagkasabi niya nun ay may naaninag akong batis sa hindi kalayuan.

"D...do you still remember this place?" Aniko ng makarating kami sa pang-pang ng ilog. Napansin ko na maraming barya na nakakalat ilog.

"Oo, simula ng umalis kayo naging parang bahay ko na rin to sa katunayan nga kapag depressed ako or I get stressed out, this place makes me feel better. I feel relieved whenever I go here. And you know what this place was also became my wishing well." Nakangiti nitong sambit sabay hagis ng barya sa ilog at ipinikit niya yung mata niya sign na nagwiwish na siya

"Gumagana ba yan?"

"Oo naman! Winish ko nga na bumalik ka tapos pagbalik mo magiging tayo, oh nagkatotoo diba?"

"That was just a coincidence dude!"

"Hindi! Try mo."

Wala naman akong magawa kundi ang i-try na lang since sabi niya gumagana naman daw. Hindi naman masamang subukan diba? Naghagis ako ng pera saka ko pinikit yung mga mata ko and after a few seconds idinilat ko na yung mata ko.

"Anong winish mo?" Nakangiti nitong tanong.

"Wala ka na dun!"

"Edi wag mong sabihin. Alam ko namang tungkol sakin yun eh."

"Kapal mo ah! Hindi kaya."

Kumuha siya ng maliit na bato saka niya hinagis sa ilog hanggang sa makarating ito sa kabilang pang-pang pagkatapos ay tumingin siya sakin with a 'douche bag' look.

"Kaya mo pa bang gawin yun?" Pagmamayabang niyang sambit sabay kuha ng isa pang maliit na bato.

Lumakad ako palapit sa kanya. "Be careful who you challenging." Sabi ko tapos kuha dun sa hawak niyang bato sabay hinagis sa ilog at umabot din ito sa kabilang pang-pang. "See? I bet you have been doing that ever since I left." Pang-aasar ko pa sa kanya.

"Tss... Tsamba lang naman yun eh." Umupo ako sa papag habang siya naman ay humiga sa papag ko. "Isip ka ng endearment natin para sa isa't-isa." Kunot-noo ko soyang tinignan.

"Kailangan pa ba nun? Nababaduyan ako eh, what if nicknames na lang."

"Mmm... Pwede."

"Okay! Simula ngayon tatawagin na kitang Zig at tatawagin mo naman akong Nin." Napatango siya.

"Nin and Zig looks comfortable with each other. I like it."

"Oo nga pala gawin ko kaya tong wallpaper." Sabay pakita sa kanya nung picture niya bago kami sumakay ng space shuttle.

"Yah! I-delete mo yan!"

"Sige bahala ka picture na lang ni Taehyung ilalagay kong wallpaper."

Napakamot siya sa ulo niya. "Oo na! Sige na! Yung picture ko na lang," Iritado niyang tugon. "Higit na mas gwapo naman ako sa Taehyung na yun no. Maggagabi na pala, ihahatid na kita pauwi."

Napahikab ako saka ako tumayo. Nang makapasok kami sa kotse niya dun ko na naramdaman ang pagka-antok kaya hindi ko na napigilang makatulog pero bago pa ako makatulog narinig kong nagsalita si Zig.

"You seems very tired. Thank you for making my day, I really have a lot of fun."

Pagkagising ko nasa tapat na kami ng bahay kaya naman agad akong napapunas sa mukha ko. Baka may panis na laway eh, nakakahiya.

"Zig, uwi na ako ah. Drive safely." Aniko saka ko binuksan yung pinto ng kotse pero bigla niya akong hinila sabay yakap.

"I love you, Nin."

"I...I love you too, Zig."

*****

Keep reading guys! Kapit lang.

Please don't forget to leave a Vote and Comment!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon