Chapter 18: Drunk

28K 1K 6
                                    

««««----------»»»»

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

««««----------»»»»

Janine's Point of View

"Here we go!" Excited na sigaw ni Kendra na kanina pa tigang na pumasok.

Bumaba kami matapos maipark ni Kuya ang sasakyan.

"Hoy ikaw Janine hindi ka iinom ng alak ah." Saway sakin ni Kuya pagkababa pa lang ng sasakyan.

"Ang Kj mo naman Christian. Hayaan mo na si Janine na uminom." Anggal ni Maddy.

"Eh sa ayaw ko."

"Eh sa gusto ko." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko. "Oooopss."

"Oh kita mo! Leave her, let her drink. I mean we only live once, don't worry I will take care of her ." Sabay tapik ni maddy sa likod ni Kuya.

Huminga ng malalim si Kuya. "Ok. Papayag akong uminom ka pero kapag nakaramdam ka ng ni katiting na hilo tumigil ka na." Napatango na lang ako.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa loob na hanggang dito rinig ko ang malakas hiyawan at malakas na tugtog. Pagpasok namin sa loob bumungad sakin ang napakaraming tao dito at halos lahat sila sumasayaw sa gitna ng dance floor.

Umupo na kami sa malapit na table dito. Hindi na namin kasama si kuya dahil hinila siya ng kaibigan niyang lalaki.

"Grabe ang ingay pala dito." Saad ko.

"Naman bar to eh!" Ani Marga.

"Guys oorder lang ako ng wine ah." Sambit ni Maddy saka siya umalis.

"C'mon guys let's dance! Have some fun!" Yaya ni Kendra. "Janine wanna join?"

"Susunod na lang ako."

"Sigurado ka, if you get bored just call us." Sabi naman ni Marga.

Nagpunta na sila sa dance floor at nagsayaw. Samantalang ako? Eto nakatunganga dito habang pinanunuod sila habang tuwang-tuwang sumasayaw sa gitna ng dance floor.

"Oh, where are they?" Tanong ni Maddy na may dala-dala ng wine.

Ngumuso ako sa direksyon nila Kendra. Umiling siya saka tumabi sakin.

"Hi Madison." Salubong na bati ni Lucy kasama sila Chloe at Scarlette.

"Have a seat guys."

Umupo naman sila sa tabi namin. At sumunod naman na dumating ay sila Grayson, Copper, Lukas at Josiah. Hanggang sa dumami na kami dito. Saka binuksan ni Maddy ang wine at nagsalin sa maliit at transparent na baso.

"I will drink the first shot." Sigaw ni Maddy sabay ubos ng wine. Matapos niya iyong maubos nagsalin ulit siya ng wine. "Janine ikaw na." Sabay abot niya sakin ng baso.

"Ako kaagad?"

"Oo paikot yan."

Kinuha ko na lang yung baso saka ko ininom ng mabilis. Sobrang alat, feeling ko gusto ko na kaagad isuka. Mabilis ring umikot ang baso habang nag-kekwentuhan.

"Mukhang walang maiuuwi si Copper ngayon ah. Hahaha." Sigaw ni Lukas. At nagtawanan sila.

"Lul! Ikaw nga mas matanda pa sa mama mo yung inuuwi mo eh." Ganti sa kanya ni Copper.

"Nag-aasaran pa kayo eh iisang babae lang naman ang inuuwi niyo." Asar pa sa kanila ni Lucy.

Nakakailang shot na rin ako, dahilan para mag-init ang tiyan ko. Pakiramdam ko rin nag eecho na yung boses nila saka nag so-slow mo na yung mundo ko.

"Tara sa dance floor!" Sigaw ni Grayson at saka sila nagtakbuhan papuntang dance floor. Dahilan para mas lakasan pa ng dj ang beat.

Sumunod ako kahit na hilo na ako at hindi ko rin mapigilang mapakapit sa ibang mga tao kapag na ou-out balance ako habang sumasayaw.

Pakiramdam ko nasusuka na ako. Parang kinukurot yung tiyan ko ang sakit. May lumapit saking lalaki hindi ko siya kilala pero feeling ko gusto niyang makipagsayaw sakin kaya mas naging energetic ako sa pagsasayaw. Nararamdaman ko ang unti-unti niyang paghawak sa bewang ko at hinaplos-haplos, hanggang umabot na ang makulit niyang kamay sa strap ng bra ko at pilit itong tinatanggal ng bigla na lang may sumapak sa mukha niya.

Natumba siya na at natigilan sa pagsasayaw ang mga tao pero ilang saglit lang nagsayawan na ulit sila. Napatingin ako kay Ziggy grabe ang lakas ng pagkakasapak niya talagang rinig na rinig ko yung impact ng pagkasuntok niya sa mukha ng lalaki na yan.

Nagkatinginan kami ng maramdaman ko na parang masusuka ako kaya napatakbo ako papuntang rest room. Pagkapasok ko ng rest room tumakbo kaagad ako papunta sa malapit na cubicle at saka ako tuluyang sumuka ng marami sa inidoro. Napahawak ako ulo ko at sa doorknob ng cubicle. Sobrang sakit ng ulo ko feeling ko hindi na ako makakalakad ng maayos.

*****

Ziggy's Point of View

Nang tumakbo si Janine papuntang rest room sinundan ko kaagad siya. Sabi na nga ba't hindi niya kaya eh, sinabihan ko ng wag nilang painumin ng marami eh.

Naghintay ako ng mga ilang minuto dito sa tapat ng rest room ng girls ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko siyang pasuray suray na naglakad palabas, hindi niya rin naiiwasang humawak sa mga pader dahil hilong-hilo na siya. Nang matutumba siya agad akong lumapit sa kanya at niyakap para hindi tuluyang bumagsak. Tinignan niya ako at ngumiti.

"Kuya uwi na tayo? Mamaya na umiinom pa kami eh." Lasing na talaga to.

Napatingin ako kila Madison at sa kuya niya. Napa-iling ako ng makitang lasing na rin at tumba na sila. Wala na akong nagawa at binuhat ko na lang siya palabas.

"Kuya ang galing mo ah! Nabuhat mo ako. Si superman ka ba?!" Nakangiti niyang sambit.

Hinimas-himas niya pa yung buhok ko. Grabe ang kulit pala nito malasing, but I felt like smirking. Nang makarating na kami sa sasakyan ko ibinaba ko muna siya, binalance ko ang pagtayo niya at inakbay ko siya sakin. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at binuksan ang pinto ng front seat saka ko siya pina-upo sa tabi ng driver seat saka ko siya sinuotan ng seatbelt. Buti na lang at hindi ako uminom.

Nag drive na ako papunta sa condo na tinutuluyan ko ngayon. Habang nagda-drive bigla niya akong niyakap.

"I love you kuya, ang sweet mo sakin ngayon." Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa at sinabi niya.

Hindi ko maialis ang pagkaka yakap niya sakin dahil nag dadrive ako.

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay payapang natutulog.

This girl....

*****

Hi guys! Hope you like it. If you did please don't forget to leave Vote and Comment. Labya!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon