JACEN'S POV:
"Ok Fine, just make sure na Di ka maiinlove sakin at lalayo kana sa buhay ko! at di kana mam-ba blackmailer everrrr.. and..lastly pwede mo ba akong tulungan para mapansin ni Justin?"
Bigla akong natahimik at napaisip.
andami niya namang kondisyon samantalang sakin isa lang, teyka, Justin?? wag niyang sabihing?
"Sinong Justin? wag mo sabihing yung bestfriend ko?!"
"Ah eh, oo eh, crush ko kasi siya!" napayuko pa siya.
Seriously? e mas gwapo ako dun ha? Hindi ko inaapi bestfriend ko, im just stating the obvious :)
Pero alam kung di naman nadadaan sa looks lahat!
kaya ....
"Ok!" sabay talikod ko. Ano bang magagawa ko? puso niya ang nakakaramdam non, at ako pa talaga ang magiging daan ha? Haiii.. ano ba tong pinagsasabi ko?
Ba't bigla akong nalungkot? Naaah!! imposibleng gusto ko na siya agad,
she's cute, kaya ko nga siya ginawang fake gf di ba?
Alam niyo kung bakit? May rason ako siyempre.
Flashback
*ring* *ring*
Cellphone ko tumutulog...
sino ba kasi tong epal na tumatawag?
2am na ng umaga ha?
Urgggg!
Elaiza Calling.....
Urrrggghh! ba't ba napakakulit ng babaeng to?
Answer.
"Hi Babe!"
"Elaiza!" don't get me wrong hindi kami, assuming lang talaga siya.
"Babalik na ako diyan a few weeks from now!"
masaya niyang sabi, inaantok talaga ako eh, ang saya niya ha? well not me.
"Hmmm"
"Aren't you excited? kasi ako excited na! At alam mo ba bhabe ang good news?
magtatransfer na ako sa pinapasukan mo! hahahaha! di ba exciting?"
"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAATTTTTT??" Napabalikwas agad ako ng bangon.
Para ngang nawala lahat ng antok ko, OK, that was schocking.
"Yieeeeh! excited ka na no? 1 week na lang naman eh! Ha? Babe? at sana classmate tayo"
"Hope not!"
"huh? ano yon Babe?"
"Wala. tulog na ako night!"
"I lo--- "
toot. toot.
This is trouble seriously,
She's Elaiza Montenegro.
Anak sya ng uncle ko, ohhh! not literally pala ng uncle ko, anak siya ng pangalawang asawa ng uncle ko,si Auntie Sandra, namatay na kasi si Auntie Felly, which is unang asawa ng Uncle Robert ko.
pero una palang naming pagkikita na love at first na daw siya sakin.
First year Highschool palang ako non. At fourth year na ko ngayon.
Dikit ng dikit nga sakin yang nong minsang may party sa bahay namin, napapansin ko narin naman una palang, kaya nga pinipilit kung lumayo, pero di ko talaga magawa dahil sumusunod parin siya. Kahit saan!
Ang snob ko pa nga daw. I'm not a Girl Hater k?
talagang ayaw ko lang dinidikitan ako masyado.
"I like you, Jacen" nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang sinabi yan, at sa harap pa mismo ng Kapatid kung babae. Tsk.
"Uy! Elai, ano ba pinag sasabi mo, magpinsan kayo niyan!" defend ng kapatid ko.Thanx for defending sis! sana matauhan. -_____-
"Hindi kaya, hindi naman ako Anak ni Tito Robert kaya di kami magpinsan, and i really like him, do you feel the same way Jacen?"
Tiningnan ko naman siya, at mukha talaga siyang seryoso sa sinasabi niya.
"Sorry Elaiza, but i don't feel the same way!" tumayo na ako non at pumasok ng bahay, napatawa pa nga ng malakas yung kapatid ko,im sure napahiya si Elaiza sa sinabi ko , pero wala akong choice kundi gawin yon. Keysa naman sa mag mukha lang siyang kawawa sa huli di ba? Better stop it now .
Papasok na sana ako ng room ng biglang may tumawag sa pangalan ko,
And i know it was her.
"I like you Jacen, ano ba?" napalingon nga ako sa kanya.
"Nahihibang kana Elaiza, or should i call you Cauz?"
"Stop that!" naiiyak na siya.I can sense it!
"Di mo ba napapansin na seryoso ako? gusto talaga kita!"
"I said it already, i don't feel the same way, Sorry!" tumalikod na ako non at bubuksan ko na sana ang pinto when she automatically drag me paharap, and the next thing i know our lips meet.
She kiss me torridly, while ako di parin makagalaw. after 5 seconds ng pagkatulala natauhan din ako sa ginagawa niya, i push her hard, at natumba siya sa sahig.
"Now tell me, pinsan parin ba ang tingin mo sakin kahit ginawa ko na yon?
First kiss ko yon!" Damn! what did she just do?
Di ko siya sinagot, sa halip pabagsak kong sinarado ng pinto. Shit! Pinsan ko siya, at di ako tumatalo ng pinsan. Kailangan ko na talagang itigil ang kahibangan niyang to, or else ...
End of Flashback
Gets niyo na kung bakit kailangan ko talaga ng girlfriend? kasi nga desperado na ako, well not desperado na mag ka love life dahil alam ko gwapo naman ako at makakahanap ako non,
desperadong lang talaga akong makahanap ang well fake girlfriend,for at least a month?
well not the commitment thingy? kasi pag nag girlfriend ako ngayon baka matagalan pa dahil you know, liligawan ko pa? susuyuin? few days nalang andito na si Elaiza. kaya taran! naisip ko ang oh so bright idea na well, sinadgest na kapatid ko, and here i go, Si Alexandria ang nahanap ko.
Di ko nga maisip ba't siya pa yung pinakiusapan ko,sa dami ba naman ng pwede.
Ok, di kami personality mag kakilala, minsan ko nga lang siya makita sa Campus,
di din siya sikat gaya ng iba, di rin siya ganon kaganda, mukha nga siyang dalagang Pilipina?
well i guess, not until makita ko yung litrato. hahaha!
nag oonline lang kasi ako non! ng bigla kung makita ang pangalan niya sa friendlist
ko,at tadann! naalala ko nga bigla siya sa picture na pinakita sa akin ni Erwan,
pinsan ko, ang cute daw nung isa nilang model sa photoshoot habang todo kung maka pag pose,
photographer kasi siya, hindi ko na pinansin nong una, pero ng makilala ko at mapagmasdan mabuti ang picture. HAHAHHAHA! si Alexandria.
And there you go the blackmail thingey. senet ko na agad sa Engaged thingey ang relationship namin
o di ba? hanep?. Haahha! im sure mabibigla siya.
Then tadann!
e memessage ko siya.
At nang mag online siya, chinatt ko na siya. di na ako nagpaligoy-ligoy pa no,
ayaw pa nga pumayag nong una, pero hello? pagkakalat ko ba naman picture niya? Im sure mag te-trending yun. HAHA!
Ang sama ba nang ginawa ko? Not literally i guess. Well the thing lang is Kailangan niyang mag act as my real girlfriend. Para lubayan na ako ng tuluyan ni Elaiza. well i pray na matutulungan niya talaga ako. :(
BINABASA MO ANG
Engaged with Mr. Perfect ~_~
RomansaI'm Alexandria Gomez. Simple. Di ganon katalino. Di rin ganon ka ganda. Biglang ma engaged kay Jacen Rosales, ang Campus Mr. Perfect. Pangarap kung mapansin ni Justin Kyu,Ang lalakeng matagal ko nang crush, pero pano na? Kung naka Engaged na ako sa...