♡ 1 ♡

497 46 87
                                    

This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

ALL RIGHTS RESERVED.

***Credits to the owners of the photos and gifs I used to represent my characters and story line. Thank you, Google, for linking me with the perfect ones. :)

To everyone who was able to read my two other fiction works, True Love Always and Blake and Lily (True Love Always), I just want you to know that this story is far beyond the lightness and humor of the above-mentioned. This one's more serious. Or so I thought. *grins*

#967 in Romance as of November 19, 2016

#TheBestOfMe

#MoiraAndExel

- - - - - - - - - -

Maagang natapos ang trabaho ni Moira sa canteen kung saan siya pumapasok bilang isang cashier. Nasa harap ng isang high school ang kainan kaya mostly ay mga estudyante ang kanilang mga customer. Pumapasok siya ng alas otso ng umaga at natatapos ang trabaho niya ng alas singko ng hapon. Isang taon na rin siya roon.

Lumaki siya sa piling ng kanyang mga magulang. Hindi naman marangya ang namulatan niyang buhay pero hindi rin naman mahirap ang kanyang kinagisnan. May trabaho noon ang tatay niya sa isang malaking mall bilang security guard. Ang nanay naman niya ay isang plain housewife.

Dose siya noon nang ipagbuntis ng nanay niya ang pangalawa nitong anak. Nang maisilang ang kanyang kapatid, biglang nag-iba ang trato ng mga magulang niya sa kanya. Mas pinagtuunan ng mga ito si Marlo. Inisip na lang niya na masyadong malayo ang agwat nilang magkapatid kaya sabik na sabik ang mga itong magkaroon ng panibagong baby.

Noong sabihan siya ng mga magulang niyang ihinto na lamang ang kanyang pag-aaral, wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa mga ito. Masyado na raw kasing malaki ang mga gastusin lalo pa't baby noon ang kapatid niya. Simula noon, ipinasok siya ng tatay niya bilang katulong sa kakilala nito. Hindi na naman siya nagreklamo. Kahit palagian siyang napapagalitan ng kanyang naging amo, tiniis niya ang lahat para sa mga magulang at kapatid.

Hindi na siya noon umuuwi sa kanila kaya nagulat na lamang siya nang sunduin siya ng tatay niya sa kanyang trabaho isang umaga. Gumuho ang kanyang mundo nang malaman ang dahilan kung bakit siya iniuwi ng kanyang ama.

Limang taon noon ang kapatid niya at siya naman ay labing-pito nang bigla na lang magdesisyon ang mga magulang nilang maghiwalay. Hindi matigil ang kanyang pag-iyak lalo na noong sabihin ng mga itong may mga bubuuing pamilya na ang bawat isa. Ang kanyang kapatid na si Marlo ay kukunin ng kanyang ina samantalang ang bahay nila ang magiging bahay ng bagong pamilya ng tatay niya.

"Sandali lang naman, 'tay. Kailan pa may ganito sa inyo ni nanay? Bakit naman agad-agad?" Hinawakan niya ang kanyang ama ngunit lumayo lang ito.

"Pasensiya ka na, anak." Hindi nakatingin ang kanyang ama sa kanya ngunit batid niyang nahihirapan ito.

Lumapit naman siya sa kanyang inang umiiyak din habang karga-karga nito ang mga gamit at ng kanyang kapatid.

"Bago kami umalis ng kapatid mo, kukunin ka ng Tiya Lourdes mo. Doon ka na muna sa kanya." Hindi rin makatingin nang diretso ang kanyang nanay sa kanya.

Mas lalo naman siyang humagulgol. "Ipamimigay niyo a-ako?" Hirap na hirap na siya at parang babagsak na rin ang kanyang katawan. Nanghihina na siya.

The Best Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon