♡ 11 ♡

94 13 16
                                    

Hindi mapakali si Exel sa loob ng kanyang tinutuluyan. Kanina pa niya hinihintay ang nobyang si Moira ngunit hindi pa ito dumarating. Naka-birthday leave silang dalawa sa mga trabaho para mag-celebrate. Maliban sa kanilang mga kaarawan ay nais na rin niyang i-celebrate din nila ang kanilang unang buwan bilang magkasintahan.

Napaka-espesyal ng dalaga sa kanya. Simula nang makilala niya ito ay marami ang nagbago sa buhay niya. Tila nagkaroon siya ng panibagong lakas at pag-asa upang mamuhay na wala sa poder ng kanyang pamilya at mapatunayang kaya rin niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa.

Hindi man niya lubos maisip kung paanong naangkin ng dalaga ang kanyang puso ngunit sapat na sa kanya ang tinatamasa niya ngayon kasama ito. Nahihirapan pa rin siya sa desisyong ginawa dahil hindi siya sanay na nagtatrabaho ngunit si Moira ang kanyang inspirasyon. Labis-labis na saya ang dulot ng nobya sa kanya.

Ngunit isa pa ring misteryo sa kanya kung bakit pakiramdam niya ay nagkakilala na sila ng dalaga noon pa. Pero dahil wala namang maisagot ang dalaga kapag tinatanong niya ito, itinigil na lamang din niya ang pag-iisip.

Inulit pa niyang i-dial ang numero ng kasintahan ngunit hindi pa rin sinasagot ng dalaga ang cell phone nito. Nag-send na rin siya ng sandamakmak na text pero wala itong kahit isang reply.

"Moira, what happened to you?" bulong niya sa sarili. Hindi na niya mapigilan ang nerbiyos at takot para sa nobya.

Agad siyang napalingon nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis niyang dinaluhan si Moira nang makita itong may bitbit sa dalawang kamay.

"Moira Pilar, alam mo bang malapit na akong tumawag ng pulis at ambulansiya para hanapin ka?!" eksaherado niyang wika sa dalaga. Hinalikan na niya muna ito sa labi bago kinuha ang mga eco-bag na dala nito.

"Ayan na naman 'yong overacting mo. Parang fifteen minutes lang akong na-late sa usapan," nangingiting sagot nito sa kanya.

"Pati tawag at text ko, ini-ignore mo. You almost killed me, young woman!"

"Eh 'di mas nauna ka nang dinaluhan ng ambulansiya at pulis niyan."

Napatawa na lang siya sa inasal ng nobya. "Silly." Saka niya ibinaba ang mga dala sa lamesa.

Agad namang inayos ni Moira ang mga pinamili. Lumapit ulit siya rito para halikan ang kasintahan. She responded willingly. He likes kissing her.

Nang matapos ang halik, he asks, "What took you so long? Saka ano 'tong mga 'to?" Naupo na lamang din siya sa harap ng dalaga habang pinapanood ito sa ginagawang pag-aayos sa ingredients ng pansit, karne, fruit cocktails at kung ano-ano pa.

"Birthday natin, 'di ba? Malamang magluluto ako ng mga handa natin," malumanay namang sagot nito.

"Ba't ang dami?"

"Inimbita ko sina Angge at Carlo. Sinabi ko na lang kay Angge itong address mo. Tapos pati na rin 'yong mga kasama ko sa tapsilogan."

"Oh. That's great news. So pupunta rin si Carmonita?"

Hindi naman agad nakasagot ang nobya sa tanong niya. Nakita niyang kumibot ang mga labi nito.

"I'll just call her." Dadamputin na sana niya ang cell phone sa ibabaw ng mesa ngunit inunahan siya ni Moira. Nabigla naman siya sa inasal nito.

"Hindi mo na siya kailangang tawagan dahil pupunta siya. Sinabi niya sa akin kahapon." Malamig at may bahid ng kung ano ang boses nito nang sabihin iyon.

Pinanood lang niya ito nang itabi nito ang kanyang cell phone sa ibabaw ng ref. Inobserbahan niya ang galaw ng dalaga.

Nakasimangot ito. May puwersa rin ang bawat kilos nito na parang nagdadabog. Napapansin na niyang kakaiba ang ikinikilos nito kapag magkalapit sila ni Carmonita o kung may pagkakataong si Carmonita ang paksa ng kanilang usapan. Nag-iiba ang mood nito. Nawawala ang sweetness nito gaya ngayong walang bahid ng ngiti at tila nilamukos na papel ang mukha nito. Panahon na nga siguro upang komprontahin ang nobya.

The Best Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon