♡ 12 ♡

166 14 6
                                    

Lumipas ang tatlong buwan at nanatiling maganda ang relasyon nina Moira at Exel. Isa pa ring crew sa tapsilogan si Moira samantalang nakahanap ng mas magandang trabaho si Exel. Naipasok siya ng kapatid na si Carmonita sa isang mall bilang isang bagger.

Nakarating sa pamilya ang kanyang kalagayan ngunit tila wala ng pakialam pa ang mga ito sa kanya lalo na ang kanyang ama. Naikasal na kasi ang kanyang Ate Elle sa isang mayamang angkan kaya solved na ang problema ng kanilang kompanyang mayroong malaking utang sa bangko. Masayang-masaya na nga ang mga magulang niya at dahil iyon sa kanyang nakatatandang kapatid na sapilitang ipinakasal sa isang lalaking hindi nito mahal.

Siya dapat ang sumalba sa kompanya nila ngunit lakas-loob niyang sinuway ang mga magulang para hindi maikasal sa isang taong hindi niya gusto. Kaya kung gaano siya noon kinasusuklaman ng ama dahil sa pagiging pasaway niya, mas lumala ang pagkasuklam nito sa kanya dahil sa pagtanggi niyang maikasal at sa paglalayas niya.

Kausap ngayon ni Exel ang kanyang Ate Elle sa isang coffee shop hindi kalayuan sa kanyang tinutuluyan. Buti na lang at opening ang duty niya kaya naka-oo siya sa imbitasyon ng kapatid. Dumiretso siya agad dito pagkatapos ng trabaho sa mall.

"Matagal ka na, ate?" Humalik si Exel sa nakatatandang kapatid saka umupo sa harap nito. Nakapuwesto sila sa may bandang dulo ng coffee shop.

"Tama lang. Ano'ng gusto mo?" sagot nito saka ibinigay ang menu sa kanya.

Itinabi naman niya ito. "Mamaya na. Pagdating ni Moira."

Nakuwento na niya sa kapatid noon si Moira. Noon pa sana niya gustong ipakilala ang nobya sa kapatid pero naging abala na kasi ito sa paghahanda sa kasal nito noong isang buwan. Kaya ngayon ay perfect time na para ipakilala niya ang nobya sa kapatid. Tinext na niya si Moira kanina. Sinabi niya rito ang pangalan ng coffee shop at kung sino ang kasama niya.

"So, makikilala ko na rin ang girlfriend na ipinagmamayabang mo," natatawang wika ng kanyang ate sa kanya.

Napatawa na lang din siya. "Sorry nga pala kung hindi ako nakadalo sa kasal mo last month."

Bumuntung-hininga naman ang kapatid. "I knew you were not coming. Expected ko na 'yon."

"How are you? Is he treating you right?"

Dahil constant naman ang communication nila ng kapatid simula noong maglayas siya sa kanila, nalaman din niya rito na pagkatapos ng kasal ay tumira na ito sa isang condo unit kasama ang kabiyak.

"Okay naman. We were both forced by our parents so hindi na ako surprised sa cold treatment ni Keegan. Para lang kaming dormmates. We sleep in separate bedrooms. Ni hindi kami nagsasabay sa pagkain. Pinahahatid na lang din niya ako sa driver when I go to work. Gano'n din kapag uuwi na, pinapasundo na lang ako."

"I'm sorry you have to experience this, ate," sinsero niyang pahayag sa kapatid. "You don't deserve this. You've always been the good daughter. Hindi nila dapat ginawa 'to sa'yo."

Umiling naman ang kapatid niya at ginagap ang kanyang kamay. "Exel, mas magandang ganito ang nangyari. I'd rather be here than see you as the same person as you were back then. Seeing you act and behave like a responsible man is something."

"But you don't deserve this either!" Hindi na niya napigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

Mas humigpit naman ang hawak sa kanya ng kapatid. "Kaya ko 'to, Exel. At ikaw, just continue with what you started. You're doing great, actually. Hayaan mo na muna sina Mom and Dad. Continue proving them wrong na hindi mo kayang panindigan lahat 'to. Na tama ang ginawa mo."

"Shit. If only I graduated in college, sana mas maganda ang mga trabahong nakukuha ko." Binawi niya ang mga kamay sa kapatid saka pinunas ang mga luha.

The Best Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon