Chapter Seven

26 1 0
                                    

Luna

"Ate Luna!!! Are they here?" Asked Liam.

Lagot kang ate ka! Imbes na mga kaibigan ko ang maabutan niya ay mga lalaki ang nandito.
Take note...MGA POGING LALAKE! Wahhhh!!!
Bakit kase may mga ganitong uri ng nilalang??
Masyadong maganda ang genes nila.

"Hoy Luna! Tinatanong ka ni Liam." Sabi ni Kashica sabay kurot sa tagiliran ko. Meseket keye yen!

"Aba! Sabihin mo andyan kana! May bibig ka diba? Kasalanan mo ito eh. Sabi konti lang dalhin mo. Bakit hinakot mo yata yung mga tambay sa bar? Grrr!" sagot ko sa kanya


"Nye! Sabi mo kahit ilan atsaka kahit sino...And isa pa, the more the merriest!" Sabat niya.


"Sira! Anong the more the merriest? Baka the merrier ying ibig mong sabihin. Tungak!" Sabi naman ni Althea sabay batok sa kanya. Buti nga!


"Ihhh basta! Akyat muna kami ni Althea huh? Bahala kana diyan Luna. Inom time na!!! Hahahah! "


"Hanlahuy! Oyy, balik dito Kash! Anong gagawin---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang hinila ni Kash si Althea papunta sa kwarto ni Liam. Narinig ko pa ngang umangal si Althea eh.



Hala! Nakakahiya to. Buti nalang wala si Mom sa bahay, kundi patay ako neto!
Ang awkward tuloy. Para kaseng nakakapanliit ang kapogian ng mga lalaking kasama ko. Bale, lahat sila ay 15 na nagpopogian na mga nilalang.
Gosh! Paano ba ako makikipagkilala sa mga to? Ako pa yung nahiya, eh pamamahay ko naman to.

'Tanga lang Luna?Bakit dika mahihiya,eh mukhang mga galing sa Olympus ang mga to at anak ng mg dyos dun. Duh!'


'Teka,bakit nga ba ako kinakabahan?'


"Hi po! Ako si Ace Yuzon ... Ikaw si Luna diba? Pwede makuha number mo?"


Hala! Ayan kase...Nag tagal ko magsalita. Baka nainip? Nakakahiya nato!


"Ahh, oo. Ako si Luna Gabrille Fabros...Ang dami nyo naman. Oh, baka may kulang pa ha?" Tanong ko. Heheh!




"Actually, meron pa nga." Sabi uli nung Ace ba yun?



At ano raw? Meron pa? Loko talaga tong Kashica na to! Grrrr! Ang hilig kase manlalaki eh! Baka mamaya masasamang tao sila. Huwaaaaa!!!





"Ah ganun? Eh, ilan pa ba? Para makapag-handa nako ng makakain natin." Tanong ko uli.





"Si Boss Nico nalang Ate Luna."






Nico?





Nico Mendoza...b-baka yung nagligtas kay Steff.
Or not? Eh kase marami namanag Nico sa Pilipinas. Tama diba?






"Ah. Ganun? Sige. May gagawin lang ako. Diyan muna kayo ha?" Sabi ko




Napakamot sa ulo si Ace.
Ang cute niya (=^・^=)...






"Ayaw mo ba silang makilala? Parang feeling ko tuloy ang boring namin kasama." Sabi ni Ace.



"Hindi naman sa ganun, hehehe!"




"Pwede na kaming magpakilala? Ang tagal kasi ni Kash eh. Mukhang busy sa kapatid mo."





sabagay...Mukha naman silang mapagkakatiwalaan. atsaka, di naman magdadala ng kriminal si Kash dito diba?
Teka! kanina pa ako isip ng isip ng ganun.


Haaays!!!




Oo na! ako na masama.




"Ah, sige na nga. Pero diko matatandaan ang lahat ng mga pangalan nyo huh? Mahina ako sa memorizing eh."






at ayun na nga. nagpakilala na sila isa-isa.
Yung una si Ace Yuzon- siya yung madaldal type. At siya palang ang naka-usap ko ng maayos mula pa kanina.
Si Mark Lee- mahiyain daw siya. Sabi niya eh. pero cute siya.
Aljon Dungo- mukhang mayabang. Pero sabi nya di naman daw. Gwapo rin siya.
Almer Ho- half chinese.. mayaman..matalino...kalog
Art Miguel- ewan ko. tahimik siya. pa-mysterious lang daw sabi nila ace.


   Marami pa sila. nakakatamad magdescribe isa-isa.

Alvin Espino
Kurt Jocson
Syvelles Kang
Arthur Lawrence
Lucas Santos
Sergie Almeria
Lanz Cosme
Charles Adriano
Hogan Quiambao
Drence Arturo
 


at yung isa naman na hindi pa dumadating.
Grabe! parang listahan ng mga poging nawawala dahil kinidnap ng mga bading sa kanto. hahahahaha!!!






ding...dong....
ding...dong...





"Baka si Boss." sabi ni Art. Uy, wag kayo! close na kami nung iba. Maliban sa mga tahimik na parang once in a red moon lang magsalita.





Asan na ba kase sila Kash at Althea? Naku! baka natulog na at hinayaan sakin itong mga ito. Akala ko ba magiinuman kami? Haays! mga ulyanin talaga sila.





"Guys, pwedeng kayo nalang ang magbukas ng gate? Pupuntahan ko lang sila Kash sa taas. Ang tagal nila eh." sabi ko





"Geh lang. Iinom na tayo nyan diba? uhaw nako eh." sabi naman ni Aljon





Sira! Ginawa ba namang tubig ang beer?
Umakyat nako sa kwarto ni Liam para i-check sila.





"Hahahahaha!!! Look Liam, Dora is so cool!"


"Right ate Althea! I want to be like her."



"No Liam, you should be like Diego! Coz Dora is a girl and Diego is a boy so you must be Diego.Hahahaha!!"





Sila na masaya! At ano daw? Nanunuod ata sila ng dora the explorer? haay nako! kaya nasasanay mag-english si Liam eh. Puro english movies ang pinapanood. Plus english pa sya kausapin nila Kash at Alt.





Bago pa sila mawalan ng hininga kakatawa ay kumatok nako.




tok...
tok...
tok...



"buksan mo Kash, dali!"

"Ihhhh! ikaw nalang...kakatamad kaya."



Aish! mga tamad talaga. Tinamaan nanaman sila ng katamaran kaya ako na mismo ang pumasok.
Yung mga boys siguro sa baba pinapasok na ung boss nila.



"Oh...Hi Luna! Hope you're doing good with the boys? Mas masaya pa kasama si liam dito Luna.
Bahala kana dun sa baba huh?" sagot ni Althea




"Sira ka ba? Iinom tayo o hindi? Kung hindi makaka-alis na kayo.Dun kayo sa bar magtambay." sabi ko



"Joke lang beh! eto na oh...Baby Liam, Sleep okay?" utos ni Kash sa kaniya. yung kapatid ko naman uto-uto.




madaya! kapag ako nagsasabi na matulog na siya ayaw nya. Pag sila gusto. Yung totoo?






"UYY BOSS!!! AKALA KO NALIGAW KANA HAHAH!"





Itutuloy....

^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^
[08][30][2016]
   dear readers,

ako ang magandang otor! walang kokontra! weheheheheh!!! mahaba ba yung chapter? Sagot!!! Paluin ko pwet nyo e. hahahah! joke lang.
Seryoso na, maganda ba ang u.d. ni author? ps answer.
         ( ̄∇ ̄)

My Fraternity Life(on-hold)Where stories live. Discover now