-2- Sighs. Sadness. See you.

13 0 0
                                    

Hawak ko na ang diploma ko. Ang proof na uy. Graduate na ko! Yes! Achievement!

Pero wala, pagbuklat ko, ayan na. Ang dalawang line of seven sa card ko. Then tears fell down. Lechugas! Nakisabay pa yung ulan tapos ano to? Kinakanta na yung graduation song namin?! Ah shet! Sabay-sabay! Shit!

Unang-unang pumasok sa isip ko…

Kaya pala wala ako sa honors… kasi gawa nito.

Ilang minuto at ayun, tanggap ko na. May magagawa pa ba ko? E andyan na yan. Tanggapin na lang ng open arms. Ang problema na lang, tatanggapin ba yan ng nanay at tatay ko? Ang sagot. Abangan. Hahaha.

Pinipilit kong ngumiti.

Ayaw.

Try ulit.

1…2…3… Smile.

Fail.

Pakiramdam ko ngayon? Isa akong malaking disappointment. Malaki ang expectations ng pamilya ko sa kin kasi malamang, panganay tapos nag-iisang babaeng anak tapos never pa ko nagkaganyan, pesteng 79 at 78 yan! Saka pa talaga lumabas kung kelan 4th grading na ng 4th year ko e. Shitness talaga. Pero buti na lang at ngayon lang yan lumabas, at least nakatapos ako sa isang prominenteng paaralan bilang isang magiting na scholar. Sa lagay kong ‘to, nakakapagbiro pa ako.

Tanggap ko na. Kailangan na lang nilang tanggapin. Woo! Good luck.

Lahat sila masaya. Lecheness! Ako lang yata ang miserable. Buti pa sila, nakangiti. Ako? Ngiti. Pekeng nigiti. Pati sarili ko pinaplastic ko na.

Tapos na ang graduation. At isinauli ko na din ang toga ko. Nagpapaalam na sa isat isa. Lalo na sakin kasi medyo… hindi na nila ako makikita. Picture picture. Yan tama yan. Ngumiti ka lang. Mamaya ka na hummagulgol at mamroblema sa lechugas na line of seven na yan!

“LARA!!!” Sigaw nilang lahat na nakayakap sakin. “Mamimiss ka namin. Uwi ka naman ditto minsan a?”

“Oo.” Sa sobrang lungkot. Parang gusto ko na lang muna manahimik at umuwi.

“Wag mo na alalahanin yun ano k aba? Hindi naman masama ang magkaganun.” Oo nga. Hindi nga masama. Pero kung may pamilya kang kasing taas ng Statue of Liberty  ang expectation sayo, masisiguro kong masama yun. Malas ko na lang kasi sakin napatapat yung ganung tadhana.

12:01 am.

Nasa kwarto ako nagmumukmok. Nadedepress dahil sa grade ko. Naaalala ko ng paulit-ulit yung sinabi sakin dati ni Papa.

“Pag nagkaline of seven ka, ayusin mo na ang dropping papers mo.”

Okay. Mukha namang tanggap nila. Aish! Lara sige, punuin mo pa ng sarcasm yang utak mo! Sige. Para bukas wala nang makikitang Lara sa Grad Party ni Joy.

E… wait. Parang may nakalimutan ako? Parang supposedly ay may dadating sa graduation ko?

Ay ano ba yan!?

Umiiyak na naman ako. Dahil wala sya. Hindi sya tumupad. Wala sya. Walang dumating na Ren.

Hindi ko naisip na hindi nga sya dumating dahil masyado akong nalulungkot dahil sa grade na yun at makalimutan kong meron pa palang isa pang dahilan para malungkot. Ano ba naman yan?! Ano ba?! Friday the 13th ba ngayon para sakin? March 27 pa lang naman ah. Ano ba naman!!! Qoutang quota na ang kamalasan ko a! Ano may dadagdag pa ba?! Mamamatay na ba ko? Ngayon na mismo?

Napapagod na ako. Pagod na umiyak. Pagod na ako mag-isip. Pagod na akong maging malungkot. Kailan? Kailan ako ulit magiging masaya? Ayoko na.

Alas-nueve na ng umaga at mamayang 11 ay pupunta ako sa grad party. May lakas pa ba ko para magsaya? Para maki-party? Diba ang party para magsaya? E pano yun napakalungkot ko? May karapatan ba kong pumunta sa isang lugar kung saan dapat ay nagsasaya ang mga tao? Tatanggapin kaya ako dun?

“Aalis na ko.” Napag-isip-isip ko kasing, well, hindi lang naman isang emosyon meron ako diba? Pwede din ako sumaya tapos saka na lang ulit ako malulungkot. Hay.

Ginawa ko ang normal na ginagawa sa isang party. Kumain. Makipagkwentuhan pero ang ngumiti, tumawa o maging totoong masaya, hindi. Ang hirap. Lalo pa nung naabutan kong nandun yung pinsan ni Ren.

“Lara o. Pinapabigay nga pala nya.”

                                                                                                ***

Ilang lingo muna akong nagstay pa dito sa Manila bago ako umuwi samin. Natatakot na ako. Naduduwag ako sa magiging reaksyon nila Mama. Natatakot sa kung ano ang sasabihin nila sakin. Kung tatanggapin pa ba nila ako? Pag-aaralin pa ba ako o ano.

Sa mga araw na yun, si Ella lang ang nakakasama ko, bestfriend ko sya. Malapit lang yung bahay nila samin. Minsan napunta sya samin minsan ako naman ang napunta sa kanila. Alam na nya lahat ng kamalasan ko nung mismong graduation. Di nga kami nagkasama nung gabing yun dahil  sobrang emotionally impaired nga ako nung mga panahong yun. At ngayon,  we are in search of a missing link namely, Ren delos Reyes.

Hanggang ngayon, wala pa ding balita sa kanya. Wala ni anino nya ang nakikita ko at ilang oras na lang bago ako umalis na ng tuluyan. Hindi na ko ulit makakabalik dito. Nasaan sya? Ang daya-daya nya. Hindi na nga sya tumupad sa pangako nya na dadating sya sa graduation ko, hindi nya pa inabot sakin ng personal yung regalo nya, hindi pa sya nagpaparamdam. Ano ba naman yan?

Beep.

Ella [Wala pa din. Uy ingat ka ha? Text ka lang saki lagi. Mamimiss kita bespren! ?]

Mamimiss ko din kayong lahat. Ikaw, lalo ka na Ella. Sayo lang kaya ako lagi tumatakbo.

At mula sa unang hakbang ko paakyat sa bus, isa lang ang nasa isip ko nasaan sya?

Life is as it was.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon