Isang panibagong araw na naman sa univesity na yun. Pwede bang magdrop? Agad. Agad-agad na talaga! As in ASAP! Kahit ilang linggo pa lang akong college, ayoko talaga dun. Nakakatamad. Half awakened na namang tinahak ko ang matraffic na daan papunta dun sa university. Heh! University? Sabe???
Okay. To make things clear... hindi naman ako tamad. De sige, pwede na din. Bitter lang ako sa university na napasukan ko. At sa lahat ng bagay sa buhay na meron ako.
Ganito kase ha... Pasado ako, at actually, enrolled ako sa aking DREAM UNIVERSITY. Ang dahilan kung bakit ko piniling ditto na ulit manirahan. Simula pa lang nung nadede pa ako sa nanay ko, gusto ko dun na talaga ako magco-college. Buwis-buhay kong tinake ang patay-patayang entrance exam dun at pinalad naman na makapasa.
Pero, sadyang may mga taong laging kumokontra sa mga bagay na gusto ko para sa sarili ko... katulad na lang ni Mama. Nung araw ng enrollment, alas-kwatro ng madaling araw pa lang, nasa byahe na ko papunta dun at sobra ang excitment ko na i-enroll ang sarili ko. Pero, hindi ko alam kung anong nahithit ng nanay ko at bigla na alng pi-null out lahat ng papeles ko at... INI-ENROLL AKO SA UNIVERSITY NA 'TO!
Pinili kong dito tumira at magstay dahil nga sa aking Dream University. Ano? Iniwan ko lahat ng meron ako dun para ano? Pumasok sa bulok na university na to?! Nagsakripisyo ako tapos wala. Wala din naman palang mangyayari. Wala na kong choice kundi maging puppet. At tiisin ang buhay na meron ako nagyon dito sa San Juan, na mag-isa.
Walang kaibigan.
Wala sya.
Malungkot.
Miserable.
Parusa na din siguro nila sa akin kasi isa akong malaking disappointment. LESHENG PAMUMUHAY TO O!
Sa bawat araw na paggising ko para magready na pumasok doon, parang ayoko. Hindi parang, ayoko talaga. Nawalan na ako talaga ng gana sa buhay simula nung may isang taong nangako sakin pero syempre, sad to say, hindi naman natupad. Okay fine. Promises are meant to be broken nga diba? Pero, ang sakit kaya nun! Sabi nya sakin aattend daw sya ng graduation ko pero hindi naman. May regalo nga, di naman nya direkta na binigay. Napapabuntung-hininga na lang ako kada maiisip ko yun. At tinatamad.
Oo hanggang ngayon, umaasa pa din na isang araw, may magtetext na lang sakin na ‘Im sorry. Ren to.’ O kaya naman pagbukas ko ng facebook ko, may message na sya dun. Pero wala eh. Anong magagawa ko kundi mag-intay diba? Mag-intay na lang nang mag-intay. Ng hindi ko alam kung may iintayin pa ba ako.
Lahat ata ng bagay kinatamaran ko nang gawin simula nga ng lahat ng trahedyang nangyari sakin doon na lalong lumala nung nandito na ako. Kumain, nakakatamad. Pati nga paghinga, kinatatamaran ko na din paminsan-minsan. Lalo na pag pinapagalitan ako at paulit-ulit na ipinapaalala sakin na sobra silang disappointed sa akin.
Sa araw na 'to, isa lang subject ko, math. E syempre, tulad ng napakaraming estudyante, ALLERGIC AKO SA MATH. Nakakapantal. Kaya nga hindi ako nag-accounting kahit na ipinagpipilitan nilang lahat na kunin ko yung course na yun. Na isa na namin dahilan kung bakit sila namumuhi sa akin. Ang tigas-tigas daw ng ulo ko. Okay fine! Sa dinami-dami ng beses sa sinasabi nila yun sa akin, wala na-immune na ako. At pinandigan na lang lahat ng mga paratang nila sakin. In short… nagrebelde ako.
"Uy. Nakaheadset ka na naman. Eto o, thank you!”
"Ah sige." Wala ako sa mood makipag-usap sa kahit sino gaya ng lagi kong mood.
"Uy. Si Sir, andyan na."
"...Santos" Ay! Ako pala yun!
"Present!"
"Anong present?! Go to the board... and solve this expression."
Agang-aga. Boardwork kagad!?
x=1; y=3 Potek! Ang hiraaaap...
Lumipas ang ilang linggo. Natapos ang unang exam at maayos naman ang kinalagyan ko. Kamusta ako? Medyo tao na ulit at nakikisalamuha na ulit sa mga tao. Kamusta ako?
Patuloy na ginagawa ang araw-araw kong ginagawa, ang magpanggap at mag-intay.