Life is as it was.

19 0 0
                                    

Akala ko happy ending... Bwiset na Disney kasi yan! Pinaniwala akong may happy ending pero ang totoo, wala naman talaga! Nyeta.

Hindi ko akalain na pwedeng mangyari sa'kin yung mga naranasan ko. Mga sitwasyon na tinatanong at nababasa ko lang. Meron pala talaga nun. Akala ko joke lang lahat. Hay!

Ako si Lara... At tingin ko, designed ako para masaktan at maging forever luhaan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-1-

*Goodbyes aren’t good at all*

“Last day na no?” Sabi nya habang malayo ang tingin.

“Sakin. Sa’yo may isang taon ka pa dito.”

Napatawa sya. Sigurado sasabihin na naman nya yung palagi nyang sinasabi kaya inunahan ko na.

“Hindi pwede. Ayoko nga maging repeater no?”

 And we both sighed.

“Bakit naman kasi nauna ka ipinasok ng nanay mo. Atat naman sila mag-aral ka.”

“Sisihin daw ba ang parents ko Ren?” Saka ko hinampas-hampas yung braso nya. “Gagraduate ka din naman. Next year nga lang.”

Silence.

Baka nag-iisip na naman sya ng kalokohan para pigilan ako sa pag-graduate at sa paglayo sa kanya.

Sunud-sunod na bunting-hininga lang nya ang naririnig ko.

“Naman e! Ren naman!”

“Bakit na naman?”

“ Wag ka nga malungkot sa harap ko!” Naiiyak ako kapag naaalala kong iiwan ko sya dito. Parang di ko kaya. Parang ang lungkot-lungkot kapag hindi ko sya kasama. Parang kulang.

Humarap sya sakin. Hinawakan ang magkabilang pisngi ko at yung maamo nyang mata, nakatingin lang sya yun sa mga mata ko. “Lara, mamimiss talaga kita.” And he hugged me not so tight. Just enough to make me feel that he really loves me. Napakaswerte ko. Hanggang ngayon kahit na matagal ko nang alam na mahal nya ako, paulit-ulit pa rin akong nagpapasalamat na nandyan si Ren para sakin.

Tinanggal na nya yung pahkakayakap nya sakin. Natahimik na lang kami parehas ulit. Gusto kong sabihin sa kanya na pwede naman syang pumunta. Na magiging masaya ako kung pupunta sya. Pero di ko na lang sinabi. Syempre. Siguro naman maiisip nya yun. Mahal nya ako e. At hindi naman siguro nya matitiis na hindi ako makita.

“Uhhh…”

“Hmm?” Sagot nya na hindi pa din nakatingin.

“Kung makakahanap ka man ng iba dito, sabihin mo sakin ha?”

“Sira ka ba? Bakit pa ko maghahanap ng iba, eh matagal nang nasakin ang pinakamaganda, pinakamabait at pinaka-“

“Bolero.” Binatukan ko sya.

Hinawakan nya ulit yung magkabilang pisngi ko saka pinilit na ngumiti yung mga labi ko.

“Kung anu-ano pinag-iisip mo eh. Wag ka nang sumimangot. Tara na nga. Hatid na kita.”

Naglakad na kami pauwi samin. Hindi naman talaga nya ako ihahatid e. Sabay lang kami maglalakad hanggang dun sa may likuan papunta sa kanila.

“See you?” Tanong ko sa kanya bago pa man kami nagkahiwalay ng landas.

“Oo naman.”

“Promise?”

“Promise. Cross my heart. I’ll be by your side.” Saka nya inabot sakin yung paper bag na hawak nya na ang laman e yung toga at invitation ko.

“Nye? May ganun ba yun?”

“Sige na. Uwi na. Ingat ka.” At mula don naglakad na sya palayo pero lumingon sya at naglipsync ng labyu.

And with that…

Umuwi ako ng nakangiti. Na excited nang gumraduate. At maglevel up kahit na iiwan ko sya ditto. Ayo slang yun. Para naman sakin yun e. Pwede ding samin. Kasi hindi pa naman ako sure kung sya talaga e. Bata pa kami.

“Hoy! Babaeng makupad! Anong balak mo? Umattend ng nakapambahay lang sa graduation nyo?” Hindi ko na lang pinansin yung pang-aasar o panenermon ni Ate Wena. Pinsan ko. Guardian ko ditto sa Manila. Ang ginawa ko, naligo na lang at sinunod na sya na mag-ayos na ako. Six o’clock ang program kaya dapat mga 5;30 nandun na kami kasi pipila pa.

“Ayan. Much much much better.”

“Tama na ang bolahan Ate. Tara na!”

Life is as it was.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon