-4- Andar na.

6 0 0
                                    

"Okay. Maaga ko kayong idi-dismiss." Kanya-kanya na silang takbuhan palabas. Hablutan. Landian. Make-up-an. Sigawan. Hamapasan athingian ng polbo. At diretso sa galaan. Pero ako, diretso ako laging umuwi.

Nasaan na sya? Kamusta na sya? Ano nang balita sa kanya? Alam kaya nya nandito pa din ako nag-iintay? May iintayin pa nga kaya ako? O baka yung iniintay ko may kasabay nang lumakad paabante sa buhay?

“Promise. Cross my heart. You’ll be by my side.”

Naalala ko naman yung mga huling salitang narinig ko mula sa kanya. Yun na yun. At hanggang ngayon, yan pa din ang naalala kong iniwan nyang memorya sa kin. Atsaka itong alarm clock na to. Nasaan na ba kasi sya?

Beep

Ella [Lara, tara skype tayo.]

Me [Sige.]

“Gulay kang babae ka! Bakit ganyan pagmumukha mo?”

“Bakit? Gumanda ba lalo?”

“Ha-ha. Funny. Ano may kaibigan ka na ba dyan?”

“E… Kaibigan? Company meron pero kaibigan, wala e.” Nakita ko sa screen na medyo galit na yung expression ng mukha nya. “Hep. Bago mo pa ko unahan nyang sermon mo… May balita ka na ba kay-“ Bago ko pa man natapos yung sasabihin ko e na-emd yung video call nya. Kaya tinry ko ulit sya tawagan kaso mukhang nawalan sya ng connection kasi naka-offline na sya bigla. Nag-sign off na din ako at nagpatugtog na lang.

Maya-maya nagtext na ulit sya.

[Game. Hehe. Nawalan ng connection e.]

“So ano na nga ba yun? AH! Alam mo ba Lara na may bagsak na ako kagad?!”

“EH?! Agad?! Bakit naman? Kaka-exam lang ah.”

“E kasi yung prof namin, bading, insecure.” Tapos sinundan na yun ng puro tawanan lang. Nakakamiss talaga tong baliw na kaibigan kong to.

Nung wala na kami mapag-usapan.

“E Ella… uhm… ano… may-“

“Oo.”

Nagulat ako sa sinagot nya. Alam nya kung anong itatanong ko? Natural. Kasi yun lang naman lagi kong itinatanong sa kanya.

“Ano?” At ramdam kong sumeryoso ang usapan namin.

Toot.

“Basahin mo na lang. Ayoko sabihin e.” May si-nend syang link sa kin.  Bruha talaga to. Ayaw pang sabihin na lang e. Papahirapan pa ko sa pagclick.

Click.

Naglink sa facebook.

Sa timeline ni Ren.

At nakita ko na naman yung picture nya.

Yung maamong mukha nya.

Na may kasamang babae.

Ren delos Reyes

St Luke Montessori School

In a Relationship with China Alvarez

Kelan pa to? Ano to? Hindi. Bakit? Nararamdaman ko, nainit yung mata ko. Pwede naman umiyak diba? Ako lang naman mag-isa ditto diba? Sinasabi ko nga ba. Ako lang tong tatanga-tanga para mag-intay pa. Hay! Ang stupid ko! Anong nangyari? Bakit ang bilis? Kahapon galing din naman ako dito sa account nya a? Wala pa to. Wala pa tong punyetang babaeng to dito! 24 hours ago akin pa din si Ren at wala akong natatandaang ibinigay ko sya! Hindi ko ma-absorb! Kahit ilang beses kong tignan hindi nagbabago. Pilit kong pinapaniwala yung sarili ko na ‘Edit lang to e!’ pero hindi. Kitang-kita ko!

“Hello! Uy Lara! Ano na nangyari sayo?” Saka lang ako nakabalik sa mundo nung sinigawan ako ni Ella. Naka-on call pa nga pala.

“Ah…” I cleared my throat para hindi halata na malapit na akong maiyak. “Ano… Ella, kailangan ko nang ano uhmmm…”

“Lara… Bestfriend mo ‘ko. Wag ka ngang magpigil dyan.”

Silence then poof. Umagos na ang luha ko. Nakapikit pero tahimik na umiiyak. Walang sinasabi si Ella. Siguro pinapanood nya lang akong umiyak sa screen ng laptap nya. Ang weird man tignan nun pero sa ngayon, wala akong alam kundi… masakit lang.

Hindi ko naman nakalimutan magmessage sa kanya araw-araw e kahit na ni minsan wala akong nakuhang reply. Araw-araw ko syang kinakamusta hoping na may dadating na himala at magrereply sya. Hindi ako naalis ng bahay na hindi ko tinetext ang number nya kahit alam kong hindi na active yung sim na yun. Pero bakit ngayon, bakit ngayon eto ang unang balitang makikita ko tungkol sa kanya simulang nung hapon na nagbabay sya sakin at sinabi nyang mahal nya ako. Parang mas mabuti pa yung dati… Yung wala akong nababalitaan sa kanya kesa naman may balita nga sa kanya pero ganito naman. Ano ba namin buhay to! Nakakashit naman o!

Yakap-yakap ang unan at patuloy pa ring umiiyak na nakaharap ako sa laptop. Basang-basa na yung unan na yakap-yakap ko. Naka-on call pa din si Ella pero hindi sya nagsasalita. Yung tunog lang ng aircon nya at yung chimes lang sa kwarto ko ang naririnig ko kasama na din ang mga di mabilang na hikbi ko.

“Ella…” Tawag ko sa kanya habang nakapikit pa din.

“Oh?”

“Punta ko dyan.” Nababaliw na siguro talaga ako. Sa lagay kong ‘to? Makakbyahe kaya ako?

“Ikaw bahala.”

Pero kung pupunta ako dun, baka makita ko lang sya. Makita ko lang sila.

“Haaaaaay. Wag na pala.”

“Lara?”

“Hm?”

“Andar na. Puno na ang bus. Maiiwan ka na.”

Life is as it was.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon