-5- Tama sya.

6 0 0
                                    

Ilang araw. Ilang gabi. Ilang linggo. Ilang buwan. At eto ako. Patuloy na binubuhay ang sarili. Patuloy na pinipilit magsurvive at wag alalahanin ang lahat ng nangyari. Araw-araw tinatamad sa lahat ng bagay.

Simula nung araw na yun. Yung mismong araw na nalaman ko lahat, hindi ako makatulog. Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit at anong nangyari. Napakalabo kasi. One day, boyfriend ko sya tapos the other day, wala na. Anong nangyari diba? Syntax error.

Di ko naman magawang tanungin sya dahil naduduwag na naman ako. Nung araw din na yun, mas pinili ko na lang na ganito. Yung walang pakelam sa mundo. Gaya ng ginagawa ko dati. Minus na lang yung pag-iisip kung nasaan at kamusta na si Ren kasi alam ko naman na kung nasan sya. Nasa piling ng bagong girlfriend nya. At kung kamusta na sya? Edi malamang, kabaligtaran ng nararamdaman ko ngayon, masaya na yun panigurado. Ang nadagdag lang sa routine ko ay yung kwestyunin ang tadhana. Atsaka yung tanungin yung sarili ko kung hindi ba nakokonsensya si Ren. Mababaliw na ako. Konti na lang.

Ibinalik ko ang dating ako. Madalas na din akong umuwi sa Manila pero hinding-hindi ko nagawang magpakita kay Ren. Ayoko nga. Mamaya nyan masapok ko pa sya at makalimutan kong mahal na mahal ko sya no. Sa ngayon, masaya na ko ulit. Weh? Masaya your face.

Ibinalik ko yung dating ako bago ko sya nakilala. Ang buhay ng tulad ng nakakaraming highschool student na babae. Yung playful at masayahin. Yung natutuwa at kinikilig pag nakikita yung crush nya

Isang araw, dumating na lang yung punto na may kaibigan na ako sa university na pinasukan ko.

"LARAAAAAAAAAAAAAA! Si CRUSH!!!!!!!!!!!" Grabe yung sigaw nya. Mas rinig pa dun sa mic ko.

Ah si crush. Yung IT Student din na schoolmate namin. Kaklase din namin sa ilang mga subjects. Pero, hindi ko naman masyadong crush.

*Flashback.*

"Akalain mo yun... May gwapo din naman pala dito e." Ang hyper ko kase... Ewan kung anong meron dun sa kinain ko kanina.

"Naghahanap ka pa. Andito ako." Ang kapal ng mukha nung kaklase ko. ka-crush na nga lang ako sayo pa? Hell no!

"Alin ba? Yung naka-"I ? MOM" na damit?" Nasa Hall B kami nun at nag-iintay ng prof sa MSCED nung nakita ko yung lalaking yun na nakatayo sa may pinto na nakikipag-asaran sa mga kaklase nya din.

"Oo. Pogi no?"

At ang sumunod...

"Oo nga nuh!"

"Tamaaaa!"

"Eeeeeeekkkk!"

"Ops! Akin na yan. Hanap na lang kayo ng inyo."

"E anong pangalan?" Yun lang. Hindi ko alam. "Aalamin te. Aalamin."

Siguro naman malalaman ko yung pangalan nun kase, nasa iisang klase lang kami every Tuesday,diba?

*END of Flashback*

"Oo nga noh." Yun lang nasabi ko... At tuloy lang sa pagkanta. No big deal.

Natapos ang kanta at namalayan ko na lang na wala na pala 'kong kasama sa loob ng soundproof na kwarto. Mga taong 'to, iniwan ako.

At ayun sila... Kausap si crush! Kilala ko sila. Sila ang mga tipo ng tao na kaya akong ipahiya sa harap ng crush ko. kaya dala ng andrenaline rush, napatakbo ako at full speed papunta sa kanila.

"HOY! Bakit nyo ko iniwan dun?"

"Hi. Sya nga pala si Lara." Sabay hablot sa kamay ko para makipag-shake hands dun sa crush ko. "Ah. Eh... Hi."

And the crowd, este yung mga kasama ko, goes wild!!!

"Yieee! Malandiiiii!"At pagkatapos nun...

Life goes on...

Wait! Hindi pa pala.

"Lara. Akin na yang phone mo. May ilalagay ako." Ang kaibigan kong Kikay. Si Sharry. Sya din yung pasimuno sa pag-aambush sa aking crush. At wala akong kaalam-alam na nilagay pala nya yung number ni "Louie" sa phonebook ko.

Ah... "Louie" pala yung pangalan nya.

Im home. At wala pang tao sa bahay. Nasa school pa yung mga kapatid ko at nasa trabaho pa si Mama. Diretso sa kwarto, nagbihis at natulog saglit. Ang sama naman kasi nung panaginip ko.

“Wala akong ginagawang masama Lara. Magusap tayo.”

Ginulo ko yung sarili kong buhok para di ko na maalala yung sinabi nya sa panaginip ko. Di ko na nga sya naaalala e diba? Correction, di ko na inaalala. Pilit ko na nga iniiwasan lahat ng remnants nya e. Bakit ba ako tinotorture?!

Nagising ako mga past 4 ng hapon. Nagfacebook ako. Timang ko lang talaga kasi kanina muntikan na naman akong madepress dahil sa kanya pero nakatambay na naman ako sa timeline nya na pilit kinukumbinsi yung sarili na pangalan ko yung nandun sa In a Relationship nya. Hay! Nakakaawanag ako.

Gising na Lara! Gising! Masyado nang mahabang telenobela ang buhay mo. Sabi nga ni Ella, andar na diba? E etong si ako naman pilit pa ding pinipigilan ang pag-andar. Pasagasa na lang kaya ako sa bus? Jahe naman ang pagkamatay. Madedeform pa yung katawan bago mamatay. Baliw!

Tinitignan ko yung picture nya na ngayon e sya na lang di gaya dati na may kasamang kung sinong babae nab aka napulot lang nya kung saan-saan. Hehe. Ang bad ko.

Baka nagLQ sila nung girlfriend nya. Break nay an! Wahahaha! Napakasama mo talaga Lara! Bad! Bad girl!

Titig.

Bakit ganun na yung mga mata nya ngayon, fiercer? May nararamdaman akong galit. Galit kanino? Sakin? Naks naman kung sakin sya nagagalit diba? Hiyang-hiya naman ako sa pagiging committed nya sa ibang babae agad nang hindi naman nya tinatapos yung amin.

Maitext kaya si Louie? Sabi nung malandi kong konsensya.

Wag! Mahiya ka nga. Sabi naman nung conservative kong konsensya.

 [Hi. Lara here.] SEND

Nanaig at nagdiwang si Malanding konsensya. After a minute or two...

[Oh. :) - Louie] Ay? Ano ba yan? Ang tipid e. Okay turn-off. Hahaha. Turn-off daw? Wala naman akong masabi. Di ko na nireplyan.

After mga 5 minutes...

[Ano nga pala surname mo. Im gonna save it kase sa phonebook ko.]

Bale nagtatanong sya, so, nireplyan ko...

[Santos. Lara Santos :)] SEND.

Hi Louie. Im Lara. *insert napaka-lawak-na-ngiti-here* Bye Ren?

WHAT THE?!!!!!!!!!!

[I Love you.]

Dugdug.Dugdug.Dugdug.Dugdug.Dugdug.Dugdug.Dugdug.Dugdug.Dugdug.Dugdug.

Life is as it was.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon