"Manunuod ako mamaya ng PBA. Sama ka dude?"
"Anong oras?"
"6:00pm"
"Okay. I'll call Thalia first"
I sighed. Anong tingin nila sa Bookstore? Chikahan ng basketball? Tss. Kinuha ko ang isang libro at binayaran sa cashier. Pagkatapos kong bayaran ang libro, pumunta ako sa isang fast food chain at nagtake out. Umuwi ako sa condo ko at inayos ang magiging dinner ko.
Boring na ba ang pagkwento ko sa buhay ko? Well, masanay ka na. Boring naman talaga ako at hindi ko 'yun denideny.Umupo ako sa sala at pinaandar ko ang TV, sakto kakasimula pa lang ng PBA. Oo. Kanina naiinis ako sa dalawang lalaki na nag-uusap about sa championship ng PBA sa bookstore, kasi hindi naman pangbookstore ang pinag-uusapan nila 'di ba? Weird ba? Oo na. Sanay na ako dyan.Biglang nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Sister Hannah.
"Hello Sister Hannah?"
"Hello Vinessa? Kamusta ka Iha?"
Ngumiti ako.
"Okay naman ho ako. Kayo po Sister?"
"Okay naman ako Iha, napatawag ako dahil gusto kang makita ng mga bata, alam mo naman na hindi sila titigil sa pangungulit sakin"
"Sige po. Pupunta ako dyan bukas pagkatapos ng pasok ko Sister"
"Pasensya ka na Iha kung nakakadistorbo kami sa'yo"
"Sister, hindi ako magsasawa na pumunta dyan. Napag-usapan na po natin 'to"
"Salamat Iha, ang swerte talaga ng mga magulang mo sa'yo"
Natahimik ako.
"Vinessa anak? Nandyan ka pa ba?"
"Opo"
"Sige Iha, magpahinga ka na. May pasok ka pa bukas"
"Sige po. Bye po"
Binaba ko ang cellphone ko at nagsimulang kumain.
*****
"Sayang 'yung pusta ko! I thought Alaska na talaga ang mananalo"
"Magkano ba ang pusta mo?"
"50,000 pare. Ikaw ba?"
Yan ang bungad sakin sa school. Yan kasi pumupusta tapos manghihinayang. Porke't injured si Fajardo, mapapanatag na Alaska ang mananalo. Nakalimutan yata nila na bilog ang bola. Pumunta ako sa first class ko which is Business Management. Halata naman siguro sa subject kung ano ang course ko.
Pansin niyo bang walang pumapansin sakin? Ako kasi sanay na. Isa lang naman akong nobody sa school at walang nakakilala sakin, except siguro sa mga teachers. Ang kapalaran ko ay hindi katulad sa isang libro na nababasa ko at nababasa mo, 'yung tipong nobody tapos magkakagusto sakin ang hottest boy in school, tapos sisikat ako, blah. blah. blah. Hindi ganun. Dahil iba ang reality sa imagination ng author ng libro, hindi sa sinisiraan ko ang mga bookish, hey! I am a bookish too, sometimes lang naman, but reality world is very judgmental.
Bakit ako nagbabasa ng libro kung ganyan ang pinupunto ko? Malungkot mang sabihin, pero wala akong kaibigan. Libro lang ang tanging kaibigan ko. Books entertained me, it made me cry, it made me happy, hurt and sad, but I am learning. Parang tao naman sila 'di ba?
"Good morning Class"
Tumingin naman ako sa unahan at nandito na pala ang professor namin.
"Good morning Mam" sabi namin
"I'm going to check your attendance first before I discuss our next topic"
Ganyan naman lagi ang scenario sa school eh. Mag-aattendance muna bago magdiscuss. Meron talagang mga professors na strict pagdating sa attendance, 'yung iba walang pakialam basta ba't alam mo ang topic.
BINABASA MO ANG
I Less Than Three You
HumorPaano kung ang mga nangyayari sa binabasa mo sa libro ay mangyayari sa buhay mo? Ano ang gagawin mo? Gagawa ka ng sariling script? Gagayahin mo na lang ang nasa libro? O di kaya, gagawa ka ng sarili mong storya na ikaw lang ang makakaalam ng ending?