Luhan POV
"Luhan ano ba!? Akala ko ba wala kang gusto dun? Bat ka nag kakaganyan?" Tanong at pasigaw na sabi sa akin ni Kim.
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ganyan sya. Bat bigla na lang nag iba ang ugali nya.
"Ikaw? Bakit moko sinisigawan?" Pinakalma ko ang sarili dahil sa lahat ng ayaw ko yung sinisigawan ako. ...
"Diba tayo na? Akala ko ba ako ang gusto mo?" Sabi nya. Nababaliw na ba sya?
"Sino namang nagsabi sayo? Na tayo na? Wala naman diba?" Sabi ko sa kanya.
"Pero... nag date tayo nag you even kissed me!" Halos naiiyak na sya.
"Hindi ko nga alam na date pala yun e. At Ikaw, ikaw yung pumwersa sa akin nun. Hindi nga kita niligawan" naiirita na ako sa babaeng kaharap ko ngayon. Ganito pala ang ugali nya.
"Ako... ako yung gusto mo diba?!!!" Sigaw nya. Niyayakap nya din ako medyo hindi na ako makahinga.
"Tama na!!" Sigaw ko
Natakot naman sya pero mas niyakap nya ako mahigpit.."please Luhan. Please.." sabi nya.. masyado na syang desperada.
"Please.."
"Kung hindi moko babalikan... aalisin ko sa EXO si BaekHyun.... At kung babalikan mo sya. Maglalabas ako ng News tungkol sa Kapatid mo at lalo na sa Pagkikita nyo ng EXO nung nakaraan" pagbabanta nya.
"Paano kung wala akong pake dyan?" Tanong ko.
"Edi ilalabas ko lahat yan sa Media. Remember? Im the one and only daughter of the Owner. Named SMTown?" Oo... sya nga. Sya yung anak ng SMtown kung saan ako nag ta trabaho noon at kung saan naman nagtatrabaho ang kapatid ko ngayon.
"At pag nalaman yan nina Dad? Paniguradong Mawawala ang grupong EXO" sabi nya. Ayaw ko namang madamay sila sa Problema ko...
"Wag mo silang idamay sa gulo. Tska Labas ka na sa amin. Nakikisala ka pa!"
"Sorry... mahal lang talaga kita. Ayaw kong mawala ka sa akin.."
"KAILAN Man Hindi ka Naging AKIN" sigaw ko. Kasiyahan nanila ang nakasalalay dito. At ayaw kong mawala yun. Lalo na saEXO alam ko kung gaano ka importante ang Grupong yun. FUCKING SHIT!!!!
"Pag isipan mo... "
Umalis na ako sa Condo nya.. Hindi ko alam damn that woman...
Sumakay ako sa kotse ko... kailangan kong umuwi kaagad. Dahil gusto kong kauspin si Alexa....
"Oo... Aalis na ako kahit pati na rin sa buhay mo.." Hindi ko kaya... Nanghihina ako. Ayokong umalis sya....
Dali dali akong nagmaneho papuntang mansyon... nasaktan ko na naman sya. Lagi ko na lang syang nasasaktan. Yung nakita kong tumulo ang luha nya. Nasaktan ako...
Pagkadating ko sa Bahay ay bumaba ako ng kotse.. Namadali akong Pumasok sa loob ng mansyon. Nakita ko si BaekHyun na Natataranta....
"Anong nangyari? " tanong ko.
Hindi nya ako sinagot sa halip ay sinamaan nya ako ng tingin."Ano sabing nangyare!!!????" Napasigaw na ako.
"Bat hindi mo itanong sa sarili mo kung anong nangyare? Nasa harapan mo na inaayawan mo pa. Ang tanga!" Tapos inalisan nya ako...
Dumaretso ako ng kwarto at hinanap ko sya."ALEXA!? ALEXA WHERE ARE YOU?" Natataranta na ako. Hinanap k9 sya sa lahat ng sulok ng kwarto kaso wala sya. Tinignan ko ang mga damit sa Closeth wala na... Fvck! Fvck!
Dumaretso ako ng Kama at umupo... Alexa... Bat ngayon pa? Bakit ngayon ka pa sumuko?.. Napansin ko yung nakasulat sa Mini table katabi nang kama...
Kinuha ko yun at binasan... Habang binabasa ko yun. Unting unting Tumulo yung luha ko. Nasasaktan ako. Siguro ang tanga ko.
Nanghina ako sa mga nabasa ko... Parang unting unting gumuho yung mundo ko. Parang hindi ko kakayanin na nawala sya sa tabi ko...
Bat ko ba kasi sya pinagtutulukang umalis? Kung babalik ako sa kanya tatanggapin pa ba nya ako?at kung tatanggapin nya ako paano na yung kay kim? Hindi naman pwede Dahil sa akin mawawala ang EXO. At hindi ko rin kakayanin kung Madadamay at malalaman ng manegaer namin yung pagkikita namin.
Gulong gulo na ako. Paano na to? Fuck this life! Ihate My life!!! Am I too late?
Lumabas ako ng kwarto at narinig ko si BaekHyun may kausap syang lalaki. Hindi ko na lang sya pinansin at sa halip pumunta akong Garden....
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasanay na akong kasama sya. Yung mukha nya nung nakita nya kami sa Condo. Yung mga luha nya. Yung pinapakita nya kanina na Matapang sya? Hindi totoo lahat ng yun. Dahil nasasaktan sya. Kaya sya umalis kase hindi nya na kaya. Alam kong masasakit na salita ang mga sinabi ko sa kanya nung nakaraan yung mga nsinasabi ko sa kanya na Hindi ko sya kayang mahalin. Aaminin ko. Natutuwa ako. Natutuwa ako hindi dahil wala na sya dito. Natutuwa ako dahil alam kong ako ang First Love at first Kiss nya. Kahit sabihin nya sa akin na Hindi sya galit kanina? Alam kong nasaktan sya. Na may galit kahit kokonti. Pero ang mas nagustuhan ko sa kanya? Mahal nya parin ako kahit na nasaktan na sya.
Tumayo na ako dahil nakaramdam na ako ng antok.... habang paakyat ako nililibot ko ng tingin ang mansion. Kasi hindi ako sanay na ganito e. Hindi ako sanay na wala sya. Hindi ako sanay na walang maingay.
Bago ako makatulog narealize ko na...
MAHAL KO NAPALA SYA
vote and comment
BINABASA MO ANG
BROKEN [COMPLETED-EDITING]
Teen FictionSi Luhan at Alexa, Sa tagal ng pagsasama nila bilang mag fiance matututunang mahalin ni Alexa Si Luhan. Si Luhan Ipinagtatabuyan nya ito palayo. Paano kung yung pinagtatabuyan mo palayo ay yung Matagal mo na palang hinahanap at gustong makasama? Pi...
![BROKEN [COMPLETED-EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/68286267-64-k405904.jpg)