Chapter 36 Surprise

147 8 0
                                    

Alexa POV

2 months later

Dalawang buwan na ang nakalipas at naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin. Hindi ko masasabi na perpekto at hindi kami nag aaway pero masaya ako dahil hindi na mataas ang pride namin. Pag may kasalan sya nag sosorry at gumagawa nya ng mga efforts para magkasundo kami. Pag ako naman ang nakakagawa lalambingin ko lang sya at ayun bati na kami. Hindi tulad ng dati yung hindi pa namin alam na mahal na pala namin ang isat isa ang taas ng pride namin. Nauuwi sa hiwalayan Im proud to say na Sya yung lalaking makakasama ko sa habang buhay. At masaya ako na ibalita sa inyo na next year on April 20** ikakasal  na kami.

Pero....

This past few days... nagiging cold na sya sakin. Hindi ko nga alam kung bakit sya nag kaka ganun e. Pero siguro pagod lang sya. May mini solo album kasi syang ginagawa at may concert sya next month at siguro sobrang busy lang talaga nya may photoshoot din sya for his new magazines. Naiintindihan ko naman sya kaso uuwi sya sa bahay tulog na ako. Magigising ako wala na sya. Hindi nya naman ako tinetext kaya miss na miss ko na sya ilang araw na syang cold sakin. Pag naabutan ko naman sya sasabihin nya aalis na sya sa gabi naman sasabihin nya inaantok na sya at gusto nya ng mag pahinga. Hay buhay! Kaya nga pag tulog na sya tska ko lang sya nayayakap napagmamasdan at nahahalikan. Sana nga hindi na sya maging busy at magkaroon ulit sya ng free time.

Tulad ngayon. Kakagising ko lang at thanks God at kasama ko sya natutulog sya ngayon sa tabi ko.

Hinaplos ko yung mukha nya at kinakausap "Miss na miss na kita Hub. Sana naman lumabas naman tayo. Pero kung busy ka okay lang" sabi ko sa kanya.

Unti-unti naman syang nagising."Bakit moko hinahawakan? Teka anong oras na? Aalis na ako." Bigla naman syang tumayo kaya tumayo na rin ako pinigilan ko sya.

"Hub? May problema ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

Hindi naman sya makatingin sakin ng maayos."Alexa .."

Bukod sa nagiging cold sya hindi nya narin ako tinatawag na wife, babe hindi narin sya sweet sakin. Miss na miss ko na sya sana naman bumalik na kami sa dati. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nagiging emosyonal at nagiging OA ako ang alam ko lang nasasaktan ako sa mga pinapakita nya

"Hub? Ano? May problema ba? Nasasaktan na kasi ako sa mga pinapakita mo e." Wala na naiyak na ako.

Tinanggal nya naman yung pagkakahawak ko sa kanya."Alexa, busy ako "  tuluyan na syang naligo at nagbihis at tuluyan ng umalis.

Ano bang nangyayari sa kanya? Sa relasyon namin?

Humiga ulit ako at iyak ako ng iyak. Kanina pa ako tinatawag ng mga maid na kakain na pero ayaw ko.


-

nagising ako madilim na pala. Siguro nakatulog ako kakaiyak. Ewan ko ba at nagiging iyakin na ako ngayon.

Tumakbo ako sa CR at "ack!.ack!" Suka ako ng suka..ano bang nangyayari sakin?

Naka--

Ack!.ack!

Narinig ko namang may pumasok sa kwarto at dumaretso sa CR."Wife?fvck! What happened?" Inabot nya.sakin yung towel naghilamos ako at pinahid yung towel na binigay nya sakin.

Bigla ko naman syang niyakap."Hub? Miss na miss na kita. Sabihin mo? May bago ba?" Iyak na naman ako.

Tinanggal nya yung pagkakayakap ko sa kanya"Aalis na ako okay ka na pala." At iniwan nya na naman ako.

Lumabas ako ng CR at umupo sa kama. Napansin ko din na may malaking box. At may note

Wear this. I will fetch you later 7:00am

BROKEN [COMPLETED-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon