Chapter 22 The Truth

205 9 0
                                    

ALEXA

Nagpahatid ako kay manong driver. Ewan ko ba naiiyak ako. Bakit ba kase sa dinami dami si Kim pa? At bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Pagkakaalam ko wala naman akong ginagawa. Ang ginawa ko lang naman ay mahalin ang isang Luhan Rain Lim.

"Ija, nandito na tayo" Sabi sa akin ni Tay Dodong. Matagal na yang naninilbihan sa amin. Bata palang ako pag busy sila mom sya ang naghahatid sundo sa akin sa eskwelahan nun. Tska sya yung pinaka pinagkakatiwalaan ko dahil dati sa kanya ako nagsasabi ng mga sekreto ko. Para ko na rin syang tatay

"Ah... tay dong.. itabi mo na lang" sabi ko sa kanya.

Napatingin naman sa akin si Tatay Dodong."Teka nga! Diba Si Luhan yun?" Turo sa akin ni Tay.

Tumingin ako mula dito sa loob ng kotse hanggang sa Kinaroroonan nina luhan ksama si Kim.

Naguunahang pumatak ang luha ko sa nakita ko. Habang inaalalayan ni Luhan si kim. Parang paulit ulit na tinutusok ng kutsilyo ang puso ko.
Kahit na ang sama sama ng ugali ni Kim nasa kanya parin ang lahat. Pati si Luhan. Siguro sila na?

"Ija, tumahan ka. Bawal sayo ang naiyak. Baka mapano ka." Oo.. alam din ni Tatay Dodong ang tungkol sa sakit ko. Ang tungkol sa pagkawala ng mga alala ko. At ang sinabi nya sa kin na bawal daw akong ma istress at umiyak dahil makakasama daw sa akin yun. But I guess no. Dahil wala namang nagyayari sa akin. Nitong nakaraan iyak lang ako ng iyak pero wala naman. So? Hindi naman bawal.

"Tay,.... bakit ang sakit?... Mahal ko sya... P-pero...H-h-hindi nya ako k-kayang m-m-ahal-lin" Iyak ako ng iyak.

"Ganyan talaga ija, hindi naman kasi porque mahal mo ang isang tao. Mamahalin ka din nya." Natamaan ako sa sinabi nya.

"Tay, sundan mo sila" sabi ko.

"Pero ija baka ikapahama--"

"Sundan mo sila please!" Napasigaw ako. "Sorry..." nahihiya tuloy ako sa sarili ko.

Nakarating kami ng condo. Kaninong condo naman toh?

Nakita ko sila na nakasakay sa Elevator samatalang ako ay nasa kotse. Pinagmasdan ko sila Hanggang sa pagsarado nito.

Tumingin ako kay tay dong at "Tay. Pakihintay na lang ako" sabi ko

Pero "Ija. Maaaring may mangyari sayo. Kilala ko yung babaeng yun" Wika nya.

"Pero hindi nya pwedeng makuha si Luhan sakin. Mine is mine"

Tumingin sya sa akin at nag aalala. "Ija, Si Kim Jimenez yun! Ang matalik na kalaban ng pamilya nyo."

"Wala akong pake kung kalaban sya nina Mom. "

"Aalis na po ako. "

"Sige ija. Hihintayin kita" palabas na sana ako ng May pahabol na salita sya. "Mag iingat ka."

Naglakad ako papasok ng building. At oo inaamin ko kinalabahan ako. Hindi ko alam kung anong matutuklasan ko. Pero.... Ayyt bala na.

Pinindot ko na yung elevator at hinihintay itong bumukas.

*tiingg*

Pumasok ako sa Loob. Hindi ko alam kumg anong nangyayari sa akin. Pero sobra sobra na yung kaba ko. As in palapit ng palapit. Patindi ng patindi. Hoooo! Kaya ko yan. Pero paano na lang pag hindi ko nagustuhan yung makikita ko? Sana naman. Wala lang yung kanina..

Nasa 55th floor ako ng building at bumukas na amg elevator.

"Hooo kaya mo yan" bulong ko sa sarili ko.

Saktong sakto nakita ko silang pumasok.

Sinundan ko yun at kitang kita ko ang ginagawa nila dahil nakaawang ang pinto. Hindi nila nasarado.

BROKEN [COMPLETED-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon