Chapter 23 Goodbye

202 7 1
                                    

Alexa POV

"Luhan.." Banggit ko...

"Alexa anong ginagawa mo dito?" Tanong nya na hindi maialis ang pagkagulat.

Ang sakit! Ang sakit sakit ng puso ko. Ikaw ba naman? Makita mo yung minamahal mo? May kahalikang iba? At worts parang gustong gusto nya.

"A-a... wala... S-sge.. U-una na ako" sabi ko tumingin muna ako kay Kim at nakangisi ang gaga. Aalis na sana ako ng hawakan ako ni Luhan.

"Saan ka pupunta?" Sabi nya sa akin
Hindi ko alam kung anong gagawin kong pakitungo sa kanya.

"Aalis na ako. Naistorbo ko pa kayo. Sige na" Aalis na ako pero may pahabol ako.. "Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita ah? Hindi ako magagalit sayo. Dahil alam kong ayaw mo sa akin. Ikaw yung kauna unahan kong minahal. Iinga--"

*Booogsshhhh*

Natumba si Luhan sa sahig. Nagulat ako sa ginawa ni Hyun. Hindi ko inaasahan na susuntukin nya ang kapatid nya. At ang mas nakakagulat pa ay bakit sya nandito?

"Ang gago mo bro! Sobrang gago mo!..... Alexa I mean Zay... Tara na!!!" Galit na galit si Hyun ngayon Hinawakan nya yung kamay ko at nakakailang hakbang palang kami ng magsalita si Luhan...

"Saan ka pupunta? Pag umalis ka Umalis ka narin sa Buhay ko" sabi nya.

Lumingon ako sa kanya."Bat mo ba ako pinipigilang umalis?" Sabi ko hoping na sasabihin nya kase mahal kita. Pero hindi.

"May isang araw pa" sabi nya. Ahhh!

"Ah! Hindi na yun kailangan. Alam ko namang hindi gagana yun. tska diba yun naman ang gusto mo? Ang umalis ako sa buhay mo?. Ito na yun oh! Dapat magpakasaya ka na!!! Alam mo bang kahit mahirap sa akin? Gagawin ko dahil alam kong hindi kita kayang pasayahin. Hindi mo din ako mahal! Ayaw ko na rin.!! Aalis na ako... Kahit Pati na rin sa Buhay mo" at tuluyan na akong hinila ni Hyun

Nasa Elevator na kami. Iyak parin ako ng iyak. "Zay... tahan na" sabi ni Hyun sa akin .

Paano nya nalaman? May hindi ba ako alam?

"P-paano?" Naiyak parin ako.

"Hindi na mahalaga kung paano ang mahalaga ay okay ka"

Nagbukas na ang elevator. Naglakad kami palabas ng Building.

Inaalalayan lang ako ni Hyun dahil hindi ko na kaya. Iyak parin ako ng iyak.

Sasakay na kami ng kotse ng tumakbo palapit si Tay Dong sa akin."Anong nagyari sayo ija?" Tanong nya.

"Ah Pagpahingahin po muna natin sya"singit ni Hyun

"Ijo,salamat sayo ah? Nag alala lang talaga ako"

"Salamat sayo Hyun ah? Salamat ng marami." Sabi ko

"Okay lang yun. Tara na? Sa akin ka ba sumabay" anyaya nya sa akin.

"Ah sige"

"Ija naman. Alam mo namang sinasaktan ka na dun ka parin uuwi?" Halata kong nagaalala sa akin si Tay Dong.

"Ah hindi po. Mauna nalang po kayo" sabi ko..

"O sige. Mag ingat ka ha? " Bilin nya.

"Opo"

Nauna nang umalis si Tay Dong. Kami ni Hyun ay nandito parin. "Sakay na" Pinagbuksan nya ako ng Pinto ng kotse. Sa totoo lang natatakot akosa mga maaaring mangyari.

"Tama na... huwag ka ng umiyak" sabi nya sa akin. Wala e. Mas lalo akong naiyak.

"Ano bang wala sa akin? Bakit si Kim pa? Bakit sya pa? A-akala ...*sobs* aka..la.. k-ko b-b-a *sobs* may h-hin-nihintay.... sya? Yung C-ch-hildhood Friend nya? Na M-mahal *sobs* nya? Kaya hindi nya ako kayang mahalin?"

Niyakap ako ni Hyun ako iniiyak ko lang lahat. Iyak lang ako ng iyak. Ang tanga  tanga ko kasi. Hindi nga kasi ako yung mahal e  pero minamahal ko. Anong magagawa ko? Mahal ko nga e. Mahal na mahal ko.

"Hayaan mo na... tanga lang talaga si Bro. Sya yung tanga hindi ikaw" sabi nya." PAhinga ka muna. Matulog ka habang nabyahe. Bawal kang umiyak right Zay?" Kumakalma na ako ng konti.

Nakakatuwa talaga si Hyun.

"Naaalala mo ba nung bata pa tayo? Lagi kong pinupunasan luha mo pag naiyak ka? Ako din yung nagbibigay sayo ng panyo" sabi nya....

"Ikaw yun??" Sabi ko. Nung nadapa ako iyak ako ng iyak nun. Tas sya pala yung tumulong sa akin.

"May naalala ka na?" Sabi nya sa akin.

"Konti? Ako palang nakakalam. Ayaw kong ipaalam kaya pls? Satin muna?" Sabi ko.

"Pero..."

"Please?"

"Okay!"

"Pahinga ka muna alam kong pagod ka."

Nakatulog ako sa Kotse....

Zzz ....

Zzzz  ....

Zzzz....

Zzz...

-

"Zay... gisng na nandito na tayo."

Gumising naman ako kaagad. Dahil baka may makakita sa akin. Aalis na rin kase ako. Wala na akong mapupuntahan. Ayaw ko din sa bahay. Dahil tampo parin ako. Gusto ko ding makilala ang tunay kong mga magulang.

Dumaretso ako sa Taas at kinuha ko ang lahat ng gamit ko. hindi na ako nahirapan dahil Yung iba naimpake ko na. Kahit masakit. Aalis na ako dito. Dati lang ayaw ko sa pamamahay na to. Pero ngayon. Aalis na ako talaga ako. Ayaw ko mang umalis. Kaso kailangan e. Lalo nat sila na ni Kim. Hindi man sigurado pero anong tawag sa nakita  ko? Nagdate tas nagkiss? Ayyyttt! Ayaw ko nalang isipin. Lagi nalang si kim ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Lagi na lang sya nung mga Bully yung kaya ako na ospital  dahil sa kanya tas ngayon? Hay! 

Tinignan ko yung kwarto namin. Ayy ni Luhan pala. Panigurado akong mamimiss ko lahat. ...

*tok tok*

Sino kaya yun?

"Zay.... Si Hyun to! Pahinga ka lang ah? Kung may kailangan ka tawagan moko"

Naiyak na lang ako.... Aalis na ako e. Hindi narin ako tatagal dito. Masakit na kase...

"Awww! " Biglang kumirot ang puso ko. Actually ngayon ko lang toh naramdaman. Ano naman kaya toh? Ahhh baka dahil sa sakit. Aalis na lang ako.

Bago ako umalis nag iwan ako ng sulat sa kanya..

Ivan,

Mahal na mahal kita. Thank you for giving me a chance to prove na mahal kita. Sana hindi mo ako makalimutan. Ikaw yung First love ko. At hindi ka kadaling kalimutam kasi First love kita. Pero sana kayanin ko. Congrats nga pala sa inyo ni kim. Sya ba yung Childhood Friend mo? Hayaan mo. Hindi na kita guguluhin. Hahayaan na kita dahil hindi naman kita kayang pasayahin gaya ng ginagawa nya. Tama na rin siguro no? Mahal na mahal kita at about sa Fixed mariaged? Ako ng bahala dun. Wag mo ng isipin yun. Puputulin ko na lahat ng tungkol sa atin dahil gusto mo rin naman yun. Hindi nga siguro tayo para sa isat isa. Mahal na mahal kita i love you. Aalis na ako. At hindi na rin siguro ako magpapakita sayo dahil nahihiya ako. ILOVEU

                                     -Alexa

BROKEN [COMPLETED-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon