Chapter 2

5 2 0
                                    

CHAPTER 2- Arianne Vs. Kuya

~•~

Arianne's POV

Andito ako sa sala, pati narin si Itay. May kung ano ang kinakalikot nanaman si Itay.
Eto ako nakahiga sa sofa. Bored.

"Tay, pasukan na pala namin next week." tiningnan ko ang kalendaryo na nakasabit sa pader ng bahay namin.

"Oo nga no." dumukot si Tatay ng pera sa wallet niya. "Oh eto tig-800 kayo ng Kuya mo. Bumili kayo ng gamit niyo para sa pasokan. Kasya na ba yan? Sabihin niyo lang kung kulang."

@_O

Binigyan ako ni Tatay ng anim na tig-iisang daan at isang libo. Bale 1600 ang binigay ni Itay. Last year kasi tig-500 kami ni Kuya.

"Tay! Ang laki naman! Salamat tay!" kinuha ko iyong pera. $_$ Hehehe. Lumabas na si Itay sa bahay. Hmmm. Ano kayang bibilhin kong gamit? May bag naman na ako eh. Siguro notebooks at ballpen lang ang bibilhin ko. May mga requirements pa yan pag first day of school.

Nakita ko si Kuya na dumaan. Napalingon siya. Mabiro nga to.

"WOW! Arianne! Kailan ka pa nagkaroon ng malaking pera ha?! Sabihin mo nagnakaw ka ba?! Kailan ka pa natutong magnakaw ha?! Di ba yun ang utos nila Itay?! Na wag na wag tayong magnanakaw?! Pinalaki tayong matino nila Itay at Inay tapos magnanakaw ka lang?! Alam kong simple lang ang pamumuhay natin pero bakit mo naisip magnakaw?!! Arianne! Sumagot ka!!!" namumula si Kuya sa haba ng sinabi niya.

*!#@*€*$^¥¢√•@*# anong meaning niyan? Ibig sabihin lang naman niyan gusto ko siyang murahin. Dahil good girl ako huwag na lang.

"Tapos ka na sa speech mo?" yung pamumula ng mukha niya nawala,  napalitan ng pagtataka. "Sa tingin mo magnanakaw ako? Anong klaseng tanong yan Kuya? Ako magnanakaw?! Pera lang naman ito ni Itay---"

"ARIANNE! Ninakaw mo ang pera ni Itay?!! Anong klase kang anak!---ARAY KO!"

Binatukan ko nga ng pagkalakas-lakas.

"PAKINGGAN MO MUNA KASI ANG SASABIHIN KO!!!"

ARGHHHHH! ANG HIRAP MAGKAROON NG KUYA NG SIRA ANG PAG-IISIP.

"Unang-una, wag ka sasabat pag di pa ako tapos, kapag sumabat ka babatukan ulit kita. Pangalawa, pakinggan mo ako. Pangatlo, PAGANAHIN MO ANG UTAK MO BAGO ANG BIBIG MO! Pang-apat, HINDI AKO MAGNANAKAW. Pang-lima, tungkol sa mga magulang natin pati narin ikaw,  HINDING-HINDI KO KAYO NANAKAWAN. Pang-anim, itong hawak kong pera ay galing kay Itay, binigyan ako ng pera ni Itay para sa gamit KO next week, para sa pasukan. Pangpito, hindi ka kasama dito. Pangwalo wag--"

"BAKIT DI AKO BINIG--ARAY KO ARIANNE!!"

"ANONG SABI KO SA UNA?!! WAG KANG SASABAT, KUNG AYAW MONG MABATUKAN?!!" at ayun nga tumango na lang siya ng parang aso.

"Ano na nga ba ang sasabihin ko?" pagsasabi ko. Kainis nawala tuloy ako sa speech ko.

Kumuha siya ng papel at ballpen. Anong ginagawa niya? Nagsulat siya sa papel at pinakita niya sa akin.

"Nasa pang-walo kana." pagababasa ko. Argh!!!! Babatukan ko to!!!

"ARAY KO NAMAN ARIANNE! ANG SAKIT-SAKIT NA NG ULO KO!" hinawakan niya ang ulo niya.

"Sino bang mas matanda sa atin?" sabi ko sa kanya.

"Common since naman. Siyempre ako." umirap pa ang loko. Tinaas ko ang kamay ko. "Tama na!!"

"Kung umasta ka kasi parang ako pa ang mas matanda sa atin! Para kang bata!" sumimangot naman ang loko.

Kinuha ko iyong anim na tig-iisang daan at ibinigay ko sa kanya. At tinago ang isang libo. "OH!AYAN 600 MO!"

^ω^...........-_-#

Ang baboy ba tingnan ni Kuya diyan? Pwes, yan kasi pagmumuka niya.

"Seryoso? 600? Ang laki ha. Last year 500. Teka. Baka binawasan mo to ha?!Niloloko mo ba ako?!!" Kilala niya ako pag ganiyan.

"NAGLOLOKO BA AKO?!! ANO SA TINGIN MO!!"

"Ktnxbye" tumalikod na siya ng parang bata na tumatakbo. Pumunta na ako sa kwarto ko. At nilagay ang unan sa mukha.

"HAHAHAHAHAHAHA!!" Sakit na tiyan ko. Epic ng mukha niya. Paniwalang-paniwala. Ganon na lang gagawin ko sa susunod. Hahahahahaha.

Kaso lang. Bad iyong ginawa ko. Ibibigay ko na lang yung 200 na kulang ni Kuya sa pasukan. Siyempre good girl ako eh. ,-)

Hmmm. Pupunta na lang ako sa bayan para bumili ng gamit.

~•~

Jazztine's POV

WELL WELL WELL...
Katunog ng wishing well...
Isama narin natin ang towel...
A. E. I. O. U. na nasa vowel...
At ako'y gwapo, mas gwapo pa kay Enrique Gil.

Wala na akong maisip.

So eto nga, kakatapos lang ng sagutan namin ng magaling kong kapatid na si Arianne. Ang bait bait niya no? Ganun siya kabait. Hehehez. Pero mas mabait naman ako. Eto ako, masaya may pera akong pambili ng gamit. Don't me.

Iba ako sa mga nakilala niyong lalaki na tamad bumili ng gamit sa school. I'm one of the kind kasi. Kind na nga handsome pa. Oh. San ka pa? ^_^

~•~

A/N

So,  Kilala niyo na si Jazztine? Hahahahaha. Mabait yan. :-P
Kaso may saltik lang.

The Change of DestinyWhere stories live. Discover now