Prologue

9 1 0
                                    

"The Change of Destiny"
by justinecc_01
Genre: Romance-Comedy-Teen Fiction
Start: August 27, 2016
End: (On-going)

~•~
CAST/MAIN CHARACTERS

Bae Suzy as Arianne Jasmin Ocampo
Park Shin Hye as Elianna Joyce Park
Park Jiyeon as Yrianna Keira Park
Jeon Jungkook as Xyler Louis Lee
Kim Taehyung as Aaron Jazztine Ocampo
Kim Myungsoo as Url Jayvee Realozo

~•~

PROLOGUE

(A short story of Arianne's parents and Elianna's parents)

"Rianna, alam mo, 'di ko akalain na aabot ang pagkakaibigan natin ng ganito. Lalo na at sabay pa tayong nagbubuntis." masayang sabi ni Lianne.

Lumingon naman ang kaibigan ni Lianne "Oo nga. Siguro habang-buhay na tayong magiging magkaibigan. Masaya ako dahil hanggang sa pagbubuntis ng mga anak natin ngayon, ay sabay pa tayo. Lianne. Gusto ko sanang ipangalan sa anak ko ay

ELIANNA... Elianna Joyce. Gusto kong magtagal ang pagkakaibigan natin. Gusto kong maalala ko ang anak ko sa iyo. Napakabuti mong kaibigan sa akin."

Ngumiti si Lianne. "Sige. Ang ipapangalan ko naman sa anak ko ay

ARIANNE. Arianne Jasmin Ocampo. Ang ganda-ganda siguro ng mga anak natin kapag lumaki na sila." hinimas himas ni Lianne ang kaniyang tiyan.

"Oo naman." sagot ni Rianna.

"Nasaan na ba ang mga asawa natin?" tanong ni Lianne. 

"Sabi sa akin ni Kiro ay may pupuntahan lang sila ni pareng Roland."

Tumango naman ang kaibigan niya.Si Lianne at Rianna ay parehong magkabuwanan. Sila ay matalik na magkaibigan simula pa lang noong mga bata pa sila. Hanggang sa mag-asawa sila,  ay hindi sila nawawalan ng koneksyon.

"Andiyan na pala sila." tumingin ang dalawang magkaibigan sa kanilang mga asawa. "Bakit ang tagal ninyo?" tanong ni Lianne.

"Bumili lang kami ni Kiro ng tubig. Naiwan pala natin." ang sabi ni Roland, asawa ni Lianne. At si Kiro naman ang asawa ni Rianna.

Nasa isang park sila ngayon. Naisipan nilang magsalo-salo.

"Nanay gutom na po ako." sabi ng panganay ni Lianne. Si Lianne ay may isa ng anak. Subalit itong si Rianna ay unica iha naman ang dinadala niya ngayon.

Nagsitawanan naman ang apat. "Hay. Si Jazztine talaga. He's always hungry." ang sabi ng kaniyang Tito na si Kiro.

"Anak sandali lang maghahain na tayo." masayang sabi ni Lianne.

"K-kiro. Ma-manganganak n-na ata a-AWW!" nagsisigaw na sabi ni Rianna.

"A-ano?!" natatarantang sagot ng asawa niya. "D-dalhin ka na n-namin sa hos--"

"Roland!" napa-upo si Lianne. "R-roland manganganak na r-rin ako!"

"Ha?!! Kiro! Isakay na natin sila sa k-kotse mo! Anak, Jazztine sumakay ka na sa kotse." at hindi nila napigilan ang mataranta.


HOSPITAL

"Misis. Hinga po kayo ng malalim. Iire niyo lang ng kalmado." ang sabi ng doktor na nagpapanganak kay Lianne. Magkahiwalay ng kwarto sila Lianne at Rianna.

"Mommy, wag po kayong matatakot lalabas ng safe ang baby." sabi naman ng doktor na nagpapanganak din kay Rianna.
"AHHHHHHHH!!!!"

"AHHHHHHHH!!!! "

"Misis, konti pa nakikita ko na ang baby." doktor ni Lianne.

"Mommy, konting push na lang." doktor ni Rianna.

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" sabay na pagsigaw ng dalawa.

At iyon nga lumabas ng sabay ang mga bata.

"UNGAAAAAA!"

"UNGAAA!"

"Anak ko, salamat at ligtas ka." tiningnan ni Lianne ang anak.

"ARIANNE. Arianne Jasmin Ocampo"

"My Princess. Thanks your safe." naiiyak na sabi ni Rianna.

"Mommy what is your precious baby's name?" sabi ng nurse kay Rianna.

"I'll name her ELIANNA JOYCE PARK."


SOMEONE'S POV

Nabalitaan kong nanganak na daw ang magkaibigang Rianna at Lianne. Hindi ako makakapayag na magtagal ang pakakaibigan niyo. Babaguhin ko lang naman ang buhay ng mga anak ninyo. Alam kong simple lang ito pero, guguluhin ko lang naman ang takbo ng buhay nila paglaki nila.

"Hello? Alam mo na ang gagawin sa mga bata."

(Yes Ma'am.)

Rianna at Lianne. Maghintay lang kayo.

~•~

A/N

READ PO MUNA. PARA SA MGA HINDI PO NAINTINDIHAN DAHIL SA MGA PANGALAN.

LIANNE-ROLAND- Ang ipinangalan nila sa anak nila ay ARIANNE.

RIANNA-KIRO- Ang ipinangalan nila sa anak nila ay ELIANNA.

Ayun lang po. Para di kayo mahilo sa daloy ng story.

The Change of DestinyWhere stories live. Discover now