Chapter 1

10 2 0
                                    

CHAPTER 1- Their Life After 16 Years

~•~

After 16 years...

ARIANNE'S POV

"Hoy Arianne Jasmin Ocampo! Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Akin na yang Notebook na yan!"

Hahahahahahahahah... Sarap biruin ni Kuya. Binelatan ko siya. "Nay! Si Kuya! May nililigawan na!" napahigikgik ako sa tawa.

"Akin na yan!" Dahil matangkad siya, nakuha niya iyon ng walang hirap. "Sarap mong ibaon sa lupa!" sigaw ulit niya. Nagpout na lang ako. "Di bagay sayo muka kang damulag!" mapaos sana siya. Sakit sa tenga boses niya.

"Kuya" mahinahon kong sabi. "Pwede bang kumalma ka? Napakalaki mong HB." inirapan ko siya ng patago.

"Saan mo nakuha yang HB HB na yan?! Yung mga tropa ko LOL ng LOL! Huwag na huwag ka ngang gumaya sa mga naririnig mo!" pakiramdam ko dumudugo na ang tenga ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"KUYA!! ANG IBIG SABIHIN NG HB AY HIGH BLOOD! ALAM KONG NAKA-ON ANG PAGIGING PROTECTIVE KUYA MO! PERO HINDI LAHAT NG BAGAY SA MUNDO AY PROPROTEKTAHAN MO AKO. IMULAT MO YANG MATA MO! SAKIT KA SA ULO, TENGA PATI NA RIN SA BANGS KO! LUMAYAS KA DITO!"

"Wow. Ang HB mo naman. Sabi ko nga. Ito talagang si Princess." Imagine niyo yung pinagalitan niyong aso tapos biglang bumait, ganon si Kuya ngayon.

"Pwede mo naman sabihing hindi mo alam ang kahulugan ng HB at LOL Kuya eh. Hindi yung sisigawan pa kita." ngumisi ako kay Kuya.

"A-alam ko kaya!"

"Anong pinagsisigawan niyo diyan mga anak? Rinig na rinig ko kayo sa labas." sabi ng itay.

"Tay si Kuya Jazztine kasi"//"Tay si Arriane Jasmin."

Nagtinginan kami ni Kuya. "Gaya-gaya"

Okay? Bat iisa lang ang sinasabi namin?

"HAHAHAHAHAHAHAHAH" tiningnan ko naman si Itay. "Mga anak ko talaga kayo. O siya. Tawag na tayo ng Nanay niyo at kakain na tayo ng hapunan." umalis si Itay ng tawa ng tawa. Nag-mana si Kuya kay Tatay.

"Ang babaw ni Tatay." sabi ni Kuya.

"Parang ikaw lang." tumakbo na ako at lumabas.

"Mga anak. Halika na kayo at kakain na!" sabi ng Inay. Umupo na ako. "Nay sana tinawag niyo ako para ako na lang ang naghain, hindi yung nakikita ko kayong pagod na pagod." sabi ko kay Inay. Hay, si nanay kasi ang Super woman ng buhay namin.

"Nay umupo kana diyan, ako na lang po ang maghuhugas ng mga pinggan mamaya." rinig kong sabi ng Kuya. Liniitan ko ng mata si Kuya. "Bat ganiyan ka makatingin?"

"Wala naman." Bat naging maamo si Kuya? Madalas kasi ako ang naghuhugas ng pinggan. Tamad kaya yan. Umupo na si Kuya sa tabi ko. At nakita kong ngumisi pa siya. "Kuya, nagmamagaling ka nanaman ba?" bulong ko sa kaniya.

"Hindi. Naaawa lang ako sa mabait kong kapatid. Lagi na lang kasi siya ang inuutusan." alam niyo yung sarcastic? Siya yun ngayon.

"Okay." paninindigan ko na lang ang sinabi ni Kuya. Baka bawiin niya pa. Mabait naman yang si Kuya, kaso may saltik lang.

The Change of DestinyWhere stories live. Discover now