=======

10 1 0
                                    

Chapter 4- SM with Mabait kong Kuya

~•~
Arianne's POV

"Nay! Alis na po ako. Pupunta lang po ako sa bayan. Bibili po ako ng gamit sa eskwela!" sigaw ko nasa likod kasi si Inay. Naglalaba ata.

"Sige! Mag-iingat ka!" sabi ng inay.

Palabas na ako ng nakita ko si Tatay. "Tay. Punta kayo ng bayan?" tanong ko kay tatay.

"Hindi anak. Ginagawa ko pa itong tricycle natin, nagloloko ulit. Mag-commute ka na lang. Ito pamasahe mo."

"Tay hindi na po. May barya pa naman po ako." sagot ko kay Itay.

"O siya. Mag-iingat ka." nginitian ko lang si Itay.

"Arianne! Sasabay na ako, bibili rin ako ng gamit ko." pahabol ni Kuya. Tumango lang ako.

"Tay alis na po kami." sabi ni Kuya Jazztine kay Itay.

"Hoy. Sandali lang." naglakad na ako ng mabilis. Papunta ako sa kanto, para maghintay ng tricycle. "Ang bilis-bilis mo naman maglakad!"

"Bagal bagal mo kasi." sagot ko.

Nakarating na ako sa kanto. Kaso, walang tricycle. Ano ba yan.

"Bibili ako ng cellphone ko. Since College na ako." sabi ni Kuya.

Sabi kasi nila Tatay, pag college na daw kami magcecellphone. Wag daw kami gumaya sa mga kabataan ngayon. Dahil libangan lang naman nila iyan.

"Daya naman. Sana ako din." sagot ko kay Kuya. "Saan mo naman kinuha yang pera?" taka kong tanong. Imposibleng mag-ipon si Kuya. Magastos yan.

"Una, nag-ipon ako. Pangalawa, nagsabi ako kila Tatay at Nanay na gusto ko na magka-cellphone at hindi ko iyon gagamitin para sa mga kalokohan at sumang-ayon naman sila. Pagkatapos, binigyan ako ni Tatay ng pera para bumili. Ano? May-angal ka?"

Sumimangot na lang ako. "Di ko naman sinabi na magpaliwanag ka. Magkano inipon mo at magkano binigay sayo?"

"Bat mo pa tatanungin? Di na mahalaga yon." masungit na sabi ni Kuya. Di ko na lang siya pinansin. Sungit. -_-||

After 15 decades na paghihintay, may tricycle ding dumating. Joke lang, 15 minutes lang naman.

"Kuya, sa paradahan ng Bus." sabi ni Kuya Jazz sa driver. "Pupunta tayo ng SM."

"SM? Kuya, mahal don sa SM pag bibili ka ng cellphone. Sa bayan na lang. Tsaka sayang pamasahe sa bus."

"Wala kang pakialam. Gusto ko kasi may quality. Pag sa bayan masisira agad. Bibili ako ng IPhone." seryosong sabi ni Kuya.

"HA? Kuya! Mahal ang IPHONE! Wag ka ngang mangarap!" sigaw ko sa kaniya. Saan makakakuha si Kuya ng malaking pera para sa Iphone? "Yung Cherry Mobile na lang. Yung may keypad. Wag na yung touchscreen."

"Basta! Sa SM pa rin ako bibili. Tsaka sa National BookStore na ako bibili ng gamit." Aba. Pilingero naman nito. Kala mo ang rich kid. "Dun ka na rin bumili ng gamit mo."

"Ayoko. Sa bayan ako bibili. Praktikal ako sa buhay." sagot ko kay Kuya.

"Kapag kulang ang pera mo dadagdagan ko. Wag kang mag-alala." tiningnan ko si Kuya. "Alam ko, mabait ako."

The Change of DestinyWhere stories live. Discover now