III

795 10 0
                                    


***

Max's POV

"Broommmmm!!!brrommmmm!!!"....

Binaba na ang stan ng motor sa Parking Lot ng Mall.

"Heto na naman tayo...magdamagan uli..."..

Nilalakad ng kaunti ang pataas na pwesto ng isang Fast Food Chain. Magrereport muna sa nakakataas na security para sa palitang shift.

Ako si Max. Maximillano Karim Jr. Dalawang taon nako sa serbisyo ng security. Di man lang nakatikim ng increase sa sweldo at napako na sa provincial rate ang magdamagang duty.

"Good evening Ma'am/Sir, welcome to BeelliJoe.."..bati ko sa mga papasok na kakain. Bukas-sara sa pinto with smile.

Masaya na ko malinis namang trabaho. Magaan kahit kalaban ang puyat. Ok na yung nakauniporme at nakapang serbisyo.

Batuta. First Aid kit. Flashlight at panakot na baril. Meron ding pampito sa mga gustong magpark. Nakakadagdag ng tip sa yayamaning customer.Laging nakasabit at palinga linga din minsan.

"For security purpose lang po.."..pasundot sundot sa bag at metal detector.

7 pm to 7 am. Daig pa ang kuwago na dapat nakamulat ang mata sa gabi. Medyo nangangayayat na sa deretsong graveyard schedule. Nagkaroon ng eyebags at lumalim ang mata.

Kundi lang sa...

"Good evening Ma'am Sabrina.."..

Si Ma'am Sabrina, ang manager sa branch. Laging taas kilay. Nakanguso at seryoso. Maganda pero masungit at namamahiya pa.

Deretso lang sa paglakad na parang walang bumabati sa kanya. Menopausal sabi ng ibang crew.

Magandang kurba at malaking pwetan, yun na lang kahit masungit.

Change is coming sabi ng mga cashier. Magaling kasing mamahiya at manduro ito kahit sa harapan ng customer. Lalo na pag short, di sila papauwiin at magdiskarte pano bayaran. Mataas ang pressure. Kahit pang madaling araw ang duty niya, magigising lahat ng crew hanggang ketchin.

Change. Kapalitan lang siya ng dating kabaligtaran ng kanyang pag uugali. Siya ang naglagay sakin ng graveyard shift at wala daw akong magagawa doon. Mukha daw akong bouncer ng Club. Diko lang alam ang ibig sabihin niya sa.." para matakot sila sa'yo..".

Malinis na ang kwatro mil kinsenas. May naiipon din at naibibigay kila Inay. Pambayad sa kurente at tubig.

One day millionnaire.

Mabagal ang oras ng graveyard. Kunti lang kasi ang kumakain ng ganoon pero sige pa rin sa 24hours ang branch.

Papasok ang makakapal na make up ng mga babae. Sayang ang mga ganda nito sa pagbebenta lang ng aliw.

Di rin ako makakatulog sa every 20 minutes, nagraradyo sila. Pag di nasagot, paktay. Buti may kape ang store kaya nakakapag pagising din.

"An tagal tagal mo na rito, di mo pa alam magpunch!!!"..boses ni Manager.

Iiyak na lang ang mahinhing kahera.

"Haaay..kawawa naman...di niya alam na..nakakakaba pag rumurunda ito para mag swipe.."..

Hanggang sa may iiyak na o kaya tatahimik bigla ang store.

7pm to 5am ang sched ni Manager. Pakatapos nun, hayahay na.

Di mamalayang, mag aalasingko na. Another shift ulit. Titignan ang relo sa barkadang malelate na.

"Lagot..."..

                  Kwatro KantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon