IX

159 6 0
                                    


***

Mika's POV

Nabusesan ko si Alfred. Hinanap ko. Nakita ko siya. Ang ngiti niya. Ang tingin niyang napakainosente. Ang mata niyang nagpapahalatang sabik na makita ako. Ang galaw niyang di ko na huhulaan.

"Nagkakagusto siya sa'kin.."..

Ayokong palalimin ang pagkakakilala niya sakin. Alam kong mahihirapan siya. Masasaktan ko. Hindi ko alam.

Ang gabing yun. Ang pinakamahabang limang segundo.

Umiling ako. Sinabi kong di ko siya kilala. Mas ok na yun para lubayan niya ko. Na sana iwasan niya ko.

Mabait siya. Masipag. Humahanga ako sa paggalang niya sa lahat ng bagay.

Minsan, napapatingin ako sa layo ng kanyang tingin sa pagpidal. Puno ng ambisyon..ng pangarap. Laging nakangiti.

Nauutal pag minsang kinakausap. Sa mga personal niyang opinyon na mas tama sa konklosyun kung mali pala.

Halata ko din ang pilit niyang pagbago ng porma. Naging malinis tignan. Naiba ang haircut at lagi ng bagong paligo. Gumuhit ang mga ngiti niya kahit kailangan pang kilalanin bago husgahan sa itsura.

Sa laki ng kanyang mga binti at braso, sa kanyang hapit na damit ay kumukurte ang matigas nitong dibdib. Minsang nasilip na rin sa pagkakasando ang mga abs niyang hinulma sa trabaho. Sinasadya ko na lang isuot ang headset..para iliko ang nasisimulan ko ng paghanga.

Si alfred.

Si Alfred...

Ako ng iiwas sa mundo kong puno ng taong tumitingin sa itsura kesa sa ugali. Ang yaman kesa sa kayang gawin ng independyente. Matapobre at mapanghusga. Ayokong magpatangay...na kaming dalawa ay mahusgahan.

"Sorry Alfred..."..

Kitang kita ko sa mata niyang nasaktan ko siya. Na ikinaila kong kahit kakilala ko lang ay di sinagot. Ako pang natakot sa mga sasabihin ng mga kaibigan ko pag sinabi kong.."..oo..kilala ko siya at kaibigan pa.."..na siguradong hahamakin lang siya at tutupukin ng bully. Baka biruin pa siya ng mga salitang di kayang malunok. Ako..ako ring natatakot na diko siya maipagtanggol kung sakali.

Tumalikod ako at pinunas ang luha. Kunwaring binasa ang script. Ako ding nasaktan sa ganda ng pakikitungo niya ay sinuklian ko ng pagtanggi kahit kaibigan lang.

Paglingon ko'y wala na siya.

Sinubukan kong habulin sa pag excuse na mag-cr.

Pero nakita ko siyang may kasamang babae. Ang babae na minsang nakita sa malamig na umaga. Sabay nagkakape at nakangiti.

Hinayaan ko na lang at saka bumalik.

Pero iba sa pakiramdam na nakahawak ang babae sa braso ni Alfred.

*****

Lyra's POV

First year college, napapansin ko na si Leorio. Madalas siyang mag isa. Nakakalat kalat kung saan saan. Ayaw sa kumpol ng tao. Parang may iniiwasan. Nung una nawiwirduhan ako sa kanya. Nerd in action kumbaga.

Kaklase. Mag isa niyang lalake at kadalasan sa kanya napupunta ang atensyon. Only thorn among the roses. Hinahawakan ang bandila ng kalalakihan sa kursong karamihan ay babae ang kumukuha.

Di marunong magsuklay. Kusot ang damit. Naniningkit ang mata sa kulang na tulog. Umaga palang, hagard na siya. Hindi masabing simple siya o badoy, basta wala siyang pakialam..sa itsura niya. Sa mga kaklase at kaibigang babae, minsang tinutukso sa kanya. Hindi para makilig pero pagtawanan lang.

                  Kwatro KantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon