XX

107 5 0
                                    


Rina's POV

"...Akala mo..di ko alam...

...Akala mo..di ko napapansin.."..bulong ko sa natutulog na Alfred.

Madali akong nairekomenda magtrabaho sa Baranggay. Kumpare kasi ni tatay si Kapitan. Malapit din ako sa bunsong anak ni Kap kaya kinuha din akong tagahatid at tagasundo sa eskwelahan.

Doon, kung saan nakita ko bawat araw at walang palya si Alfredo maghatid sa babaeng yun.

Lagi kong nadaanan nun kung paano alalayan ni Fred maisakay ang babae. Yung ngiti niya na may excitement. Minsan, mas maaga pa siya para tanawin at maghintay.

Nakita ko ring maganda yung babae. Sino ba naman ang di magkakagusto dun, eh halos lahat ng pedicabs ay nagkukumahog maisakay lang siya. Sa mapuputi niyang hita?Sa mapulak na mukha? Sa laging nakangiti?..at mayaman tignan. Malamang,nabiktima niya ang kabaitan ni Alfred.

Yung mga effort ni Fred baguhin para bumango naman tignan. Mula hairstyle hanggang porma. Para maging presentable????para magpapansin sa babaeng yun.

Fiesta. Siya ang Host ng baranggay. Kaya pala nagbago ang awra ni Fred nung bumalik siya. Na napahiya dahil ikinaila siya nung babae sa kwento ni Leorio.

Na???nandidiri siyang ipagmalaki na kilala siya ni Alfred??ganon??

Bastos talaga ang babaeng yun!!!!

Kaya pala,nag iba ang reaksyon ng mukha ni Fred nang sabihin kong hinahanap siya sakin. At yun ang dahilan..para magsorry at bilugin uli ang kabaitan ni Alfredo.

Bumalik sa dati si Fred. Lumampong ang buhok. Di na masyado nag aayos. Parang walang naiipong pera na makabili man lang kahit tsinelas.

Tsssk!!lakas ng tama sa babaeng yown!!

Ang kapal pa ng mukha para dumayo ng basketball. Ipinakita pa kay Alfred kung pano niya supurtahan ang boylet niya.

Pinilay pa siya.

Nasasaktan ako kay Alfred.

Di dahil,sinaktan siya nung babaeng yun.

Kasi higit pa sa kaibigan ang turing ko kay Alfredo. Na kahit wa-itsura ay tanggap ko.

At ngayon, halos lagnatin siya sa pagkakapahiya. Naglasing pa?

Dahil sa babaeng yun?

Mika??!!!

..."..bakit ba Alfred...sana kinalimutan mo na lang siya..sana di ka nalang sumama..."..pahaplos ko sa nuo niya.

Nag alala ako dahil kaninang umiinom siya mag isa,halos mahulog na sa hagdan. Dagdag pa ang nanginginig na katawan at nadadarang na lagnat.

"..andito lang ako sayo Fred..."..yakap ko sa kanya.

Nilabaran ko siya baka sakaling bumaba ang lagnat. Hinubad ko ang damit niya sa kanina ay nasukahan din.

Kung sakaling wala siyang kasama sa bahay dahil nagkatulong si Aling Badet sa loob ng subdivision, di ko maatim makita si Fred na bagok ang ulo sa pagkahulog sa hagdan.

Pahigpit ng pahigpit ang piga ko sa towel.

Nagagalit ako sa gumawa nito sa kanya.

Na sana,sa oras na iyon,naging mangkukulam ako.

"..alfred..."..pagising ko sa kanya para humigop ng hinanda kong sabaw.

Pumupungas ang mata niya. Hinahagilap kong sino ang kasama sa kwarto.

"..ako to si Rina.."..pahawak ko sa pisngi niya.

"...ahhh...bat ka andito..nu oras na.."..salita niya kahit nakapikit ang mata.

                  Kwatro KantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon