VII

254 6 0
                                    


***

Leorio's POV

Opening day palang ng pyesta at pinaghandaan nila ito. Maayos at malinis naman. Di gaya ng nuon ay siksikan at pakalat kalat na basura.

"Tenenet tenenenet teneeeett"..ng mga musika ng parada.

Kasama ko si Lyra. Hindi ko alam kung pano ko siya naimbita. Mabilis. Basta, sa kilos niya ngayon, mukha siyang ignorante sa pagnood ng parada o kung ano nangyayari pag pyesta. Nakangiti pati mata niya na halos ayaw kumurap. Kung pwede lang mapicture yung smile nya nang makapulot ng binatong candy.

"Ahhhhh!!!hahaha! Look ohhh! Nakapulot ako,hahhaha!"..

Anak-mayaman.

**

Flashback

Byernes ng hapon. Nasa may fire exit ako. Dun ako tumatambay pag bakanteng oras ng klase. Bihira lang may dumadaan at tahimik. Minsan, pag may naibalot na burger, ayos ng pang merenda. Kakuntsaba naman kasi ang sekyu na max.

Nilabas ang calculator para kompyutin ang mga natitirang pera. Nakailang adjust nako at di talaga aabot.

Nang may kumalabit sakin.

"Waaaahhhh!!!"pagulat ko.

"What are you doing here..???"..

"...wa..wala...teka bat andito ka rin.."..

"Shortcut. Malelate na tayo sa last subject kaya dito ako dumaan..ikaw? Dito ka nagrereview noh??"..

Kinuha ang bag at di na sinagot. Dumeretso na lang pababa.

Nasa likod ko lang siya.

"Leorio...pwede bang..."..

Napahinto ako at hinintay ang dugtong.

"Pwede bang, partner tayo sa Thesis.."..

Lumingon ako pero di alam ang isasagot.

Nakatingin lang ako sa ngiti niya.
Sa labi niyang pula. Sa mata niyang naghihintay din ng sagot.

...nahawa ako sa ngiti niya kaya napasmile din ako.

Yun, at pumasok na siya sa next subject. Tinabihan ako at pinasa ang title ng Thesis.

Akong di makaimik pa rin. Basta, si Lyrah ay kasama ko....na.

******

Max's POV

"Sakit ng ulo ko..uhhh..."..

Nakabalot lang ng kumot at pinipikit ang mata.Masakit sa ulo ang nabiting alak.Baka daanin pa ng antok kahit alanganin ng alas sais ng gabi.

"Ala-saiss???!!!!!"...

Nagmadaling bumangon. Naligo. Nagbihis at nagsipilyo. Binaon na lang ang gel.

Atubili kahit di naibutunes ng maigi ang uniform.

"Naku!!! Malelate ako!! Baka pagtripan ako ng bruhaaaa!!!!"...

Pinaandar pabulusok ang motor. Hinahabol ang alas syeteng shift.

Sinuot ang shades para sa insektong makakadapo sa mata ay mahapdi.

"Brrroooooommmmmm!!!!!"...

Nakita si Ryu na nakangiti. Halatang napaubos lahat ng paninda. Di na narinig ang sinabi nito na biglang kumunot ang nuo.

Mabilis ang pagpapatakbo sa walang trapik na daan. Pinark agad at hinabol ang oras para makapag-in.

Nagtaka naman sa di kinikibuan ng karelyebo. Palihim ang tinatago nitong bungisngis. Napapaisip na baka may dumi ako sa mukha.

                  Kwatro KantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon