XIII

125 7 0
                                    

~¤~

Ana's POV

Tama bang sumama ako sa kanya?Di ko siya kilala pero kilala niya ko...sa pangalan.

"Ryu.."..tanging sambit ko.

Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot, na baka pag nagkamalay si Doro ay hahanapin ako't ituloy niya ang banta sakin. Masaya, dahil sa wakas...o hindi man, makakalaya ako sa kanya. Hindi lang ako sigurado kung gang kelan.

Nakahawak ako sa braso ng estranghero.

"...ok ka lang ba Ana??.."..palingon niya.

Napatango naman ako kahit pinapahid ang basa kong mata.

"...magiging ligtas ka sakin...."..sinsero niyang tingin.

Gusto kong pumikit. Di ko alam, kahit di ko siya kilala, magaan. Naniniwala ako sa kanya.

****

Iskwater.

Basa ang mga daan. Maputik at lublob. Kabi-kabila din ang mga daluyan ng kanal. Mabaho at malansa.

"...pa..pasensya ka na Ana...ganito talaga sa baranggay namin. Medyo napag iwanan. Mababa kasi dito kaya may mga naiistock na tubig. Pero, safe dito...huwag ka mag alala..mababait ang mga tao..."..habang inaalalayan ako sa paglakad.

"..ohh..ok lang..."..

Nacoconcious ako sa mga matang nakatingin. Mga tambay na walang saplot at nakahithit ng sigarilyo. Batang nakapaa lang at miski salawal wala. Sigawan ng nag aaway sa labasan. Humahalo pa ang mga askal na di magkamayaw sa pagkahol.

May mga bahay ding malakas ang pagpapatugtug ng sound system.

"...ryu...hindi ba nakakahiya...??.."..patigil ko sa paglakad.

"...na.. ??.."..paglilinaw niya.

"...na ito..kasama mo ko..?.."..na di ako makatingin.

Sasagot pa sana siya nang napamano sa isang matanda.

"...tay...si Ana po..kaibigan ko.."..pagpakilala ni Ryu.

"...ma..magandang araw ho.."..pabati ko pa. Ewan at nakasanayan ko ding magmano.

Napakunot ang matanda saka inakbayan si Ryu at may binulong bulong pa.

Napamewang ang isa at napapailing.Sabay lingon sakin.

"...pasensya ka na Ana..wala kasing naikwekwento ang anak kong 'to na may maganda siyang...ka-ibigan..."...pangiti niya.

Sa panukso palang ng ama niya,alam kong malapit sila sa isa't isa.

Ngumiti lang ako.

"...ahhy..teka..mukhang nadumihan yang damit mo Ana..anong nangyari..."..pansin ng kanyang tatay.

Nagkatinginan naman kami ni Ryu.

"...pasok muna tayo sa loob tay.."..

Di nako nailang sa pahawak likod ni Ryu..

****

Galbanisadong pintuan na pininturahan ng berde. Ang sahig naman ay sumusumngaw sa derektang lupa ang tapakan. Masikip pero maliwanag. Malamig at maaliwalas.

Napaghahalatang bahay ng lalake sa lahat ng kanto ng dingding ay nakapaskil ang mga sensuwal na larawan sa kalendaryo.

Mga graduation pictures. Mga stolen shots sa beach at birthday ni Ryu. Mga kaibigan niyang hawak ang beer.

"...uhmmm Ana...heto oh..meryenda muna tayo..."...anyaya niya habang hawak ko ang picture frame nilang pamilya.

"...sa..salamat..."..

                  Kwatro KantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon