Chapter 7 - He Is MINE

342 8 1
                                    

A/N: Enjoy reading. :)

Patuloy na pinagmamasdan ni Ken ang liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ni Cady. Kanina pa siya sa tapat ng tahanan ng mga ito, ni hindi siya umalis mula ng lumabas siya ng silid into. Oh how he love Cady so much. Subalit mas mainam ng dito siya manatili. Call him stupid or what, ayaw lamang niyang pumangit ang imahe ng dalaga.

Nang magpunta siya dito ay isa lang naman ang pakay niya.

He just wanted to know if she's home. Kaya kahit gabi na siya natapos makipag-usap kay Venice ay dumiretso pa rin siya sa tahanan nito. And he just lost control of himself when he saw her almost naked.

Call him paranoid or what, gusto lang niyang malaman kung ligtas ito.

Napatiimbagang siya nang maalala ang sinabi ng kaibigan ng dalaga sa kanya kanina.

"Oh yes, I saw the of you that night. And yes, I told Cady about it." Tinaasan siya nito ng kilay. Tila handa anumang sandali na kalmutin siya. Sinadya niya talaga ito sa shop nito para alamin kung totoo ngang ito ang nakita ni Via.

"You should've stayed longer para nakita mong iniwan ko rin agad si Via." Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa ekspresyon ng mukha nito.

"Why should I?" She said in a sarcastic tone. "I'm warning you, Valderama. Kapag sinaktan mo pa uli ang bestfriend ko, you'll have a clear view of hell."

That amused him. "Para namang may nagawa akong masamang krimen. At paano mo gagawin yon?" Natatawang tanong niya dito.

Pinanlisikan siya nito ng mata. "You will know in due time. Itatago talaga namin sayo si Cady."

"And how will you do that?"

Muli ay tinaasan siya nito ng kilay at tinapunan ng nagbabantang tingin. "Its either my way or bloody hells way."

No doubt, mag-bestfriend nga sila ni Cady. Parehong matapang at parehong palaban.

Ilang sandali pa bago niya nakitang namatay ang ilaw sa silid ng kasintahan.

Kailangan nyang makausap ito. Kailangan niyang maipaliwanag na walang ibigsabihin ang pagkikita nila ni Via. Knowing Cady, malamang nagseselos na ito pero hindi pinapakita at pinapaalam sa kanya.

Magaling itong magtago ng emosyon kapag nasasaktan at nagseselos. Isang bagay na ikinaiinis niya.

Tiningnan nya ang suot na relo. 4:45am. Masyado pang maaga subalit ipinasya niyang sa sasakyan na lamang magpalipas ng gabi at hintaying mag-umaga.

Sunod-sunod na katok ang gumising sa diwa ni Ken kinabukasan. Pagbaling niya ay ang ina ni Cady ang nakita niya.

Tarantang lumabas siya ng kotse at agad na nagmano sa matanda. "Hi, Mang."

Nagtatakang pinagmasdan siya nito. "Ano't dyan ka natulog? At bakit ang aga-aga ka ay nandito ka? "

Kakamot-kamot na sumagot siya. "Eh kagabi pa ko nandito, Mang.." nahihiyang tugon niya. Gusto niyang pag-initan ng mukha ng maalala ang ginawa nila. Na malamang ay hindi alam ng ginang.

"Ay bata ka! Hala, tena't pumasok sa loob nang makapagkape."

Nauna na itong naglakad sa kanya. Bantulot na sumunod siya dito.

Pagdating sa loob ay agad itong dumiretso sa kusina.

"Ken, anak," wika nito mula sa kusina. "Maupo ka na muna dyan at maghahanda ako ng almusal, maya-maya eh gigising na din ang nobya mo. Loko kang bata ka, ano bang pumasok sa kukote mo at doon ka nagtiis sa kotse mo?"

To his amusement, patuloy ang ginang sa ginagawang panenermon sa kanya.

He looked around. Maaliwalas ang lugar ng mga ito. Tumayo siya at lumapit sa mga picture frame na nakapatong sa isang istante sa sulok.

You're Mine, Only Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon