CHAPTER 3 - The flashback

694 14 3
                                    

Kumilos si Cady nang normal katulad ng mga nakaraang araw. She fixed herself up, nilinis nya ang bahay nila, tinulungan ang ina niya sa pagluluto at pagsapit ng hapon ay naghanda siya sa pagpunta sa coffee shop na pag aari ng pamilya nila.

Hapon na siya nagpunta ng araw na yun sapagkat araw lang ng inventory nila. She looked normal, as if nothing happened. She acted normal, too. Ang kaibahan nga lang ng araw na ‘to sa mga nagdaang araw ay mas matindi ang sakit na nararamdaman niya. Tila ba habang tumatagal ay lalong bumibigat ang nakadagan sa dibdib. Alam naman niya kung ano ang solusyon sa nararamdaman nya, pero hinahayaan nyang manatili iyon nang sa gayon ay masanay siya. It was so damn hard living without him. Pero kapag naiisip nya ang nangyari nang gabing yun ay para siyang pinapatay.

Today was the 3rd month since they broke up. It was ironic that the day they part ways was on their first anniversary.

Nagmamadali ang kilos ni Cady habang palabas ng shop nila. Pupunta siya sa bar ni Ren sapagkat tumutugtog na uli si Ken doon. She knew music was his life. Simula nang  bumuo ulit ito ng banda kasama ng kaibigang si Ren ay lalo itong sumigla.  At susuportahan niya ito doon.

But tonight was different because it was their first year anniversary. Hindi pa siya binabati nito pero ok lang sa kanya. Mahilig si Ken sa last minute surprises. Baka may plano ito, and she was excited about it.

Pumara siya ng taxi at agad na nagpahatid sa Rhythm Bar. She smiled at the thought of surprising him.

Sa kamay ay hawak niya ang regalo niya para dito. It was a silver guitar miniature. Ang sukat niyon ay doble lamang ng laki ng keychain. She had his name engraved at the back of it. Ilang malls din ang nilibot niya sa paghahanap nito. At alam niyang magugustuhan nito iyon. Pagdating sa bar ay agad siyang pumuwesto sa isang sulok malayo sa karamihan. Ayaw niyang makita siya nito. Kasalukuyang si Ken ang kumakanta.

Ken was a different person when he was on stage, napakaseryoso nito kapag  tumutugtog at umaawit ito. Tila ba laging solo nito ang mundo, walang pakialam sa paligid niya. He was a god there. And she loved him even more for that. Ilang saglit lang ang lumipas ay natapos na ang set ng grupo nito. Pilit niyang pinigilan ang sarili na huwag agad sumunod dito sa backstage. Alam niyang pagod pa ito.

Nagpalipas muna siya ng ilang minuto bago nagpasyang magtungo sa kinaroroonan ni Ken. She was excited on how he would react with her surprise. Gustong gusto niya ang ekspresyon ng mukha nito kapag sinusorpresa niya. He would react so cutely and would gently pinch her nose. Marahan siyang kumatok sa pinto at dahan-dahan iyong binuksan. Pero hindi niya inakalang siya ang masosorpresa sa makikita niya.

Natigagal siya sa inabutang eksena. There's Ken. Standing in the corner of the backstage, holding someone tightly and kissing that woman passionately.

Nasa ginagawa ang atensyon ng dalawa kaya tila hindi napansin at naramdaman ang presensya niya. Pain sliced through her chest. Ibayong sakit ang bumundol sa dibdib niya.

Ibinuka niya ang bibig upang magsalita subalit walang tinig na lumabas doon. Nabitawan niya ang hawak na regalo sa sahig at gumawa iyon ng munting ingay. Dagling naghiwalay ang dalawa at lumingon sa direksyon nya. Alam niyang nagulat ang mga ito.

Sunod-sunod na namilibis ang luha niya. Pagkabigla ang bumalatay sa muka ni Ken na agad ding napalitan ng pagkaguilty. "Cady.." anito. Nagsimula itong humakbang palapit sa kanya.

Itanaas niya ang isang kamay upang pigilan ito. Muling ibinuka ang bibig ngunit muli ding isinara. She was too hurt to speak. Tiningnan nya si Ken bago inilipat ang tingin sa babaeng hinahalikan nito kanina. She knew who this woman was. It was Via. Hinintay niyang magsalita si Ken subalit nanatili itong tahimik.

You're Mine, Only Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon